Chapter 2

140 10 1
                                    

A/N:

       Sorry guys kung natagalan! Ang dami ko kasing kailangang tapusin sa school, ang hectic pa ng schedule ko. Sana magustuhan niyo ang chapter na'to. By the way, North at the multimedia section. Kung di niyo makita click the external link. :)

Franciz/MusicSavvy

☆☆☆☆☆

North's POV


ISANG oras na rin kami rito nakikinig ng music sa mp3 ko pero wala pa rin ang announcement. Di narin kami nag-uusap ni South. Naubusan yata ng sasabihin. Naramdaman ko nalang na may sumandal sa kaliwang balikat ko. Tiningnan ko kung sino. Kaya naman pala di na nagsasalita si South, nakatulog na pala. Inipit ko sa tenga niya ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya. Napatitig ako sa kanya. Ang ganda niya, lalong-lalo na kung sa malapitan mo siya titingnan. Hindi ako magtataka kung maraming magkakandarapang lalaki sa kanya. Maganda siya, talented pa pagdating sa music.


Napansin kong nanginginig siya. Nilalamig yata dulot ng aircon idagdag mo pang malapit kami sa aircon. Dahan dahan kong tinanggal ang suot kong jacket para di siya magising. Nang nahubad ko na ang jacket, pinatong ko ito sa kanya. Di ko maiwasang titigan siya. Ang ganda kasi niyang tingnan. Mukha siyang anghel habang natutulog.


♪♪♪


Natapos na ang audition. Sinabihan lang kami ng emcee na makakatanggap lang kami ng tawag kung nakapasa ba kami o hindi. Pagkatapos sabihin yun ng emcee ay lumabas na agad ako. Nauna nang umalis si South tinawagan kasi siya ng dad niya.


Naglakad-lakad muna ako saglit sa loob ng campus. Mabuti na yung may alam ako kahit na kunti sa mga pasikot-sikot dito. Nakarating ako sa isang room na may set ng drums at guitar. Room siguro ito ng official band ng university. Sumilip ako sa glass window nito. Walang tao. Pinihit ko ang doorknob ng pinto. Hindi naka-lock kaya pumasok ako. Kinuha ang isang electric guitar at ini-on ang speakers kung saan ito nakasaksak. Nagsimula na akong mag-strum.


~If I told you I was perfect I've been hiding

If there is something I am doing, girl I'm trying

I know I know angel, girl

But I'm not so bad, no no no


If you see me at the party conversating

It doesn't mean telephone numbers exchanging

I know I know angel, girl

But I'm not so bad, no no no


You should know

This beautiful girls, all over the world

I could be chasin but my time would be wasted

They got nothin on you, baby

Nothin on y-~


Click!


Napahinto ako. "Sino yan?" tanong ko. Baka may nakakita sa'kin dito, trespassing pa naman ako ngayon dito.

More Than Words [Complete] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon