KADENA 12

106 2 0
                                    

“Ok.. ganito ang plano.” Sabi ng kapitan at naglapitan ang lahat sa kanya. “Kayong tatlo” sabi niya kina Jester, Lloyd at Gary. “Mauna kayong tumakbo papunta doon” at itinuro ang baku-bakong kalsada. “Kayo nang bahala kung saan kayo pupunta basta wag kayong lalabas ng Sta. Isabela.” Tumango ang tatlo. “At kayong tatlo naman, dito tayo. Bilisan nyo ang pagtakbo. Dadaan muna tayo sa may resort para kumuha ng mga panghukay. Meron dun sa bodega. At malapit na rin doon ang dating kinatatayuan ng bahay ni Larina.” Dugtong ng kapitan. “At kayong dalawa,” sabi niya kila Mai at Biboy. “Maiwan na kayo dito. Mas ligtas kayo dito.” Tumango naman ang dalawa.

“Biboy, nasaan na si Larina ngayon?” tanong ni Lloyd.

“H-hindi ko po alam.”

“Alamin mo!”

“Lloyd, please, natatakot na sya.” Si Mai.

“Basta mauna na tayong lumabas. Susunod sa atin yun dahil ako ang susunod niyang pakay.” Sabi ni Gary. “Tara na!”

“Mag-iingat kayo. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para tulungan kayo.” Paalala ng kapitan.

“Ok. bibilang ako ng tatlo” si Gary  “Isa….dalawa……”

“Teka,” si Aira. Lumapit ito kay Jester at siniil ng halik. “Mag-iingat ka. Ano man ang mangyari, tandaan mo.. mahal na mahal kita!” sabi niya matapos halikan.

“I love you too honey!” ganti ni Jester at muling siniil ng halik ang kasintahan.

Lumapit din si Gary kay Wendy. “W-Wendy” sabi niya “Whatever happen-”

Hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Gary ay bigla siyang hinalikan ni Wendy. Mainit na mga halik na matagal nang pinanabikan ni Gary.

“I’m the happiest man alive!” nakangiti niyang sabi ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

“Pia” sabi ni Lloyd. Tumingin sa kanya ang dalaga. “Mag-iingat ka.”

“Ikaw din!” sagot naman niya.

“O pano, game na!” si Gary. “Isa…..dalawa….tatlo!” mabilis niyang binuksan ang pinto ng kubo at halos sabay sabay ng tumakbo ang tatlong lalaki patungo sa direksyon ng sasakyan.

Tiningnan sila ng kapitan, “Tara na!” sabi niya ng makitang medyo malayo na ang mga ito. Sumunod naman sa kanya ang tatlong babae at patungo sila sa kabilang panig. Doon sila sa may likod nagdaan dahil iyon ang pinakamalapit ng daanan patungo sa spring.

Naunang tumakbo si Gary, kasunod si Lloyd at huli naman si Jester. Hindi naman malayo ang agwat nila. Halos magkakadikit pa rin habang tumatakbo. Malapit na sila sa sasakyan ng biglang matisod si Gary sa isang bato. Bumagsak ito sa lupa ngunit mabilis itong nakabangon. Timulungan siya ng dalawang kasama. Sabay-sabay nilang nilingon ang batong naging dahilan ng pagkadapa ni Gary. Nanlaki ang kanilang mga mata nang makita  iyon. Lahat ay kinilabutan sa nasaksihan, tila umakyat ang kanilang dugo sa ulo.  Hindi ito bato kundi……..ang ulo ni Freddie! Bahagya pa itong gumulong dahil sa pagkakasipa ni Gary. Nakita naman nila sa di kalayuan ang duguang katawan nito. Muli silang bumalik sa pagtakbo hanggang sa marating nila ang sasakyan. Isang red pick-up.  Mabilis silang sumakay dito at isinara ang mga bintana. Nakasuksok na doon ang susi kaya’t mabilis na pinaharurot ito ni Lloyd. Sina Gary at Jester ay nasa likuran nakaupo.

Mabilis ang kanilang takbo sa baku-bakong daan. ilang saglit pa’y nakita nila sa di kalayuan ang isang aura ng babaeng nakaputi. Nakatayo ito sa gitna ng daan at tila hinihintay ang kanilang pagdating.

“Sagasaan mo!” sigaw ni Jester. Mas lalo namang pinaharurot ni Lloyd ang sasakyan hanggang sa lumapit sila sa babaeng iyon.

BLAG!

Malakas na tunog ng nagsalpukang sasakyan at katawan. Nag-minor si Lloyd.

“Wag mong bagalan.. tuloy-tuloy ka lang!” sigaw ni Gary at muling binilisan ni Lloyd ang pagpapaandar. Nilingon nila Jester at Gary ang likuran ng sasakyan at nakita pa nilang gumulong ang babae sa lupa.

Samantala, narating na ng kapitan at mga kasama nito ang bodega kung saan naroon ang mga gamit sa panghukay. Piko at pala ang dala nila at ngayo’y mabilis nilang tinatahak  ang daan patungo sa dating bahay ni Larina. Nang marating nila iyon ay tumigil ang kapitan. Tinitigang maigi ang dating bahay na nakatayo sa kanilang harapan. Wala na ang dating simpleng bahay. naroon na lamang ang apat na poste na nagpapatayo nito. Halos hanggang tuhod na lang ang taas nito.

“Sa banda rito ang pinto…” sabi ni kapitan. “Tapos, papasok dito ang pinto ng kwarto.” Patuloy siya sa paglalakad. “Dito! Dito ang lugar kung saan nakalagay ang upuan ni Larina. Dito sya nakagapos ng kadena.”

“Teka, bakit alam nyo?”

Natahimik ang kapitan. Bumalik sa alaala ang nakaraan.

“Anong pangalan mo?” tanong ng isang batang lalaki sa isang batang babae. Nasa loob ito ng bakuran habang nasa labas naman ang lalaki. Hindi siya pinapansin ng babae. “Anong pangalan mo?” muling tanong ng lalaki.

Tumingin sa kanya ang babae. “Ako si Larina. Ikaw?” sagot nito.

“Ako si Noel. Maglaro naman tayo.” Sabi ng batang lalaki.

“Hindi pwede. Magagalit sya.”

“Sinong sya?”

“Si Larina.”

“Ha? Di ba ikaw si Larina?”

Tumingin sa kanya ang babae “Larina rin ang pangalan niya.”

“Sino?”

“Larinaaaa!!!” sigaw ng nanay ng bata. “Pumasok ka na dito sa loob.”

“Opo! Nandyan na po!” sagot naman ng bata “Mamamatay silang lahat” bulong nito at tumalikod ito sa kausap. Naiwang nag-iisa si Noel sa labas ng kahoy na bakod na nagtataka.

Kinabukasan, muling nakita ni Noel ang batang babae at nilapitan niya ito. “Larina!” nakangiting bati niya.

“S-sino ka?” matapang na sagot ng bata.

“Ako si Noel. Hindi mo na ba ako natatandaan?”

“Umalis ka sa harapan ko!”

“Ha? Bakit?”

“Muerte, todos, cabeza, inciso!!!” sigaw ng babae.

“Ano?”

“MUERTE! MUERTE!” sigaw ng babae at mula sa likod ay inilabas ang isang malaking kutsilyo. Akmang sasaksakin si Noel-

“Larina!” mula sa likod ay dumating ang kanyang ama. Hinawakan ang kamay ng babae at kinuha ang kutsilyo. Tumingin sa batang lalaki. “Pasensya ka na. M-may sakit kasi siya.”

“Ok lang po.”

Inalalayan ng lalaki ang anak papasok ng bahay.

Hindi na muling nagbalik pa si Noel sa bahay na iyon dahil sa takot at kaguluhan ng isip. Hindi na rin niya nakikitang lumalabas ang bata hanggang sa magbinata na ito. Minsang napadaan itong muli sa bahay na iyon ay narinig niyang sumisigaw ang mga magulang nito. At kinabukasan, nabalitaan na lang niyang patay na ang mga ito. Pugot ang mga ulo.

“Kapitan?” muling bumalik sa kasalukuyan ang isip ng Kapitan dahil sa tinig na iyon ni Wendy. “Are you ok?”

“Ha? Ah eh.. oo.. iniisip ko lang kung saan banda rito natin huhukayin.” Sagot nito.

“Nagtataka lang ako….” si Pia.

“Bakit?” si Kapitan.

“Ano pa ang mahuhukay natin kung-” saglit na tumigil. “Sinunog nga ang katawan ni Larina?”

KADENATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon