Chapter 19

61 4 0
                                    

North's POV

PUSPUSAN na ang practice namin para sa musical play namin dahil one week nalang ang natitira naming araw sa pagpe-prepare. Sa ngayon tinatapos nalang namin ang mga props at costumes, at polishing nalang ng whole play ay magiging okay na ang lahat.

"Okay! Good work, kids! 15 minutes break!" sigaw ni Sir Holland.

Agad namang nagsilapitan sa'kin ang barkada at si South habang nag-uusap sila about sa lines nila. Napansin ko rin na parang nagmamabutihan na ang aming Marius at Cosette.

"Tara na sa cafeteria," sabi ni South nang makalapit na sila.

Inakbayan ko siya. "Tara!"

"Kumusta pagiging Éponine?"

"Okay naman. Ang ganda nga ng role na 'yon tapos ako pa ang kakanta ng Own My Own," ngumingiti niyang sabi habang nakatingin sa mga ulap.

"Baka nainlove ka na kay Timothy niyan," sumimangot ako.

"Paano nga kung oo?" Nawala na ako sa mood. Sana hindi ko nalang 'yon tinanong. Tumawa siya at kinurot ang mga pisngi ko. "Ang cute mo talaga tingnan kapag nagseselos ka, Northy. Syempre joke lang 'yon. Ang swerte ko kaya sa'yo."

"Tumigil nga muna kayo sa paglalambingan niyong dalawa! Snack muna tayo," sigaw ni Timothy sa'min.

"Tss. 'Wag mo akong bibiruin ng ganoon, South. Okay lang sana kung mas gwapo siya sa'kin," tumakbo na ako matapos kong masabi 'yon. "Naisahan na naman kita," nagpeace sign ako habang tumatawa.

"Leshe, North! Ang galing mo talagang manloko. Lagot ka sa'kin 'pag nahuli kita!"

Bumalik na kami theatre pagkatapos naming bumili at kumain ng snack sa cafeteria. Ang nakakainis lang hindi ako pinapansin ni South habang nandoon kami sa cafeteria at hanggang ngayon palagi siyang tumatabi kay Timothy. Baka totoo nga 'yong sinabi niya. Tss.

Nagpatuloy ang practice at wala nang problema tungkol sa play. Maayos na ang lahat. Hindi man lang namin namalayan na uwian na pala. Nag-aayos na ang karamihan sa'min para makauwi na at magpahinga. Lumapit ako kay South. Hindi niya ako napansin dahil siguro inaayos niya pa rin ang mga gamit niya sa loob ng bag niya. Nang matapos siya ay kinuha ko kaagad ang bag niya at ako na ang magdadala.

"Tara! Uwi na tayo, South. Hatid kita sa inyo," nginitian ko siya at hinawakan ko ang malabot niyang kamay.

Wala kaming imikan habang naglalakad kami palabas ng campus. Dapat na talaga ako mag-sorry sa kanya, para kasing nainis ko talaga siya kanina. Hindi pa nga namamansin.

"Ahhh South," tawag ko sa pansin niya.

"Hmm?"

"Sorry sa kanina," nakayuko kong sabi. Nakatingin lang ako sa daanan.

"Sorry din, North."

"Ha? Bakit ka nagso-sorry?"

"Kasi kung gindi kita pinagselos hindi mo rin 'yon gagawin."

"Ahh wala na 'yon. Kalimutan nalang natin. So, bati na tayo?" magiliw kong tanong.

♪♪♪

"Mauna na ako, South. Kailangan ko pa mag-practice para mamaya."

"Ingat ka!" at hinalikan niya ako sa cheeks.

"Isa pa, please! Pero dito naman," tinuro ko ang lips ko.

"Baka makita tayo nina Mom atsaka nandito tayo sa labas baka may makakita satin."

"Ano naman kung may makakita? May relasyon naman tayo at hindi natin ito tinatago sa pamilya natin. Sige na, isa lang naman, please!" nagpapa-cute pa ako para 'di na siya makapalag.

"Sige na nga. Pero isa lang ahh." Tumango ako.

Himawak siya sa mga balikat para may suporta siya sa pagtayo gamit lang tip ng paa niya. Mas matangkad kasi ako sa kanya. Naramdaman ko nalang na naglapat na ang mga labi namin pansamantala.

"Sige na. Umalis ka na. Bye!" nakangiti niyang sabi at pumasok na ng bahay nila.

♪♪♪

Bumaba na ako mula sa kwarto ko para i-ready na ang mga instrument sa maliit na stage ng bar. Ako kasi ang nakatuka ngayon. Nasa hagdanan pa lang ako ay napansin ko na masayang nag-uusap ang mga kasamahan ko rito sa may bar counter. Binilisan ko ang pagbaba at napahinto nalang ako sa nakita ko. Kausap nila ang babaeng nakasuot ng jacket na may hood. 'Yong madalas kong makita rito sa bar. Pero di niya pa rin tinatanggal ang hood niya. Lumapit ako sa kanila at nagulat ako nang makita ko ang mukha ng naka-jacket.

"South?" bulalas ko nalang dahil sa gulat.

"Oh nandito na pala ang prince charming mo, South!" sabi ni Ate Zhera na para bang kinikiliti at hinahampas niya si Kuya Migz.

"Hiramin ko muna si South, mga Ate't Kuya," paalam ko at hinatak si South papunta sa backstage. Good thing walang tao rito.

"Bakit hindi mo sinabi?"

"No-Northy, sorry! Sory kung hindi ko sinabi na ako ang palagi mong nakikita rito. Alam kong galit ka dahil di ko sinabi sa'yo. Pero takot lang kasi ako na makita ako ni Daddy baka ma-grounded na naman ako. Baka isipin niya kasi na kumakanta na naman ako rito kapag nakita niya ako rito. Ayaw kasi ni Dad na kumakanta ako," yumuko siya.

"Sorry din. Na-misunderstood ko. Okay lang," nginitian ko siya. "Naiintindihan ko ang reason mo. Pero paano na ang play sa school? Ano gagawin mo?"

"Iyon ba? Itutuloy ko 'yon. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na kumanta. Pwede naman diba ipagsabay ang pagiging pianist at ang pagkanta diba?"

"Oo, pwede naman talaga."

"Iyon nga ang ipapakita ko kay Dad na kaya kong ipagsabay ang pagiging pianist at singer. Gusto niya kasi akong maging isang magaling na pianist."

"Anong plano mo? Sigurado akong manunuod sila ng play dahil invited lahat ng parents na manuod."

"Alam kong magagalit siya 'pag nakita niya ako. Pero kailangan ko ipakita yon kay Dad at pagkatapos ng play kakausapan ko siya."

"Okay. Basta kung may kailangan ka nandito lang ako palagi," I hugged her. "Nga pala nasabi mong natatakot kang makita ng Dad mo na kumakanta rito," tumango lang siya, "Ikaw ba 'yong sinasabi ni Ate Anne na nag-resign at ako ang pumalit?"

"Oo, kaya nga close ko sila. Hindi mo ba 'yon napansin noong battle of the bands?"

"Hindi. Kasi naka-focus lang sa'yo ang atensyon ko sa mga oras na iyon." Tumawa siya at pinalo ako sa braso. "Oh bakit?"

"Tigilan mo na nga 'yan. Magset-up ka na sa stage. Akala mo hindi ko alam. Balik na ako sa bar counter. Namiss ko rin sila."

"Sige. Isuot mo na ang hood baka may makakita sa'yo na kakilala ng Dad mo."

♪♪♪

Kahit nagsara na ang bar ay nandito pa rin si South. At walang tigil din sa pang-aasar sa'min ng mga kasama namin lalo na si Ate Zhera. Pero hindi naman nagpapatalo si South at inaasar niya si Ate Zhera kay Kuya Migz. Tawa nang tawa nalang kami dahil sa reaction ni Ate Zhera.

Hinatid ko pauwi si South. Mahirap na. Malalim na ang gabi at babae pa siya. At dahil sa paghatid ko sa kanya naka-score na naman ako. Hahaha! Naka 3 points ako ngayong araw.

-

More Than Words [Complete] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon