Chapter 6

76 6 0
                                    

South's POV

MAY paayaw-ayaw pa 'tong si North na turuan akong magbike tuturuan naman din pala ako. Pero hindi ko talaga inasahan nung sinabi niyang may condition. Eh noong mga bata pa kami di nga siya nagbigay ni isang condition para pahiramin niya ako ng psp niya. Nagulat pa nga ako nang sabihin niya na ang condition ay i-kiss ko raw siya sa cheeks. Ehhhh! Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at hinalikan ko na siya sa cheeks. Matagal ko na siyang gustong halikan kahit sa cheeks lang.

One time nga habang naglalaro kami sa gilid ng stage dahil nagpa-practice pa mga parents namin ay sinubukan ko siyang i-kiss sa cheeks. Pero hinarang niya ang psp niya sa kanya at yun ang nahalikan ko.

Okay, balik na tayo sa park. Naglalakad na kami ni North nang biglang may nag-uusap sa may gilid namin. Sabi pa nga nila ang sweet namin tingnan. Ahehe! Gusto ko yan. Pero biglang nagpantig ang mga tenga ko nang sinabi nila na sana raw sila ang kasama ngayon ni North. Hmmp! Inggit lang sila sa'kin kasi si North ang nagdadala ng bike ko at hinahawakan pa niya ang kamay ko. Nakalibre ako ng chansing kay North ngayong araw. Ahehe!

"Okay ka lang, South? May masakit ba sa'yo?" tanong niya. Kaya tumingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa'kin. Ang lapit ng mukha niya sa'kin, nakakailang tuloy.

"O-okay lang ako."

"Sigurado ka?"

"O-oo. North, doon tayo," tinuro ko yung 'di kalayuan. Nakakita kasi akong malaking space sa bandang yun. Tinuon ko nakang ang mga mata ko sa harap. "May malaking space doon. Dali na para maturuan mo na ako," pagkasabi ko noon ay tumakbo na ako papunta roon.

"Teka lang, South. Hinay-hinay lang makakaabot din tayo dun. At saka may hawak akong bike," medyo hinihingal na sabi ni North.

"Sorry, North! Na-excite lang kasi ako. Hehe!" sabi ko sabay peace sign.

"Okay lang. Asdfghjkl." Ha? Ano yung sinabi niya? Masyado kasing mahina parang binulong lang niya, hindi ko marinig.

"Anong sabi mo? Pakiulit nga, di ko kasi narinig," humarap ako sa kanya. Hindi siya makatingin sa'kin parang nahihiya siya. Namumula pa nga tenga niya eh.

"Wala. Sabi ko tara," sabi niya pero hindi pa rin makatingin sa'kin. Hinila na niya ako papunta sa may gitna ng park.

"Sakay na. Don't worry nandito naman ako para alalayan kang hindi matumba," nakatungo niyang sabi. Ang cute niyang tingnan 'pag nakaganyan. First time kong nakitang ganyan ang kinikilos ni North. Ang swerte talaga ng babaeng magmamahal ng lalaking 'to, ang sweet eh. Ang sweet niya kasi sa'kin kahit magkaibigan lang kami. Ano pa kaya sa babaeng mamahalin niya, 'di ba?

"Sabi mo yan ah. Pag ako natumba di na kita papansinin." Napatawa siya sa sinabi ko. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Wala naman ah.

Iginiya niya ako pasakay, nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Napapasarap 'ata siya sa paghawak ng kamay ko ah. Parang hindi rin ako napapasarap sa paghawak ng kamay niya. Hehe!

"Magtiwala ka lang sa'kin. Hindi kita pababayaan," sabi niya nang nakangiti. Nginitian na niya ako. Ang sarap sa pakiramdam. Lalo siyang gumagwapo pag nakangiti siya. Lord, pwede niyo na po akong kunin. Dejoke lang po, Lord. Masyado pa akong bata para mamatay. Sorry! Hehe!

"O-okay."

Hinawakan niya ako sa bewang para suportahan ako, para hindi matumba. "Dapat ang focus ng mata mo nasa unahan, hindi sa baba para hindi ka ma-out of balance. Importante yan lalong-lalo na kapag nagpa-practice ka pa lang."

"Aye aye captain," sabi ko at nag-salute pa sa kanya. Napatawa ulit siya. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Hinawakan ko na ang manubela.

"Simulan mo nang padyakan ang pedal," nakangiting sabi niya. Kaya pinadyakan ko agad. "Dahan-dahan lang muna, South. Darating tayo diyan, bilisan mo na pag medyo sanay ka na." Nakahawak pa rin siya sa bewang ko.

Dahan dahan kong pinapadyakan ang pedal habang inaalalayan niya akong magbalanse. Palibot-libot lang kami sa space rito. Pinagtitinginan na nga kami pero mukhang wala namang nakitang ibang tao itong si North. Seryoso lang siya sa pagtuturo sa'kin.

Di nagtagal medyo nasanay na ako at nakukuha ko nang mag-balance. Bigla niya akong binitawan. Laking tuwa ko dahil nakakaya ko nang mag-balance. Malapit na ako sa dulo kaya dahan dahan ko nang nililiko ang manubela. Hindi ko alam pero nawalan nalang ako bigla ng balanse. Pumikit nalang ako, expected ko na na babagsak ako sa lupa.

Naramdaman ko nalang may sumalo sa'kin at niyakap ako. "Mag-iingat ka kasi kapag lumiliko ka," sabi ng taong sumalo sa'kin. Minulat ko ang mga mata ko. Nakita ko si North na may pag-aalala ang mga mata nito. "Buti nalang nasalo kita agad. Baka nasugatan ka na kung nagkataon." Pinatayo niya muna ako. Umupo siya sa tapat ko at tiningnan niya ang binti ko. "Buti naman at wala ka ni galos man lang," relieved niyang sabi.

Hindi ako makapagsalita. Nag-aalala para sa'kin si North. Medyo OA man pakinggan kasi pati galos parang malaking bagay na para sa kanya. Pero keri lang, ang sweet kasi niya. Ahehe!

Bumalik na ako sa pag-upo sa bike at nagsimula na ulit kami. "Bibitawan na kita. Mag-ingat ka para hindi ka na ulit matumba," nakangiti niya sabi.

"Okay." Napangiti nalang ako. I didn't expect na magiging ganito ang trato ni North sa akin.

♪♪♪

North's POV

"North, gutom na ako. Kain muna tayo." Tiningnan ko siya. Nakikita ko na na naman ang walang kupas niyang pout. Nakakatuwa siyang tingnan, para siyang bata.

Nakaupo na kami ngayon sa isang bench ng park. Medyo pagod na kasi siya sa pagba-bike kaya sinabihan ko siyang magpahinga muna at maupo.

Tiningnan ko ang wrist watch ko. Quarter to twelve na pala. "Saan mo gustong kumain?" Nilagay niya ang isang kamay sa chin niya na parang nag-iisip.

"Hmmm. Sa Mcdo nalang, North." Tumayo na ako. Umupo sa upuan ng bike. Tiningnan ko si South, hindi pa kasi siya tumatayo. "South, tara na."

"Eh! Wag mong sabihin maglalakad lang ako at ikaw ang sasakay ng bike?" nagtatampong sabi niya. Ngumiti ako sa kanya. Naging puzzled ang expression ng mukha niya kaya nagsalita na ako. "Sakay ka na dito."

"Saan ako sasakay? Eh inupuan mo na yan."

"Umupo ka dito sa unahan. Huwag ka nang mag-alala akong bahala sa'yo," pag-a-assure ko sa kanya. Nagdalawang isip muna siya pero 'di kalaunan sumakay at umupo na siya sa unahan. Hinawakan ko na ang manubela. Parang nakakulong lang siya sa pagitan ko at ng manubela.

"Ayos-ayusin mo pagpapatakbo, North. Pag tayo natumba lagot ka talaga sa'kin."

"Wala ka talagang tiwala sa'kin, South?" malungkot kong tugon sa kanya.

Tumingin siya sa'kin. "Wag ka ngang ganyan, North. May tiwala naman ako sa'yo," at ngumiti siya pagkasabi niya nun.

Hindi naman kalayuan dito ang Mcdo kaya nagsimula na akong pagyakan ang bike.

"Waaaaaah! North, tigilan mo nga yan," natatakot na sabi ni South. Medyo nililiko-liko ko kasi ang manubela na parang malapit nang matumba.

"Hindi ko ma-balance ang weight natin, South. Ang bigat mo kasi," seryoso kong saad.

"Waaaaah! North, ayusin mo nga pagpapatakbo ng bike. At saka hindi naman ako mabigat, ang gaan-gaan ko nga eh," at nakita ko na naman ang famous pout niya. Haha! Ang cute niya talagang tingnan pag umaakto siya ng ganyan.

"Hindi nalang kita ililibre. May plano pa naman kitang ilibre ng fries."

"Fries lang? Wala akong kiss?" Shit! Ano ba yung nasabi ko. Inayos ko na ang pagpapatakbo. Medyo tumungo ng kaunti. Wala ng nagsalita sa'min pagtapos kong masabi yun. Ang awkward tuloy ng situation namin. Bakit ko ba kasi nasabi yun? Ito kasing bibig ko kung anu-ano nalang sinasabi simula pa kanina.

Nakarating na kami ng Mcdo. Wala parin kaming imikan. Walang nagsasalita. Pinark ko muna ang bike sa parang rack para sa mga bike sa may gilid ng Mcdo.

"Ahmmmm. North," nahihiya niyang sabi. Tumingin ako sa kanya at bigla ko nalang naramdaman ang malalambot niyang labi sa pisngi ko. Tumakbo siya kaagad papasok. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya. Ikalawang kiss na niya yun sa'kin.

mP9OiW?R1

More Than Words [Complete] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon