Chapter Fourteen: Heart Condition

20 0 0
                                    


Third Person's P.O.V

February 14... Friday.

Isang buwan na lang at magtatapos na ang huling batch ng high school. Ngayon ay araw ng mga puso at lahat ng mga estudyante ng Hallwest High ay abalang gumagawa ng program. Kasali na dito ang JS Prom na mangyayari mamayang gabi.

On the other hand, nagmamadaling umalis ng bahay si Ruby. Hindi na nga niya nagawang magpaalam sa kanyang Lola. Gusto niya kasing tumulong sa pagde-decorate. At gusto rin niyang mawala sa isipan niya lahat ng mga nangyari. Ang pagpapanggap, ang engagement, ang nalaman niya kay Nathan, at ang litratong bumabagabag sa isipan niya.

Nang makarating na siya, agad siyang nakisali sa mga kaibigan niya sa pagde-decorate. Binati siya ng lahat. Siya pa rin kasi ang Presidente ng buong school at siya rin ang itinanghal bilang Vice President ng buong town.

Hindi man niya naiintindihan ang naging systema ng paaralang ito, ginampanan niya pa rin ang tungkulin niya. Nagtataka kasi siya kung bakit kinailangan pang magkaroon ng botohan sa pagka-President at Vice President sa mga estudyanteng magtatapos na ngayong taon. Pwede naman sa ibang lower years na magtatapos pa sa susunod na taon.

"Oh, bakit ka nandito, Ruby?" Tanong sa kanya ni Beth. "Bakit ikaw lang? Nasaan si President Welbherhan?"

Napakunot siya dito. "Hindi ko siya kasama. At kailangan pa bang lagi kaming magkasama hanggang dito? May sarili siyang school, di ba?"

Nagkatinginan ang mga kaibigan niya at ipinagtaka niya ito.

"Huh? Valentines Day kaya ngayon at saka alam ng lahat na dapat magkasama kayo dahil kayo ang magiging sample model sa magaganap na JS Prom mamaya." Sabi ni Athena. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

"Ha!? K-Kami?! S-Sample model?! Wala namang nag-inform sa akin na magiging sample model ako." Nag-uusok na wika ni Ruby. Pinagtawanan siya ng mga kaibigan niya.

"Paano namang hindi mo malalaman. Eh, si President Welbherhan ang nagpatupad nito." Aniya naman ni Mike. Lalo siyang napakunot sa narinig. Bakit naman magpapatupad ng ganito ang lalaking yun. Tapos hindi pa ipinaalam sa kanya.

"Alam mo ba, Ruby. Alam na ng lahat na kayo na ni President." Bulong ni Samantha. Natigilan siya ng sandali. Kaya pala sa pagpasok niya sa school, nakapako sa kanya ang tingin ng lahat. May parang naiinis, may parang natutuwa, may plastik ang ngiti at may malapad-lapad naman. Alam na pala ng lahat...

"Di ba si Nathan yun?" Sabay turo ni Joshua sa mga C.A.T na abalang nagpipinta sa mga buildings. "Ang husay niyang mag-instruct sa mga kasapi niya."

Napayuko na lamang si Ruby. Ito lang ang araw na hindi man siya nilapitan o kinausap man ng binata. Simula noong araw na malaman nito na sila na nga ni Ivan ay di na ito nagparamdam pa. Hindi rin ito sumasagot sa mga tawag at text niya. At kung dadalawin niya ito sa bahay, laging sinasabi ng kasambahay ng binata na may importanteng lakad. Kaya ganuon na lamang kalungkutang naramdaman ni Ruby.

"Ruby, wala ka bang balak lapitan siya?" Tanong ni Carla. "Hindi naman yata niya kayang gawin na dumistansya sayo sa harap ng lahat."

Naisip na rin iyon ng dalaga pero wala siyang lakas ng loob na lapitan ito. Natatakot kasi siya na baka hindi siya pansinin o kausapin nito. Naiintindihan niya naman ito. Pero kahit na. Hindi naman pwedeng mawala nalang ng ganito ang friendship nila dahilan lang sa isang pagpapanggap. Naisipan na rin ng dalaga na sabihin ang totoo dito pero may pumupigil sa kanyang isipan...

"Dont you ever tell this stuff to Nathan..."

Nangako kasi siya na wala siyang pagsasabihan nito kahit kanino lalo na kay Nathan. Kaya gusto niyang makausap si Ivan para ihinto na ang lahat ng kahibangan nito.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon