Chapter Sixteen: Valentines Party

11 0 0
                                    

Carla's P.O.V

The party is still going on. Nagpatuloy pa rin kami sa pagtanggap ng mga bisita sa ibang school for the winning competition. Sa kabila ng nangyari kay Kyle, bulong-bulungan pa rin ang nangyari dito.

Kasama ko ngayon sina Athena at Samantha. Nasa gym kami, nagpatuloy sa pagde-decorate.

"Kamusta na kaya si President, noh. Hindi pa rin kasi tumatawag si Ruby." Aniya Athena.

Hindi nawala sa isipan ko ang naging reaksyon ni Ruby nang mabalitaang may nangyari kay Kyle. Malamang, boyfriend niya yun, eh. So, dapat lang na mag-alala siya.

Pero kitang-kita ko ang naging reaksyon naman ni Nathan. Parang gusto niyang sumuntok pero pinipigilan niya. Alam kong may alitan na sila ni Kyle since then but that was just a grade. Pero sa tingin ko tungkol na to kay Ruby.

Alam naman namin na matagal ng may gusto si Nathan kay Ruby. Kaya nang malaman nitong si Ruby at Kyle na, parang iniiwasan niya na si Ruby kahit halatang di niya kaya.

Pero ang nakapagtataka lang, anong ginagawa ni Kyle sa may harden ng school. At hindi rin kalayuan ang binagsakan niya sa kinaroroonan nina Nathan at Ruby. Hindi kayay...

"Guys, may tanong ako sa inyo." Panimula ko. "Posible bang sumikip ang dibdib mo pagnasaktan ka?"

"Nasaktan? Anong klaseng nasaktan? Nasaksak ba o feelings?" Clarify ni Samantha.

"Yung pagnakita mo ang mahal mo na may kasamang iba. Yung ganun. Posible bang maninikip ang dibdib mo?"

"Oo naman." Sagot ni Athena. "Puso mo kasi ang makakaramdam nun. But usually sa ganyang case, may sakit sa puso. Teka, wait. Dont tell me na paninikip ng dibdib ang dahilan kung bakit nawalan ng malay si Kyle."

"Yun ang hinala ko. Bago kasi namin nakita ni Jeferson si Kyle, nakita namin na magkasama sina Nathan at Ruby. Sa tingin niyo ba nagseselos siya sa dalawa?"

"Pwede!" Aniya Samantha. "May ganyan ring pangyayari na kaya sa mga teleserye o love story. Pwedeng selos ang dahilan. At kahit sino naman magseselos pagnakita nila ang mahal nila na may kasamang iba."

Napatigil ang usapan nang mag-ring ang phone ni Samantha. "Si Ruby. Tumawag. Quiet lang muna." At sinagot niya ito. Nag-usap sila samantalang may mga iniisip kami ni Athena na pwedeng maging dahilan sa nangyari.

"Carla, hindi sa you know. Pero iba ang pakiramdam ko. Totoo ba talagang sila na ni Ruby at Kyle?" Pagdududa ni Athena. Kahit ako. Nagdududa rin. Sabi kasi ni Ruby na ayaw ng Lola niya na mag-boyfriend siya. Pero bakit parang ayos na sa Lola niya na may bf siya? Okey, ipagpalagay natin na nag-iba ang isip ng Lola niya. Pero bakit hindi agad sinabi ni Ruby na sila na ni Kyle? Bakit kay Nathan pa namin nalaman? Hay! Ang gulo!

Natigilan kami nang matapos ng mag-usap sina Ruby at Samatha sa phone.

"Guys, sabi ni Ruby ayos na si Kyle. May sugat pala to sa puso kaya bigla na lang nag-collapse."

"Sugat sa puso?" Sabay tanong namin.

"Oo. Naalala niyo yung tragedy noon sa barko ten years ago, kasama pala doon si Kyle. May isang matulis na bagay na tumusok sa puso niya. Kaya nagkasugat ito."

"Talaga? Kasali pala siya..." Aniya Athena. "Teka, kung kasali siya... Oh my---------" at nanlaki ang mga mata niya. Huh? "Oh, no! Hindi pwede to!"

Huh? "Anong hindi pwede?" Sabay tanong namin ni Samantha. God! Kinakabahan na ako dito.

••• ••• •••

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon