Chapter Seventeen: Cheska-Kriamton High

23 0 0
                                    

Athena's P.O.V

Nagsimula na ang Maskaraid Ball. Naghiwa-hiwalay na kami at nagsitungo na sa kanya-kanyang puwesto. Binigyan muna namin ng asar good luck si Ruby. Malamang siya talaga ang maisasayaw ni Nathan. Bagay naman talaga sila.

Natigilan ako nang may lumapit sa akin. Sa tangkad at amoy pa lang ng pabango kilala ko na to. Its Jeferson. Ano naman kaya ang ginagawa nito dito. Hindi naman siya estudyante dito.

"May I have this dance?" Sabay lay hand on me. Hindi ko na siya tinanggihan.

When the music started to play, doon lang ako nagsalita. "Anong ginagawa mo dito?!"

"Athena?!" Gulat niyang sabi. Ay, oo nga pala. Nakamaskara pala ako kaya di niya ako makilala. "Oh, God! I thought you were Carla."

"Hee! Bakit mo naman nasabing ako si Carla, aber? Hindi mo naman alam ang susuutin niya ngayon." Minsan ang tanga talaga ng lalaking to. Kainis, eh.

"Lintek naman, oh! Naisahan na naman niya ako." Pero patuloy pa rin ang pagsayaw namin. Napalingo-lingo na lamang ako. Nagsinungaling na naman tong si Carla sa kanya at ako pa ang ginawang pain. "Teka, nasaan ba si Carla? Sabi niya kasi na ito ang susuutin niya. Thats why I thought you were her."

"Nagpauto ka naman. Ang tanga mo talaga, Kuya." At pinisil ko ang may leeg niya. "Aw! Sakit, ha."

Siya ang Kuya ko. Half brother and sister lang kami. Magkapatid lang kami sa Ama. But only Carla knew it. Wala kasi akong planong sabihin ang totoo kina Beth at Samantha. Lalo na kay Ruby habang hindi pa namin natatapos ang mission namin ni Kuya... Ang hanapin ang taong nagpasimuno ng pagsabog sa barko. Dahil kasi sa taong yun, namatay ang mga magulang namin. Ang masakit pa sa nalaman namin, ibinaon na sa limot ang trahedya sa barko. At pinagpalagay pa na isang bagyo ang naging dahilan. Mga walang hiya! Nagkataon lang na pagkalubog ng barko may bagyong dumating. Maswerte ang taong yun dahil hindi namin siya masyadong nakilala at namukhaan. Dahil pagnagkataon, matagal na namin siyang pinatumba.

"Sino siya sa mga yan?" Tanong niya.

"Yang kanina pang nakatingin sayo. Wag mo ng lingunin dahil ako ang babatukin nun."

He just chuckled like a kid. "Did she still love me? What do you think?" Pinisil ko na naman ang leeg niya. "Aw! Kanina ka pa, ha! Ang sakit kaya."

"Puro ka kasi Carla. Baka dahil sa kanya nakalimutan mo na ang mission natin."

"It woudnt happen. At saka, alam mo namang until now, she still the girl in my life." Alam kong nakangiti siya. Pipisil ko sana ang leeg niya. "Isa pa. Kurutin mo pa. Papasigawin kita dito."

"Chee!" At sabay irap. "So, whats now?"

"I have something to ask, nagustuhan mo na yata na mabilang sa friendship nila. And I can see it everytime you were with them."

Napaiwas na lang ako ng tingin. Sa totoo lang, hindi ko naman gusto ang masali sa pagkakaibigan nila dahil sa mission ko. Ayuko kasing may madamay habang ginagawa ko iyon. Pero I didnt expect na ang isang tulad ni Ruby ay madaling kaibiganin, madaling maging kaibigan at ramdam ko na importante ako sa kanya....importante ang mga kaibigan para sa kanya. Kaya ngayon...ang hirap ng humiwalay sa kanila.

"Ipagpatuloy mo lang yan kung ito ang nagpapabalik sayo sa dati na nakilala ko. Dont worry, they will never involve of what we are doing... I promised."

Kainis talaga ng lalaking to. Ang hilig magpaiyak ng babae. Kaya hiniwalayan siya ni Carla.

Speaking of them, naging sila ni Kuya pero hiniwalayan siya ni Carla dahil engage ito sa iba...which is Ivan Welbherhan.
Kaya nga nagulat ako nang malamang si Kyle at si Ivan ay iisa. Tapos sina Ivan at Ruby na pala. Ang gulo! Ipagpapatuloy pa ba nila ang engagement? Ewan ko!!! Nababaliw na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon