KADENA 10

104 3 0
                                    

“Ano ba talagang nangyari?” mataas na tinig ni Pia. Nagulat ang mga tao sa paligid. Nagbangunan ang mga ito.

“Bakit, anong meron?” pupungas-pungas sa tanong ni Wendy.

Nilibot ng tingin ni Mai ang paligid. Lahat ay nakatingin sa kanya at naghihintay ng sagot.

“Nandun sa labas si Fred,” panimula niya.

“Ano? Bakit?” si Pia.

“G-gusto nya kasing umuwi.” Sagot ni Mai. “Tutal, hindi naman daw sira yung sasakyan nya, mauna na lang daw kami kaya dahan-dahan kaming umalis.” Patuloy niya.

“Ano?!” napasigaw si Wendy.

“Nasaan na si Fred?” si Lloyd.

“N-Nandun sa labas.”

“Papatayin na siya ni Larina.” Nanginginig na sabi ni Biboy. “Papalapit na sya kay Kuya kanina. Tapos, isusunod nya ako!” takot na takot na tinig ni Biboy.

“Ssshhh..wag ka nang matakot, nandito lang si ate,” sabi ni Mai at niyakap niya ang kapatid.

“Bakit naman kasi hindi kayo naghintay hanggang bukas?” tanong ni Pia.

“Pinilit lang kami ni Freddie. Ayaw ko namang magalit sya sa akin kaya sinunod ko sya.”

“Pero alam mong mapanganib!”

“Mabuti pa’y sundan ko sya.” Sabi ni Jester.

“Wag!” sigaw ni Biboy. “Nandyan na si Larina!”

“Puro na lang Larina! Larina! Larina! Nabibingi na ako!” mataas na tinig ni Jester.

“Hon, please, don’t do it. kahit para sa akin lang.” pagmamakawa ni Aira sa kasintahan. Saglit na nag-isip si Jester at unti-unting kumalma ang pakiramdam nito. “Ok, para sa iyo hon, but please don’t expect me to believe this shit ok?” at umupo ito sa tabi ng kasintahan.

Katahimikan.

“Nasaan nga pala sila Tatang?” tanong ni Wendy. Halos sabay-sabay silang tumingin sa paligid at naghanap.

“Hindi nyo na sila makikita.” Sabi ni Biboy. Nagtinginan lahat sa kanila.

“Anong ibig mong sabihin?” si Mai.

“Matagal na silang patay. Narito lang sila para pigilan tayo.” Paliwanag ng bata.

“Bullshit!” si Jester. “At nasaan ang proof mo?”

“Hon, please,” ani Aira.

Nilibot ni Biboy ang paligid at nakita niya sa may dingding ang isang picture frame na luma. “Ayun!” at itinuro niya ito. sabay namang nagtinginan ang lahat. Tumayo si Jester at inabot iyon. Tiningnan niya itong mabuti. Muntik na niya itong mabitiwan sa pagkabigla. Naroon ang larawan ng mag-asawa. Bagamat may kabataan pa ito ay halata sa kanilang mukha na sila nga iyon. At sa bandang sulok ng larawan ay may nakasulat na numero. 1942!

Halos tulala si Jester habang iniaabot iyon kay Lloyd. Ganoon din ang reaksyon ng lahat. Labis na pagkagulat ang kanilang naramdaman.

Katahimikan.

“Kung matagal na silang patay-” si Pia, “Bakit hindi nila pigilan si Larina?”

“Hindi nila kaya” mabilis na sagot ni Biboy. “Lubhang makapangyarihan si Larina kaya’t tanging ang pag-iwas lamang ang maitutulong nila sa bibiktimahin nito.”

Lahat ay napaisip sa sinabi ni Biboy. Nagtayuan ang kanilang balahibo at kapwa bumilis ang tibok ng dibdib.

“Kung ganon,  Bakit hindi na sila nagpapakita?” kabadong tanong ni Pia.

“Isang beses lang sila maaring magpakita sa sinuman. Kaya’t kailangan nilang piliin ang tamang pagkakataon. At iyon ang ginawa nila sa atin.”  Sagot ni Biboy.

“Kung ganon, n-nasaan na sila?” takot na tanong ni Wendy.

“Nandito lang sila.” Si Biboy. “Katabi ni Jester.”

Bigla’y napatayo si Jester at mabilis na lumipat sa kabilang tabi ni Aira. “Wag kang magbiro ng ganyan.” sabi nito.

“Hindi ako nagbibiro. Nakatingin sila sa’yo at nakangiti.”  Saglit na tumigil si Biboy at unti-unting nalungkot ang mukha at tuluyan nang umiyak. Humagulgol ito.

“Bakit?” alalang tanong ni Mia sa kapatid.

“S-sabi ni Lola, p-patay na si Kuya Fred.”

“Ano??!!!!”

Magkahalong lungkot at takot ang naramdaman ng lahat.

“Anong gagawin natin ngayon?” takot sa tinig ni Wendy.

“Hintayin na lang nating mag-umaga.” Si Lloyd. “Huwag na kayong matakot.” Pagpapakalma niya

“Paano kung pumasok siya rito?” si Pia. “Anong gagawin natin?”

“Isusunod na niya ako..isususnod na niya ako!” takot na sabi ni Biboy at muli siyang niyakap ng kapatid.

VRRRRRMMMM!!!

Tunog ng isang sasakyan mula sa labas. Ilang saglit pa’y tumigil ito at muling tumahimik ito. Nagtaka ang lahat ang nagkatinginan sila.

“May tao sa labas? May dumating” sabi ni Gary na tila nagkaroon ng pag-asa.

“Biboy? Patay na ba talaga si Kuya mo?” tanong ni Mai. Tumango si Biboy. “S-sino yung nasa labas?”

“H-hindi ko alam” sagot ni Biboy at lalong sumiksik sa kanyang kapatid.

“Silipin nyo nga” sabi ni Pia.

Nagkatinginan sila Jester, Gary at Lloyd. Kapwa nakiramdam kung sino sa kanila ang titingin. Napansin iyon ni Wendy.

“Ako na nga! Mga duwag! Kanina, ang tatapang nyo,” sabi ng dalaga at pumwesto ito sa may dingding at naghanap ng butas.

Lumapit si Gary. “Ako na Wendy.” Sabi niya sa dalaga at nagpaunlak naman ito.

Dahan-dahang nilapit ni Gary ang mata sa butas upang tingnan ang labas ngunit wala siyang makita. Tanging kadiliman lamang ang kanyang natatanaw. Lalo niyang idinikit ang mukha sa dingding upang umayos ang paningin.

Unti-unti, natutuklasan niyang hindi kadiliman ang kanyang nakikita. Bilang namanhid ang buo niyang katawan. Bumilis ng bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Ang kadilimang tumatakip sa butas kanina ay ang mata ni Larina! Ang itim ng mata nito. Nakasilip ito sa kanila. Natuklasan lamang ni Gary na mga mata ito ng unti-unti itong lumalayo. Mula sa itim na itim ay nakita niya ang pula sa pailigid nito. habang lumalayo ito ay nabubuo ang aura ng isang babae. Bigla’y nawalan ng ulirat si Gary. Bumagsak ito sa sahig.

KADENATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon