Pakiramdam ni Gary ay humiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawan ng makita ang babaeng nakaputi sa harapan niya. Biglang nanigas ang buong katawan at hindi malaman kung anong gagawin. Bigla’y napaatras siya at tumalikod.
“AAAAAHHHHH!!!!”
Malakas na sigaw niya sabay takbong papalayo at halos magkandarapa sa pagmamadali. Malayo-layo na ang kanyang natakbo ng biglang-
BLAG!
Sabay ba napasadsad sina Lloyd at Gary sa damuhan matapos magkabanggaan. Bahagyang nabawasan ang panginginig ng katawan ni Gary ng makita ang kaibigan.
“A-anong nangyayari sayo?” tanong ni Lloyd habang tumatayo. Pinagpag ang mga braso at muling tumingin kay Gary.
“P-pare, mabuti pa nga siguro, umuwi na tayo.” Nangangatog na sagot ng binata.
“What?! Are you crazy? Ano bang nangyayari?” sarkastikong sagot ni Lloyd.
“Anong problema dito?” sabay na napalingon sina Lloyd at Gary ng marinig ang tinig na iyon. Naroon sa bandang likuran sina Jester at Aira, kasunod na rin sina Pia at Wendy. “May problema ba?”
“Ay naku, ask him” sagot ni Lloyd at itinuro ng nguso si Gary.
“Ano yun Gary?” si Pia.
Hindi malaman ni Gary kung ano ang sasabihin sa kaibigan. saglit na nag-isip. “A-ano kasi…” pautal niyang sabi. “H-hindi yata magandang mag-stay pa tayo dito. Napaka-unsafe ng place. Masyadong mabato, baka kung mapaano pa tayo.” Dugtong niya. Hindi siya sigurado kung paniniwalaan iyon ng mga kaibigan kaya’t hinintay niya ang reaksyon ng mga ito.
“That’s bullshit!” si Jester. “Ano naman ang nakain mo at naisip mo yan? Di ba ikaw pa nga ang nagpupumilit kanina na mag-stay tayo dito?”
Lumapit si Wendy kay Gary, “Ba’t parang namumutla ka? Something wrong?”
“Hey guys!” tinig mula sa di kalayuan. Paparating sina Fred at Mai. “What’s up? We heard a scream kanina. Anong nangyari?”
Lahat ay napatingin kay Gary. Lalong namutla ito at lumakas ang kabog ng dibdib. Hindi malaman kung sasabihin ba ang katotohanan o itatago na lang ito.
“A-ano kasi-” panimula niya. “Kanina, naglalakad-lakad ako doon” at itinuro ang tila gubat na lugar. Hindi niya sinabi ang katotohanang sa may batuhan siya nagpunta dahil malalaman nila Fred na sumilip siya doon. “Then, I saw a snake!” tila nabunutan siya ng tinik ng makaisip siya ng dahilan. “Ang laking ahas talaga!” dugtong pa niya.
“And that scares you?” tatawa-tawang tanong ni Wendy.
“So what kung takot ako sa ahas?” depensa ng binata.
“At kaya ka nagyayayang umuwi dahil sa ahas na iyon?” sabi ni Lloyd. Nagbigay pa ito ng tila nakakaasar na ngiti.
“S-sorry guys. Takot talaga ako sa ahas.”
“But I thought you said, unsafe dahil maraming bato?” si Aira. Muling kinabahan si Gary.
“Mabato? You mean-” si Fred. Tumingin ito kay Gary. “You’re peeking on us?”
Biglang natahimik si Gary. Hindi na malaman ang susunod pang sasabihin. Nakatungo ito at hindi makatingin sa lahat. Hiyang-hiya siya.
“So that explains it!” sabi ni Mai. “Baka kung anong ahas ang nakita mo!” nakangiti ito. Nagtawanan naman ang lahat na lalong nagpamula ng pisngi ni Gary.
“Ok! back to the water!” sigaw ni Lloyd.
“Mabuti pa siguro, mag-merienda na muna tayo!” si Jester.
“Good idea! Tara!” pag-sang-ayon ni Aira.
Muling binalikan ng lahat ang cottage at nilantakan ang inihaw na bangus na pinarisan ng malamig na beer. Marami ring mga chips ang binuksan at inilapag sa mesa. Naging tampulan ng biruan si Gary na tila nagiging kalmado na ngayon sa kabila ng hindi maalis na takot sa dibdib.
“Teka, si Biboy nga pala?” biglang tanong ni Gary.
“Uy! Iniiba ang usapan!” pabirong sabi ni Wendy at sabay-sabay na nagtawanan ang lahat.
“Naku! Hayaan mo na yun. I’m sure, nakatutok na naman ang pagmumukha nun sa PSP nya.” Sabi ni Mai.
Nilibot ni Gary ang paligid at nakita sa di kalayuan si Biboy. Naroon pa rin siya sa dati niyang pwesto. Sa sulok ng spring. Naglalaro ng psp. Tumayo si Gary at lumapit sa bata. Nang makarating ay umupo ito sa tabi ni Biboy.
“B-Biboy-” hindi malaman ni Gary kung paano uumpisahan. “Tungkol dun sa babae kanina….” Saglit na tumigil, “Toto ba yung sinasabi mo?”
Tumingin saglit si Biboy sa binata. seryoso ang mukha nito at muling ibinalik ang paningin sa paglalaro. “Katulad ka rin nila.” Sabi nito.
“Na ano?”
“Ang tingin nila sa akin ay autistic. May sariling mundo. Baliw!” seryoso ang mukha ni Biboy. “Walang naniniwala sa akin.”
“Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ng binata.
Itinigil ni Biboy ang paglalaro at saglit na sumulyap sa may cottage bago tumingin kay Gary. “Isang beses, kausap ko si Neth, yung pinsan ko sa probinsya. Gusto niyang makipaglaro sa akin kaya pumayag ako. tapos, nung ikinuwento ko kila mommy ang lahat, pinagalitan niya ako.”
“Bakit naman?”
“Dahil matagal na daw patay si Neth!” malakas ang tinig ni Biboy. Kinilabutan si Gary sa narinig. “Tapos-” patuloy ni Biboy, “Isang beses pa, kinukumusta ni lola sina daddy. Sabi nya, sabihin ko daw sa kanilang mahal na mahal sila ni lola pero nung sinabi ko sa kanila yun, nagalit na naman sila dahil patay na rin daw si lola.”
Katahimikan.
“Isa ka rin sa kanila!” binasag ni Biboy ang katahimikan.
“No!” sabi ni Gary. “I believe you Biboy. I do!”
Natigilan si Biboy. Tumingin siya sa kausap. “Talaga?”
Tumango si Gary. “Tungkol naman dun sa babae kanina, kilala mo ba sya?”
Biglang nagbago ang mukha ni Biboy, tila natakot sa narinig.
“Biboy?”
“H-hindi ko sya kilala.”
“Pero nakita mo sya di ba?”
Tumango si Biboy. “Pero sabi sa akin kanina ni Monmon-” saglit na natigilan. “Masama daw sya. Kahit si Monmon ay takot sa kanya.”
“Sinong Monmon?”
“Nakilala ko kanina dito. Namatay daw sya rito nung nakaraang taon. Nalunod sya sa ilog.”
“Nakita mo sya?” tanong ng binata at tumango si Biboy bilang pag-sang ayon. “Nasaan na sya ngayon?”
“Nandyan sa tabi mo.”