Chapter 5

95 8 0
                                    

North's POV

PAGKATAPOS kong kumain sa Mcdo ay naglakad-lakad na ako kahit saan ako dalhin ng mga paa ko. Oo, sa Mcdo. Ito kasi ang pinakauna kong nakita pagkalabas ko ng building, nasa kanto lang ito. Doon sa kantong pinuntahan ko kagabi. May nakita akong park sa di kalayuan kaya naglakad na ako papunta roon.

Ang sarap ng hangin dito para kang wala sa loob ng isang malaking city. Nilagay ko sa tenga ko ang nakasabit na headset sa leeg ko. Wala lang trip ko lang magsoundtrip ngayon. Tahimik kasi ang lugar kahit na maraming tao ang nandito. Umupo ako sa isang bench sa may pond ng park. Pumikit ako. Ang sarap talaga ng hangin, nakakagaan at nakakarelax ng pakiramdam.

"Kuya, tabi!"

Blag!

Napamulat ako bigla at napahawak ng binti. Ang sakit. "Kuya, sorry!" sabi ng babaeng nakasakay sa bike. Tumingin ako sa mukha ng babae.

"Sa susunod mag-ingat k-"

"North?"

"South?" sabay naming nabanggit.

"Ahm North, sorry talaga! Nagpa-practice pa kasi akong mag-bike eh," sincere niyang sabi habang bumababa siya ng bike at itinabi ito. Umupo siya tabi ko.

"Masakit pa ba ang mga binti mo?" hinawakan niya ito.

"A-ah h-hindi naman. O-okay lang ako." Bakit ba nauutal ako? First time kong mautal.

"Sure ka?" tanong pa niya.

"Oo," sabi ko nalang sa kanya kahit medyo masakit pa talaga ang mga binti ko. Ayoko siyang makitang nag-aalala.

"Nagpa-practice ka pang mag-bike, South?" tanong ko para maiba naman ang topic. Tumango lang siya bilang sagot.

"Hmmm kung sa ganun, tuturuan nalang kitang mag-bike."

Tumingin siya sa'kin. "Talaga?"

"Bakit? Ayaw mo?" akmang tatayo na ako pero hinawakan niya ang kanang braso ko. Ayaw pa kasing maniwala na tuturuan ko siya. Tss.

"Ito naman 'di mabiro. Turuan mo na ako."

Mapagtripan nga 'to. "Hindi na. Nagbago na isip ko. Uuwi nalang ako," at tumayo na talga ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Ang lambot ng kamay niya. Parang ayoko nang bitawan ang kamay niya sa sobrang lambot.

"Sige na, North. Turuan mo na ako. Please!" nag-pout siya at nag-puppy eyes habang tinitingnan niya ako sa mata. Ang cute niyang tingnan pag nakaganyan siya. Ang sarap kurutin ang mga pisnge niya.

"Osige na nga," pagsuko ko. Sino ba naman kasi ang makakatanggi kung ganyan ang itsura niya? "Pero sa isang condition."

"Anong condition, North?"

"Halikan mo ako sa pisngi," sabay ngisi ko. Shit! Nasabi ko ba talaga yun. Magsasalita na sana ako ulit at sabihing joke lang yung condition nang hinalikan niya ako bigla sa pisngi. Napatulala ako.

Totoo ba yun? Ang sarap sa pakiramdam. Ang lambot na nga ang kamay niya, ang lambot pa ng mga labi niya. Ang sarap tuloy niyang halikan sa lips.

"Hoy! North, nakikinig ka ba sa'kin?" sabi ni South. Niyugyog niya ako. "May plano ka pa bang turuan ako? Ang unfair mo ah. Ginawa ko na yung condition pero hindi mo pa rin ako tuturuan." Tiningnan ko siya. Nakatayo na kasi siya. Ang cute talaga niyang tingnan kapag naka-pout siya.

North, ano ba yang sinasabi mo? Maghunos-dili ka nga.

Tumayo na ako at hinawakan ko ang bike patayo. "Wag tayo dito mag-practice. Masyadong maliit ang space baka makadisgrasya ka na naman." Naglakad na ako, nakasunod lang si South sa'kin.

"Yey! Tuturuan na ako si North!"

Huminto ako saglit para magkasabay kaming maglakad. Hinawakan ko ang kamay niya gamit ang kanan kong kamay. Yung kaliwa kasi yung pinanghawak ko sa bike. Medyo nabigla siya sa ginawa ko pero hindi naman siya nagreact kaya pinagpatuloy ko na ang paglalakad habang magkahawak kami ng kamay.

"Huwag ka ngang umakto na parang bata. Pinagtitinginan tuloy tayo," mahinahon kong sabi sa kanya. Nag-pout lang siya pero sinunod naman niya ako. Ang hilig niya talagang mag-pout.

Naglakad-lakad lang muna kami para makakita ng malaking space para maturuan ko na si South. Ganun pa rin ang position namin habang naglalakad. May timitingin nga sa'min pero wala akong pakialam. Patuloy lang kami sa paglakad nang may narinig ako sa bandang gilid namin.

"Girl, tingnan mo yung dalawa oh. Ang sweet nilang tingnan."

"Oo nga. Nakakainggit. Sana ako nalang yung girl ang gwapo kasi nung guy eh!"

"Anong ikaw? Sana ako yung girl kasi ako yung unang nakakita at hindi ikaw."

Hay! Masasanay na siguro ako sa mga ganyan lalo na kapag pareho kaming makapasok ni South sa Music University.

Tiningnan ko si South. Tahimik lang kasi niya habang naglalakad kami. "Okay ka lang, South? May masakit ba sa'yo?"

"O-okay lang ako."

"Sigurado ka?"

"O-oo. North, doon tayo," at may tinuro siya sa di kalayuan. Tiningnan ko naman kung ano yung tinuturo niya. May malaking space kaso nasa may gitna ito ng park. "May malaking space doon. Dali na para maturuan mo na ako," pagkasabi niya noon ay tumakbo siya papunta roon. Ako naman parang kinakaladkad. Ang hirap, may hawak pa naman akong bike.

"Teka lang, South. Hinay-hinay lang makakaabot din tayo dun. At saka may hawak akong bike," medyo hinihingal kobg sabi sa kanya. "Sorry, North! Na-excite lang kasi ako. Hehe!" sabi niya sabay peace sign.

"Okay lang. Pasalamat ka mahal kita."


☆☆☆☆☆

A/N:

       Hanggang diyan muna. Hahaha! Mamaya nalang siguro ang kadugtong, o bukas na?

       Pasensya na kung napakaikli nito. Hindi kasi ako sanay na putol-putol ang pagsusulat ng isang chapter. Dapit isang sulatan lang every chapter.

       Hope you it! At wag kalimutang magvote at magcomment!

Franciz/MusicSavvy

More Than Words [Complete] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon