KADENA 15 (Ang Pagtatapos)

107 1 0
                                    

“AAAAAHHHHHHHH!!!!!!” sabay-sabay na sigaw nila Jester, Lloyd at Gary ng makita si Larina sa kanilang harapan.

“Wag nyong tingnan! Wag nyong tingan!” sigaw ni Gary at sabay na pumikit ang dalawa. “Sagasaan mo na!” dugtong pa niya.

Mabilis na kumambyo si Llyod at pinaharurot ang sasakyan kahit na nakapikit. Naramdaman niya ang pagbunggo nila sa katawan ni Larina ngunit patuloy siya sa pagda-drive.

“Wala na” sabi ni Gary nang makalayo sila at dumilat na ang dalawa. Patuloy sila sa pag-arangkada. Nilingon ni Gary si Larina at nakita niyang wala na nga ito.

“San na tayo ngayon?” tanong ni Jester.

“Kahit saan basta lumayo lang tayo kay Larina.” Sagot ni Lloyd.

“Tiyak na hindi tayo titigilan nun.” Sabi ni Gary. “Sana ay hindi niya tayo-”

KLANG!

Naputol ang sinasabi ni Gary sa malakas na tunog na iyon mula sa bubong ng sasakyan. Sabay-sabay nilang tiningnan at nakita nila ang bahagyang paglubog na parang pinalakol. Bahagyang nayupi iyon.

KLANG!

Isa pang malakas na paghamapas at bahagya nang nabubutas ang bahaging iyon ng sasakyan. Binalot ng takot ang lahat. Kapwa namumutla at nanginginig ang mga katawan. Mabilis na inikot ni Lloyd sa kanan ang manibela at biglang binawi sa kaliwa. Paulit-ulit niyang ginawa iyon at nagpa-ekis ekis ang takbo ng sasakyan.

KLANG!

Hindi iniinda ni Larina ang pa-ekis ekis na takbo ng sasakyan. Tila hindi ito bumibitiw sa itaas.

KLANG!

Isa pang malakas na paghampas ay tuluyan nang nahiwa ang bubong. Inilusot ni Larina ang kamay sa butas na iyon at inunday ang kutsilyo sa kanila. Mabilis namang nakayuko ang tatlo.

SSKKEERTTTTCCHHH!!!

Biglang umalingawngaw ang malakas na preno ng sasakyan. Itinigil ni Lloyd ito dahil iniisip niyang tatalsik si Larina. Nagtagumpay naman siya. Biglang nawala sa bubungan ang babae. Saglit siyang natigilan.

Ngunit hindi inaasahan nila Gary at Jester ang biglaang pagpreno kaya’t hindi sila nakapaghanda. Halos tumalsik si Jester sa lakas ng impact ngunit sa kabutihang palad ay nagawa niyang kontrolin ang sarili at naiharang niya ang braso upang ang mabawasan ang impact. Samantalang si Gary, dahil nakatingin ito sa itaas ay tumama ang ulo nito sa likod ng upuan na nasa harapan niya. Nawalan ito ng malay sa sobrang lakas ng pagbangga.

“Gary! Gary!” si Jester habang tinatapik sa pisngi ang binata. Walang malay na nakasandal si Gary sa may pinto sa kanyang tabi.

“Gary!” sabi ni Lloyd. Palinga-linga siya sa paligid at hinahanap kung nasaan na si Larina. Wala ito.

“Paandarin mo na lang ulit.” Sabi Jester. Muling umupo si Lloyd sa driver’s seat, ngunit bago pa niya mapaandar ay biglang bumukas ang pinto sa gilid ni Gary. Dahil nakasandal dito ang binata, nahulog ang bandang ulunan nito. mabuti na lamang at nahawakan siya ni Jester at nahila ang damit kaya hindi natuluyan ang pagbagsak nito. Ngunit nakalaylay pa rin ang ulo nito sa labas.

“Bilisan mo naaa!!!” sigaw ni Jester at mabilis na kumambyo si Lloyd at pinaandar ang sasakyan. Ngunit nagulat siya ng makitang naroon na naman si Larina sa harap. At sa pagkakataong ito, napatingin siya sa naagnas na mukha ni Larina. Napatingin siya sa nanlilisik na mga mata nito. Bigla niyang binawi ang tingin at pumikit siya bago tuluyang pinaharurot ang sasakyan. Mabilis ang kanyang pag-arangkada. Ngunit sa kasamaang palad ay nawalan ng kontrol sa manibela ang binata at napunta ito sa gilid at tuloy-tuloy sa pag-arangkada hanggang sa-

KADENATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon