KADENA 6

98 2 0
                                    

Biglang nagtayuan ang balahibo ni Gary. Hindi malaman kung ano ang kanyang nararamdaman nang mga oras na iyon.

“S-Sabihin mong nagbibiro ka lang, Biboy.”

Tumingin si Biboy, “Totoo ang sinasabi ko.”

Umurong ng bahagya si Gary at dumikit kay Biboy. “S-sigurado ka?”

Ngumiti si Biboy. “Wag kang matakot. Hindi ka nya gagalawin.”

Saglit na tumigil si Gary at kinalma ang sarili. “Sino nga pala yung babaeng nakikita ko? Nakikita natin? Bakit ko sya nakikita?”

Biglang nalungkot ang mukha ni Biboy. “Kailangan mo nang makaalis sa lugar na ito.” seryosong sabi ng bata.

“Ha? B-bakit?”

“Ang babaeng iyon ay nagpapakita lamang sa susunod niyang biktima. Hindi mo dapat siya tiningnan sa mga mata.”

“Ano naman kung titingnan ko sya?”

“Kapag nagtama ang inyong paningin, hindi ka na niya titigilan hangga’t hindi ka namamatay. Kahit saang sulok ka pa ng mundo magtago.”

Muling bumilis ang tibok ng dibdib ni Gary. Pinipilit niyang huwag maniwala sa sinasabi ni Biboy ngunit tila may bumubulong sa kanya na totoo ang mga iyon. Naalala niya. Kitang-kita niya ang nanlilisik nitong mga mata. Kung paano ito tumingin sa kanya. “A-anong dapat kong gawin?”

“Tumingin ka ba sa mata nya?”

“Ha? A..eh… hindi naman…” sagot ni Gary. “kung sakaling mapatingin ako sa mata nya, paano naman ako makakaligtas?”

Umiling si Biboy. “Wala nang pag-asa!” Tumayo ito at lumakad patungo sa cottage. Nang makarating ay kinuha ang isang pack ng Pillows choco chips.

“Kailangan na nating umuwi kung gusto nyo pang mabuhay.” Sabi nito ng walang reaksyon ang mukha at tumuloy sa paglalakad patungo sa sasakyan.

“Ano daw sabi nun?” tanong ni Jester kay Mai.

“Don’t bother. He is always like that.” Sagot ng dalaga.

“Pathetic!” mahinang sabi ni Fred.

“Watch your words, kapatid ko sya.” Matigas na sabi ng dalaga.

“Ooops! Sorry! I didn’t mean it!”

Tinitigang maigi ni Pia ang batang naglalakad patungo sa Pajero. Bitbit ang psp nito at ang chips sa kabilang kamay. Isang inosenteng bata ngunit kakaiba ang naramdaman ng dalaga. Kinabahan siya at di maintindihan ang naramdaman.

“Hoy ano ba?!” nagulat si Pia sa pagtapik sa kanyang balikat. Tiningnan niya kung sino iyon. Si Aira. Nakangiti ito sa kanya. “Bat nakatulala ka dyan?”

“Ha? W-wala, may naalala lang ako.” sagot ng dalaga.

“Tinatanong kita kung anong plano mo mamayang gabi?”

“Plano? Meron ba dapat? Edi night swimming!”

Ngumiti si Aira. “Fred and Mai wanna have a private time with each other. Me and Jester din ganun. Niyaya naman ni Gary si Wendy na maglalakad-lakad kung saan saan. So that means, ikaw at si Lloyd na lang ang natitira. What’s your plan?”

Kumunot ang noo ng dalaga. “Ang ibig sabihin pala, kanya kanya tayo dito?” tanong niya. “Edi magsi-uwian na lang tayo.” Napatingin ang lahat kay Pia.

Lumapit si Lloyd sa dalaga. “Pia, it’s not what you think, ok? it’s just-”

“Stop it! no need to explain, I understand.” Ani Pia.

Umakbay si Aira sa dalaga “C’mon Pia, saglit lang naman yun… hindi naman magdamag.” Sabi nito, ngunit hindi umimik si Pia. “Pia please!”

“I said I understand ok?”

“Do you mean it?”

Tumango ang dalaga, “Ako na lang ang magbabantay kay Biboy.” Sabi pa niya.

Nagkibit-balikat si Aira. “Ok!”

“Mawalang galang na po!” sabay-sabay na napatingin ang lahat sa tinig na iyon. Isang matipunong lalaki ang naroon kasunod ang ilan pang mga kalalakihan.

“Ano pong kailangan nila?” si Lloyd.

“Ako po si Capt. Noel Scada. Ang kapitan po ng baranggay na ito.” nakangiti ito sa kanila.

“Magandang hapon po kapitan, may problema po ba?” muling tanong ni Lloyd.

“Kasi po eh, mag-aalas sais na po. Gusto lang po naming sabihin na mag-impake na kayo at isasara na po itong resort.”

“Isasara? Pero hanggang bukas ang binayaran namin dito.” Sagot ni Lloyd.

Nagtaka ang kapitan “Bayad? Libre po ang resort na ito. yung cottage lang po ang may bayad. Saka, wala po yung nagbabantay ngayong araw.”

“Ho? Pero meron pong naniningil kanina dyan sa may gate.”

Napaisip ang kapitan, “Naku, sino na naman kaya ang may kagagawan nito. nakakahiya tuloy sa mga dayo.”

“Pwede po ba kaming mag-stay hanggang bukas?” si Jester.

“Naku, pasensya na po, pero ipinag-utos ko na po na hanggang alas siyete lang po pwedeng lumabas ang kahit na sino sa Brgy, Sta. Isabela.”

“7 pm? Grabe ang aga naman!” si Aira.

“Yun po ang patakaran namin dito, pasensya na po.” Magalang na sagot ng kapitan.

“Ano pong dahilan?” si Pia.

Tumingin sa kanya ang kapitan. “Basta, inuulit ko, hanggang alas-sais lang po kayo dito. Magandang araw sa inyo.” Ngumiti ang kapitan at tumalikod. Sinenyasan niya ang mga brgy. Tanod at sabay-sabay na silang umalis.

KADENATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon