“O paano yan, we have to pack up na guys!” sabi ni Pia ng makaalis sina kapitan. Tahimik ang lahat na tila ba nag-iisip.
“Wait!” si Lloyd. “We can still hang out here! Sayang naman ang punta natin dito. Kung kailan nag-eenjoy na tayong lahat.” Dugtong pa niya.
“But you heard the guy!” matigas na sabi ni Pia.
“Pia,” si Jester. “May point si Lloyd. Nag-star pa lang ang party. Bakit pa tayo aalis?” bahagyang lumapit ito sa dalaga. “Let’s have fun. That’s why we are here.”
“Pero isasara na daw ito ng 6pm. It’s 5:15 already. Kailangan na nating mag-impake.”
“I think tama si Pia, hon” si Aira. “Hindi natin kabisado ang place na ito. Saka, baka magalit yung may-ari nito.”
“May-ari?” matigas na tinig ni Lloyd. “Hindi nyo ba narinig yung sinabi nung Guy?” tanong niya at tumingin sa lahat ng naroon. “This is a free resort at wala yung nagbabantay ngayong araw. That means, walang magpapaalis sa atin dito.”
Lumapit sa kanila si Wendy. “Guys, I think we should have our decision right away. It’s almost six.”
Bahagyang lumayo si Jester. “Ganito na lang. botohan ulit.” Sabi niya. “Yung mga gustong umalis na tayo ngayon, taas ang kamay.”
Nilibot nila ang paningin, nagtaas ng kamay si Pia. Sumunod sina Aira at Wendy.
“So far, we have three. In favor of leaving. Anyone?” muling nilibot ang paningin at wala nang nagtaas ng kamay. “Okay. Three out of eight-”
“Wait!” si Gary. “I’m favor of leaving this spring.”
“What?!” gulat na sabi ni Lloyd. “Are you insane? Ikaw ang nagplano nito di ba? Ano naman ang nakain mo at magyayaya kang umuwi ngayon?”
Saglit na natahimik si Gary. “Ah..I’m not saying na uuwi tayo.” Sabi niya. “Maraming place na pwede nating puntahan. Like disco bar or-” saglit na nag-isip “Anywhere.”
Katahimikan.
“So guys,” si Jester ang bumasag ng katahimikang iyon. “It’s four out of eight. Now what?”
Walang nakapagsalita. Lahat ay kapwa nakikiramdam.
“It’s five out of eight!” Napalingon ang lahat sa pinagmumulan ng tinig na iyon. Si Biboy. “I’m favor of leaving. Do I have the right?”
Nagkatinginan ang lahat.
“Ok!” si Pia. “I think that will count.” Nakangiti ang dalaga.
Lumapit si Jester kay Gary “It’s your fault dude!” matigas ang tinig nito.
“Ok, let’s pack up!” si Lloyd.
“San naman tayo pupunta?” tanong ni Fred.
“Wag nating sirain ang gabi natin. Mag-disco tayo!” sagot ni Lloyd. “May alam akong place.” At nagpakawala ito ng pilyong ngiti.
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Gary. Bagamat alam niyang masama ang loob sa kanya ni Jester, alam niyang masisiyahan ito sa susunod nilang pupuntahan. Alam niyang gusto lang masolo ng binata ang kanyang nobya.
Kahit na nagtulong tulong sila sa pagliligpit ay inabot pa rin sila ng alas syete. Inayos din kasi nila ang kanilang mga sarili. Kailangang nilang pumorma ng maayos para sa susunod nilang pupuntahan. Handa na ang lahat para sa pag-alis.
“Ok, guys! Ituloy ang ligaya!” sabi ni Lloyd at binuksan ang car stereo. Muling silang nilukob ng malakas na tugtog ng My Chemical Romance habang patuloy ang kanilang pag-alis. Sa Kanilang likuran naman ay nakasunod ang pajero na lulan sina Fred, Mai at Biboy. May kabilisan nilang binabaybay ang madilim at mabatong daan ng Sta. Isabela.
Ngunit hindi pa sila gaanong nakalalayo ay biglang tumigil ang van ni Lloyd. Muli niya itong inistart ngunit hindi gumagana ang makina nito. Paulit-ulit niyang pinihit ang susian ng sasakyan ngunit hindi ito nabubuhay.
“What happened?” tanong ni Pia nang i-off ni Lloyd ang stereo. Tumigil rin sa likuran ang pajero at bumaba si Fred para makiusyoso.
“Ewan ko, ayaw na mag-start eh.” Sagot ni Lloyd.
“Check the gasoline.” Si Fred.
“Ok naman. Marami pa.”
“Fuck! Now what?!” si Jester.
“Try natin itulak.” Ani Gary.
Maya-maya lang ay sama-samang nagtutulak ng van ang lahat habang si Lloyd naman ay nasa driver’s seat. Ilang hakbang na rin ang nagagawa nila ngunit talagang walang nangyayari. Hindi gumagana ang makina hanggang sa matapat sila sa isang kubo.
Mula sa di kalayuan ay nakita nilang nagliwanag iyon ng kaunti. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Gary lalo na nang makita nilang papalapit sa kanila ang isang matanda. Napakapit ng mahigpit si Wendy kay Gary. Kahit takot ang binata ay nagkaroon ito ng kaunting lakas ng loob.
“Mga apo…dayuhan ba kayo dito?” tanong ng matanda habang papalapit ito. Bitbit ang isang sulo na nagsisilbing liwanag.
“O-opo.” Sagot ni Jester. “Pauwi na po sana kami kaso, nagloko ang sasakyan namin eh.”
“Ganun ba?” sagot ng matanda. “Naku, maigi pa’y tumuloy na muna kayo sa kubo at dito na kayo magpalipas ng gabi. masyadong delikado dito.”
Nagkatinginan ang lahat.
“Wag na po tatang.” Sagot ni Lloyd na bumaba na sa van. “Ok lang po kami.”
“Hindi apo!” matigas na tinig ng matanda. “Hindi nyo alam kung anong lugar ito. Lubhang mapanganib para sa inyong mga dayuhan.”
Kinabahan si Pia sa sinabing iyon ng matanda. “Mabuti pa siguro, sumunod na lang tayo sa kanya.” Bulong ni Pia. Muling nagtinginan ang lahat na tila nagtatanong.
Nagbugtong-hininga si Lloyd, “Tara!”