KADENA 3

150 3 0
                                    

EEEEHHHH!!!!

 Patakbong naglapitan ang buong barkada. Gulat na gulat sila sa sigaw na iyon ni Pia.

 “Bakit, anong nangyari?” alalang tanong ni Lloyd. Nauna siyang nakalapit sa dalaga. Napayakap si Pia kay Lloyd at ibinigay ang camera sa kanya. Humagulgol ito ng iyak habang inuusisa niya ang laman ng camerang iyion. Nagkumpulan silang lahat at nasa camera ang atensyon.

 “Anong meron?” tanong ni Jester at kinuha ang camera sa kamay ni Lloyd. Matamang tiningnan iyon habang ang lahat ay curious sa nangyayari.

 “Y-yung picture kanina…sa may van. Tingnan nyo.” Sabi ni Pia.

 May kalabuan ang picture kaya hindi makuha ng iba kung ano ang naroon. Pinindot ni jester ang zoom out at pinaliit ang picture. Unti-unti, lumilinaw ang larawan. Dahan-dahang lumiliwanag ang anyo. Ang aura ng isang lalaki. Naka-green na t-shirt. Ngunit kakaiba nga iyon. Gulat ang lahat ng makitang wala itong ulo!

 “Shit! Ano ‘to?” malakas na sabi ni Wendy.

 “Bakit ganyan yan? Anong nangyari?” si Aira.

 Napatingin sila kay Gary.

 “Ha ha ha!” malakas na tawa ni Gary. “Ang galing naman, paano mo nagawa ‘to Pia?” dugtong pa niya.

 “Hindi ko alam, kusa na lang yan.” Sagot ng dalaga. “Natatakot ako.”

 “Sus! Ano naman ang nakakatakot dun?” dugtong ni Jester.

 “Paano mo naman ipapaliwanag yan?” Si Aira.

 “Honey, lahat naman ng mga gadgets, nagma-malfunction diba?” depensa ni Jester.

 “Pero, bakit yan lang?” si Wendy.

 Lumapit si Gary. “anong yan lang? tingnan mo nga si Lloyd oh!” at kinuha ang camera sa kamay ni Jester. “Walang paa. Ha ha ha!”

 “Iba naman yan.” Si Pia. Naupo na ito sa mesa. “hindi naman sya talaga kumasya sa picture kasi humabol lang sya.” Dugtong pa nito. “Mabuti pa siguro guys, umuwi na lang tayo. Natatakot na talaga ako.”

 “O c’mon Pia, don’t spoil the party with this stupid crap!” sagot ni Lloyd. “Nag-malfunction lang ang camera kaya ganyan.”

 “Saka, bakit kayo matatakot? Nandito naman kami.” Dugtong ni Gary.

 “Simula pa lang kanina, sa byahe, may tumawid na pusang itim. Tapos-”

 “Pia, stop it!” si Gary. “It doesn’t make any sense. Wag mo i-connect ang pangyayari kanina sa nangyari ngayon.” Dugtong pa nito.

 “Hon, parang tama yata si Pia.” Si Aira at tumingin ito sa kasintahan. “Mabuti pa siguro, sa ibang araw na lang tayo bumalik dito.”

 “Honey naman,” si Jester. Umakbay ito sa dalaga. “Hangga’t nandito ako, hindi kita pababayaan. Don’t worry ok? And besides, nandito na tayo. Ia-atras pa ba natin ‘to?”

 “Oo nga naman. Let’s just enjoy this outing ok?” sagot ni Lloyd.

 “Ganito na lang guys-” si Gary. “Kung sino ang favor na umuwi na tayo ngayon, raise your hand.”

 Katahimikan.

 Maya-maya ay itinaas ni Pia ang kanyang kamay. Kapwa nila nilibot ng paningin ang isa’t isa at nakita rin nilang tumaas ng kamay si Aira. Tiningnan ito ng masama ni Jester.

 “Meron pa?” tanong ni Gary. “Ok, that means, dalawa lang ang favor na uuwi tayo. 2 out of 6. meaning, carried na. the final decision is… let’s stay and enjoy the party.”

KADENATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon