KADENA 11

104 2 0
                                    

“Gary!” halos sabay-sabay nilang naisigaw ng makita bumagsak ang lalaki. Bahagyang nasalo ni Lloyd ang bandang ulunan nito.

Lumapit si Wendy at tinapik-tapik ang pisngi ng binata, “Gary! Gary! Gumising ka! Gary!” ngunit wala pa ring malay ito.

TOK! TOK! TOK!

Nagulat ang lahat sa malakas na katok na iyon sa pinto. Nagkatinginan ang lahat at nakiramdam kung may tao sa labas.

“May tao ba dito? Buksan nyo ang pinto!” tila nagmamakaawang tinig mula sa labas. “Si  Kapitan ‘to! Buksan nyo naman! Parang awa nyo na!”

Tumayo si Lloyd at nagtungo sa pinto. “Paano kami nakasisigurong ikaw nga si kapitan?”

“Parang awa nyo na! ”

Dahan-dahang binuksan ni Lloyd ang pinto at sinilip ng bahagya kung sino ang nasa labas. Bagamat kinakabahan ay naglakas-loob na rin siyang gawin iyon. Unti-unting nabubuo sa kanyang paningin ang takot na takot na kapitan. Nang makatiyak ay binuksan niya ng tuluyan ang pinto at pinapasok ang panauhin. Nilibot ng kapitan ng tingin ang paligid bago tuluyang pumasok sa loob ng kubo.

“A-anong nangyari?” takang tanong ni Lloyd.

Tumingin ang kapitan sa lahat. “H-hindi ko alam pero, isa-isang naubos ang mga tanod.” Simula niya. “Nag-roronda kami kanina bago kumagat ang dilim. Tapos, maya-maya lang ay isa-isang nauubos ang aking mga tauhan. Tapos, nung balikan namin ay-” saglit na tumigil, “P-patay na sila. Putol ang mga ulo. Nasalisihan kami ng serial killer! Isa syang expert na mamamatay tao kaya’t nagkanya-kanya kaming takbo.”

“Kapitan, hindi po serial killer.”

Nagtaka ang kapitan, “Anong ibig nyong sabihin?” tanong niya.

Lumapit si Pia sa kapitan, “S-si Larina. Isang killer ghost!”

“Multo? Larina?”

“Mahirap ipaliwanag pero, napatunayan na namin.” Si Jester. “Isang multo ang may kagagawan nito.”

Tila natulala ang kapitan. “Paano nyo nasisiguro?” mahinang tanong niya.

Pinaupo nila ang kapitan at ikinuwento ang lahat ng nangyari. Bagamat nahihirapang maniwala nito ay tila nakumbinsi rin siya dahil sa mga katibayan na ipinakita nila.

“A-ano naman ang dapat nating gawin?” tanong ng kapitan matapos ang pagsasalaysay.

“Yan ang hindi rin namin alam.” Si Lloyd.

“Uuunnghh” mahinang ungol ni Gary. Nagkakamalay na ito.

“Gary!” si Wendy. At inalalayan niyang bumangon ang binata. “Anong nangyari?”

Tumingin si Gary sa paligid. “S-si Larina. N-nakita ko sya. Nakatingin sya sa atin!”

Kapwa nagulat ang lahat.

“Ano bang dapat nating gawin?” tanong ni Wendy.

“Isa lang ang paraan!” sigaw ni Biboy at nagtinginan ang lahat sa kanya.

Lumapit ang kapitan, “Ano yun? Sabihin mo.”

“Kung gusto nyong matigil na ang lahat ng ito, sabi ni tatang-,” tiningnan niyang isa-isa ang lahat. “Kailangang makuha ang katawan ni Larina at ilibing sa loob ng simbahan ng Sta. Isabela bago sumikat ang araw.” Patuloy ni Biboy. “Ito lang ang tanging paraan para tuluyan nang matapos ang lahat.”

“Pero bakit hindi na lang ipagpabukas? Hindi naman sya lumalabas kapag maliwanag di ba?” si Mai.

Tumingin si Biboy sa kawalan tila may kinakausap ito at muli, tumingin sa kanyang kapatid.“Kailangang magkasama ang ligaw na kaluluwa ni Larina sa kanyang katawan bago ito ilagay sa simbahan. Kapag ginawa mo ito sa umaga, maiiwan ang kaluluwa ni Larina na pagala-gala sa Sta Isabela at mauubos ang mga tao rito.”

“Maiiwan ang kaluluwa?”

“Nabubuhay lamang si Larina kapag nagsama ang kanyang kaluluwa at ang kanyang katawan. At ito ay nangyayari pag kagat ng dilim. Sa umaga ay pagala-gala lang ito sa kung saan saan ngunit wala siyang kakayahang manakit dahil isang ordinaryong multo lamang siya. Samantalang ang kanyang katawan ay nakabaon lamang sa lupa. Kung kukunin nyo ito habang gumagala ang kaluluwa ni Larina, wala nang babalikang katawan ang kaluluwa kapag kagat ng dilim, at maghahanap ito ng masasaniban. Lalong magiging mapanganib. Pero kapag ang katawan ni Larina ay kasama ng kaluluwa, kapag kinuha ito at ibinaon sa simabahan, mananatili siyang nakakulong doon at hindi na muling makakagambala pa.”

“Nabubuhay si Larina kapag gabi? Ang gulo naman!”

“Hindi sya nabubuhay. Isa pa rin syang kaluluwa pero may kakayahan siyang mahawakan ang sinong gugustuhin niya, di tulad ng isang ordinaryong multo na tila isang  hangin lamang. Mananatili pa rin ang katawan sa ilalim ng lupa habang ang kaluluwa naman ay gumagala. Ang kanilang sumpa lamang ang napag-iisa pag kagat ng dilim.”

“Paano mo naman nalaman yan?” tila nagdududang tanong ng kapitan.

“Basta maniwala kayo sa akin!”

“Kapitan, palagay ko eh tama ang sinasabi ni Biboy.” Sabi ni Mai.

“Ganun din ako!”

“Ako rin!”

“Me too!”

Sunod-sunod na sabi ng lahat. Tiningnan ng kapitan ang bawat isa at nakumbinsi na ring tama ang sinasabi ni Biboy.

“Kailangang planuhin kung ano ang nararapat nating gawin para matahimik ang Sta. Isabela.” Sabi niya. “Hihingiin ko sana ang tulong ninyo. Maaari ba?”

Katahimikan.

“I’m in!” unang nagsalita si Pia.

“Ako rin!”

“Ako rin!”

Lahat sila ay nagtaas ng kamay at nag-volunteer.

“Anong una nating gagawin?” tanong ni Wendy.

Nag-isip ang kapitan. “Alam ko kung saan maaaring matagpuan ang katawan ni Larina kung pagbabasehan ang mga kwento na sa mismong kwarto niya namatay si Larina. Sa banda doon.” At itinuro niya ang gawing likuran ng kubo.

“Paano natin makukuha iyon?” si Gary.

“Kung kaya nating linlangin si Larina ay gagawin natin.”

“Linlangin?” si Lloyd.

“Oo.” Sagot ng kapitan. “Gary, dahil ikaw ang nakakita sa mga mata ni Larina, ikaw ang susunod nyang pakay.”

“A-anong gagawin ko?”

“Tumakbo ka papalayo sa lugar na iyon at magpahabol ka kay Larina.”

“A-Anooo????”

“Yun lang ang paraan!”

“Pero-”

“Yun lang ang tanging paraan!” matigas na tinig ng kapitan. “Bibilisan namin ang paghuhukay para makuha agad namin ang kanyang mga buto. Kapag nagawa na namin iyon ay tutulungan ka na namin!”

“Imposibleng makatakas kay Larina.” Pag-aalala ni Wendy.

“Sasamahan ko sya!” matigas na tinig ni Jester.

“Ako rin!” si Lloyd. “Kayo-” nakatingin sa mga babae at sa kapitan. “Samahan nyo si Kapitan na maghukay.”

Tumingin si Gary kina Lloyd at Jester. “S-salamat.”

KADENATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon