North's POV
ILANG araw na ang lumipas simula nung huli kaming magkasama ni South sa Mcdo. Tinatawagan ko siya at tinetext. Pero hindi niya naman sinasagot. Nagpapakilala naman ako sa pinakauna kong text sa kanya. Anong nangyari sa kanya. Palagi rin akong pumupunta ng park nagbabasakaling makikita ko roon si South na nagpa-practice magbike. Pero wala talaga. I already miss her.
Pumasok na ako ng university. As usual ang daming taong may dalang mga musical instrument. Tiningnan ko ang class schedule ko. Ngayon na ang simula ng pasok kaya maaga akong pumasok. Kailangan ko pa palang umakyat ng third floor para sa first subject ko.
Paakyat na ako ng hagdan nang biglang may tumawag sa'kin. "North, wait!" Lumingon ako sa pinaggalingan ng boses. Napangiti ako nang makita ko si South na tumatakbong papasok ng campus. I really miss this one.
"Bakit tumatakbo ka?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Namiss kasi kita," sabi niya sabay yakap sa'kin. Shit. Yung puso ko bigla nalang kumabog ng sobrang bilis. Parang may nagkakarera sa loob ng puso ko. "Ako rin," bulong ko at niyakap ko rin siya.
"Ahm tara na. Hatid na kita sa first subject mo. Anong room mo?" hinawakan ko siya sa kamay at umakyat na ng hagdanan.
"Sa room 307," sagot niya.
"Dun din ang first subject ko. Sabay nalang tayo," masigla kong sabi. Sobra akong masaya. Nakita ko na rin siya after ng ilang araw. "Bakit di mo pala sinasagot tawag at text ko sa'yo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad. Tiningnan ko siya. Hindi siya makatingin sa mga mata ko.
"Ah sorry! Naging busy kasi ako. Tara na, North. Baka hindi na tayo makapili ng magandang pwesto," hinatak na niya ako papasok ng room.
Pinagtitinginan kami nang makapasok kami sa room. Ang ingay kasi ni South, parang bata.
"Gusto mo naman, di ba?" Sabi ng utak ko.
Hindi naman pinapansin ni South ang mga tumitingin sa'min kaya hindi ko na rin sila pinansin. Umupo si South sa bandang likod malapit sa bintana.
"North, dito ka," tinuro niya ang katabing upuan sa kanya. Pumunta ako sa tinuro niya at umupo.
"South, di mo ba mahinaan yang boses mo? Pinagtitinginan na tayo oh," bulong ko sa kanya. Nag-pout siya sa harap ko. 'Wag kang mag-pout sa harap ko baka mahalikan kita nang wala sa oras.
"Ehhh! Anong magagawa nila? Eh sa ganito na talaga ako," pagmamaktol niya.
Inakbayan ko siya. Tsaka binulungan ko siya. "Pag di mo hininaan boses mo hahalikan talaga kita sa lips." Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Napalunok ako ng matuon ang mata ko sa lips niya. Kissable ang lips niya, mapula-pula at ang lambot kahit tinitingnan ko pa lang. Nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.
"Ooops! Eeeestop! Diyan ka lang," hinarang niya ang kanang kamay niya sa mukha ko na parang sinasalo. Habang ang kabilang kamay naman niya ay nakatakip sa labi niya.
Nag-pout ako. Akala niya siya lang marunong? Alam ko rin yan pero sana umepekto. "Isa lang, South. Please!" Mas pinakita ko sa kanya ang pag-pout ko.
"Ayoko," sabi niya sabay iling. Tsk. Sayang malapit na yun kanina.
May light bulb na lumabas sa isip ko.
Ni-lick ko yung kamay niyang nakatakip sa mukha ko. Napagitla siya sa ginawa ko.
"Eew! Ang eew mo, North." Napahagalpak ako ng tawa. Ang priceless ng mukha niya. Hahaha!
BINABASA MO ANG
More Than Words [Complete] (EDITING)
Romantik[Highest Rank Achieved #14] Si North ay anak ng dalawang sikat na music artist. Gusto niyang masundan ang yapak ng kanyang mga magulang kaya pumasok siya sa isa sa pinakasikat na music school sa kanilang bansa. Magagawa kaya niyang sundan ang yapak...