Chapter 1.3 - Rolling Thunder

168 15 8
                                    

North's POV


Pumunta na agad ako sa bleachers pagkatapos nung nakausap ko si di ko alam pangalan niya basta yung babae na nakasabay ko sa bus.


Nagsimula na yung babae sa pagplay nung grand piano na nasa stage. Umupo ako sa bandang likuran. Ayoko dun sa harapan at sa gitnang bahagi ang dami na kasing nakaupo dun at may iilan na nag-uusap roon. Di rin ako kakakapagrelax kung dun ako uupo. Mas mabuti na dito. Kunti lang ang tao tapos ang lamig pa kasi malapit sa aircon ang inuupuan ko.


Sumandal ako at pinatong ang ulo ko sa headrest. Tumingin na ako sa stage.


Nakapikit yung babae habang nagpi-play ng piano. Paano niya yun nagawa? Tapos hindi pa siya nagkakamali sa pagpindot ng piano key. Nakakahanga pa siya. Hindi kasi basta basta lang na piano piece ang pini-play niya. Rolling thunder ang pini-play niya. Ang hirap kaya niyan. Di ko nga 'yan na-perfect noong tunuruan ako ni papa niyan. Walang kahirap hirap niyang pinlay ang rolling thunder habang nakapikit. Mararamdaman mo talaga ang emotion ng kanta.


Pinikit ko na rin ang sarili kong mga mata. Nakaka-relax kasing pakinggan ang musikang ginagawa niya.


Lumipas ang ilang minuto natapos na yung rolling thunder. Nakapikit pa rin ang mga mata ko. Nakarinig ako ng palakpakan katulad nung natanggap ko kanina. Minulat ko na ang mga mata ko. Nakita ko kaagad yung babae na tumayo at nag-bow sa harap ng judges.


"That was an awesome performance Ms. Anderson," sabi nung lalaking judge.


Lumapit siya sa gitna. Nandun kasi yung mic sa gitnang bahagi ng stage kung saan ako nakaupo kanina.


"Thank you po," sabi niya at nag-bow ulit siya.


"You can sit now at the bleachers and wait for the results."


"Thank you po ulit," sabi niya at naglakad na siya pabalik ng backstage. Pero bago pa siya pumasok ng tuluyan tumingin siya ulit dito sa bleachers at ngumiti.


Dug! Dug! Dug!


Potato naman oh! Bakit ba nagiging weird ako ngayon araw? Lalong-lalo na kapag nakikita ko siya?


Wala lang yan North. Pagod lang yan. Oo! Pagod lang ako kaya ako nagkakaganito.


Pumikit na ulit ako at binalik ang pagkakasandal ko sa bleacher. Nilagay ko na rin ang headset sa tenga ko at pinlay ang mp3 na nasa bulsa ko ng random music. Basta kahit na ano nalang ang mag-play na kanta. Magaganda naman lahat ang nilagay ko. Unang nag-play ang isang piano music. Teka! Familiar ang piece na 'to ah. Ay oo nga pala. Ito yung palaging pini-play ni mama sa bahay kapag wala siyang magawa. Water Flower yung title ng piano piece. Matagal-tagal ko na rin itong hindi napapakinggan. Marami na rin kasi akong nilagay ritong kanta at saka d-in-ownload ko ito nung buhay pa sila mama.


Huminga ako ng malalim. Mukhang maiiyak na naman ako nito. Naaalala ko na naman kasi yung nangyari sa kanila. Kasalanan ko talaga kung bakit nangyari yun. Kung sinunod ko na lang ang sinabi ni mama hindi yun mangyayari. Napahawak ako sa arm rest ng bleacher na inuupuan ko. Huminga ulit ako ng malalim.

More Than Words [Complete] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon