North's POV
"SALAMAT sa paghatid," sabi niya nang nasa tapat na kami ng pintuan ng bahay nila. Binuksan na niya ang pinto at papasok na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Wala ba akong goodbye kiss?" nag-pout ako.
"Ano ka ba, North, baka makita tayo ni Mom."
"South, anak, sino yang kausap mo?" sigaw ng Mom niya. Nakita ko siya na lumabas galing sa may likod ng divider. May pat-holder pa siyang suot. Nagluluto siguro siya. "Ohh di mo naman sinabing may bisita ka, anak. Pasok ka, iho."
Hindi ko mawari ang expression sa mukha ni South. Ang cute niya tingnan. Parang nahihiya siya parang ewan di ko ma-explain.
Pumasok naman ako. Nakakahiya kung tatanggi ako.
"Upo ka muna." Umupo ako gaya ng sabi niya. Nakatayo lang siya sa tabi ng divider. Habang si South naman ay nakatayo lang din katabi ang mom niya.
"Anong pangalan mo, iho? You look familiar."
"North po, Ma'am," pormal na pagpapakilala ko.
"North? Yung anak ni-," pinutol ko na ang sasabihin niya dahil sigurado akong pangalan na naman nina Mama at Papa ang sasabihin niya.
"Opo."
"Magbibihis lang po muna ako, Mom. Maiwan muna kita diyan, North." Umakyat siya sa hagdan.
"Sabi ko na nga ba. Napaka-familiar kasi ng mukha mo. Kumusta na pala kayo ng Ate mo?"
"Okay lang naman po," ngumiti ako.
"Maiba tayo. Bakit mo pala kasama si South?"
"Ah hinatid ko lang po si South." Parang ayaw yata ng mom si South na kasama ko si South. Bagsak ata ako sa kanya.
"Natutuwa ako sa'yo, North. Huwag kang matakot sa'kin hindi naman ako nangangain ng tao. First time kasing may kasama si South at hinatid ng bahay."
"Mom! Ano na naman pinagsasabi mo?" sigaw ni South na pababa na ng hagdan. Ang bilis niya magbihis.
"Bakit hindi mo sinabi na nagkita na pala kayo ulit ni North?" bulong niya kay South nang makababa ng hagdan.
Ha? Nagkita ulit? Ulit? Magkakilala na kami dati? Kahit binulong lang yun kay South ay narinig ko pa rin.
"So, I assume, kayo na?" bulong uli ng Mom niya sa kanya. Nahalata ko sa mukha niya nahihiya siya.
"Ano yang pinagsasabi mo, Mom?"
"If I know. Sabihin mo nalang kasi sa'kin, baby."
"Oo."
"Sabi ko na nga ba."
Patuloy nilang pagbulong sa isa't-isa. Napangiti ako lalo dahil kitang-kita sa mukha niya ang hiya nang sinabi niya sa Mom niya iyon. Tumingin sa'kin ang Mom niya na may nakakalokong ngiti.
"Maiwan ko muna kayo diyan ni North. Tatapusin ko lang niluluto ko," naglakad na siya pabalik ng kusina.
"Pasensya ka na kay Mom. Ganyan lang talaga yan," tumabi siya sa'kin.
"By the way, North, Mom nalang ang itawag mo sa'kin since boyfriend ka na naman ng anak ko!" sigaw ni Mom.
"Mom!" react ni South.
"Hahaha!" Di ko napigilan tumawa.
"Anong tinatawa-tawa mo?"
"Ang cute mo kasi kapag nahihiya. Atsaka ang kulit ni Mom." In-emphasize ko ang pagsabi ng Mom. Nginitian ko siya. Yung nakakalokong ngiti.
BINABASA MO ANG
More Than Words [Complete] (EDITING)
Romance[Highest Rank Achieved #14] Si North ay anak ng dalawang sikat na music artist. Gusto niyang masundan ang yapak ng kanyang mga magulang kaya pumasok siya sa isa sa pinakasikat na music school sa kanilang bansa. Magagawa kaya niyang sundan ang yapak...