“O bakit ka huminto?” takang tanong ni Gary ng maramdamang tumigil sa pagmamaneho si Lloyd.
“Kanto na ito. paglampas natin dito, hindi na ito Sta. Isabela. Ang bilin ni Kapitan ay wag tayong lalabas ng bayan diba?” sagot ni Lloyd.
“E anong gagawin natin? Maghihintay ng kamatayan natin dito?” si Jester.
“Humingi kaya tayo ng tulong sa iba?” si Lloyd.
“Kanino?”
“Kahit kanino dyan.”
“Sa tingin mo, may maniniwala sa atin?”
“Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan?”
Muling pinaandar ni Lloyd ang sasakyan. “So, lalabas tayo ng bayan?”
“Wag!” si Gary. “Baka matagalan tayo at baka pumunta si Larina kila Wendy.”
“Tama si Gary.” Si Jester.
“Edi babalik na lang tayo at katukin natin ang mga bahay bahay.” sabi ni Lloyd at nag-U-turn agad ito.
Muling pinaharurot ni Lloyd ang sasakyan habang tinitingnan nila isa isa ang mga kabahayan. Madilim ang paligid. Tanging ang sinag ng buwan lamang ang nagsisilbing liwanag. Maging ang mga bahay na nadadaanan nila ay walang mga ilaw. May kalayuan ang mga ito sa baku-bakong kalsada kaya’t kailangan pang sadyain ang mga ito. Malalayo din ang agwat ng bawat bahay kaya’t kailangan pang sadyain isa-isa ang mga ito.
“Hindi mo ba ihihinto?” tanong ni Gary.
“Wala pa namang pwedeng puntahan ah!”
“Lahat yan, pwede.”
“Ang lalayo eh!”
“Basta, itigil mo muna.”
Nag-menor si Lloyd at Tuluyan niyang itinigil ang sasakyan sa tapat ng isang may kalakihang bahay. Nilibot muna nila ang paligid at sinigurong wala si Larina bago lumabas ng sasakyan. Napansin niya ang flashlight sa may tabing upuan at dinampot niya iyon. Sinubukang buksan at umilaw iyon.
“Tara!” yaya niya kina Jester at Gary at sumunod naman ito. dahan-dahan nilang tinungo ang harapan ng bahay.
TOK! TOK! TOK!
“Tao po!” kinatok ni Lloyd ang pinto ngunit tila walang tao sa loob.
“Tao po!” si Gary. “Wala yatang tao. dun naman tayo sa isang bahay.”
“Tara!” at akmang papalais na sila ng biglang may narinig silang kaluskos mula sa loob ng bahay. sabay-sabay silang napatigil at nagkatinginan. Muli nilang hinarap ang bahay at pinakiramdamang mabuti.
Umiling si Lloyd. “Tara na!” at muli silang bumalik sa sasakyan.
“Narinig ko yun pare” si Jester habang isinasara ang pinto. Nakaupo na sya sa tabi ni Gary sa likuran ng pick-up.
“Alam ko” sabi ni Lloyd. “May tao sa loob pero sadyang ayaw nilang lumabas.”
“Naiintindihan ko rin naman sila.” Sabi ni Gary. “Kahit naman ako, kung may balitang pumapatay sa lugar namin, hindi ko rin basta basta bubuksan ang pinto kung may kakatok ng dis oras ng gabi.”
Tiningnan ni Jester ang wristwatch nya. “Shit! Alas kwatro na!”
“Umaga na pala. Maya-maya lang, sisikat na ang araw.” Si Lloyd.
“Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Nahukay na kaya nila? Puntahan kaya natin?” si Lloyd.
“Wag na muna. Baka sumunod si Larina.”
“Anong gagawin natin ngayon?” si Lloyd.
“Magpapaikot-ikot na lang tayo hanggang mag-umaga.” Sagot ni Jester.
“Mabuti pa nga. Tara na!” sang-ayon naman ni Gary.
Pinihit ni Lloyd ang susi upang buhayin ang makina. Umingay ito ngunit hindi nag-start. Tumingin siya sa mga kaibigan at muling pinihit ang susi. Muli’y umingay lang ito. paulit-ulit niyang ginawa iyon ngunit ayaw mag-start ng sasakyan. “Shit!” pabulong niyang sabi.
“What the fuck!” napasigaw si Jester. “Dapat pala hindi na tayo tumigil!”
“Itulak natin!” sabi ni Lloyd.
Nagkatinginan sina Jester at Gary. “Hell no!” sabay nilang sabi.
“C’mon guys! That’s the only way! Tara!” sabi ni Lloyd at dinampot niya ang flashlight.
“Hindi ka ba marunong mag-troubleshoot nyan?” tanong ni Gary.
Nag-isip si Lloyd. “Sige, try natin. Bilis!”
Muli nilang nilibot ng tingin ang paligid at nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Iniabot ni Lloyd kay Jester ang flashlight habang tinutulungan ni Gary itong iangat ang hood ng sasakyan.
“Ilawan mo ‘to!” sabi ni Lloyd at itinuro ang isang bahagi ng makina. Mabilis namang inilipat ni Jester ang ilaw doon .
“Bilisan mo naman dyan.” Sabi ni Gary habang palinga-linga sa paligid na tulad ng isang sundalong nakikiramdam sa kaaway.
“I’m doing my best. Magbantay ka lang dyan.” Sagot ni Lloyd.
Muling pinagmasdan ni Gary ang kadiliman ng paligid. Natatanaw niya ang mga puno sa bukid sa di kalayuan. Nakikita rin niya ang pagsayaw sa ihip ng hangin ng mga palay doon. Ganoon din sa kabilang bahagi ng kalsada. Palipat-lipat ang kanyang tingin sa magkabilang bahagi ng daan. “Hindi pa ba tapos?” nanginginig na tanong ni Gary.
“Wag ka ngang mag-apura dyan! Natataranta na rin ako eh!”
“Wag mong intindihin yan. Mag-concentrate ka sa ginagawa mo.” Sabi ni Jester kay Lloyd.
“Ang kulit eh!”
Katahimikan.
“Guys?” sabi ni Gary habang kinakalabit si Lloyd.
“Sandali lang matatapos na, ano ba?” saway ni Lloyd.
“Guys.” Muli’y kinalabit niya si Lloyd.
“Ano ba, wag ka ngang makulit!” galit na tinig ni Jester.
“Guys, parating na sya.” Nanginginig ang boses ni Gary habang nakatitig sa bandang likuran nila. Saglit na natigilan ang dalawa at bigla’y narinig nila ang kadenang bumabangga sa mga bato. Mahina iyon. ang ibig sabihin ay may kalayuan sa kinatatayuan nila.
“Bilis!” sabi ni Jester at biglang nataranta si Lloyd.
“Tapos na!” sabi niya at sabay sabay silang nagtakbuhan papasok ng sasakyan matapos isara ang hood. Nanginginig ang kamay ni lloyd habang iniikot niya ang susi na nakasuksok. Sa isang ikot ay umingay ito ngunit hindi pa rin nag-start. “Damn it!” sigaw niya. “C’mon!” at muli niyang inikot ang susian.
Samantala’y halos tumalon naman ang puso nila Gary at Jester sa sobrang kaba habang pinanonood si Lloyd.
“Mag-start ka naman please!” malakas na tinig ni Gary. Kinuha niya kay Jester ang flashlight at itinutok iyon sa tapat ng windshield kung saan nakita niyang nakatayo si Larina. Nagtaka siya. “N-nawala sya.” Mahinang sabi niya. Inilibot ang liwanag ng flashlight sa paligid at hinanap si Larina ngunit wala ito. Lalo siyang kinabahan.
VRRRM!!!
Bigla’y nag-start ang makina ng sasakyan. Halos mapalundag sa tuwa si Lloyd. Iniangat niya ang kanyang mukha at tumignin sa harapan. Lumiwanag ang ilaw ng pick-up.
Ngunit lahat sila ay nagulat at tila natulala sa kanilang nakita. Nasa harapan ng sasakyan si Larina.