South's POV
"GO, South!" Lagot na may nakakakilala sa'kin. Nilingon ko ang sumigaw ng pangalan ko, si Timothy. Baliw talaga ang isang 'to kaya nga palagi kaming nagkakasundo.
Mas nagulat ako nang nakita ko si North sa tabi ni Michael at Vam. Hindi ko nalang iisipin na nanunuod sila para makapag-fucos ako at hindi ako mahihiya. Dahil kung hindi ko yan gagawin siguro akong ikakahiya ko lang ang sarili ko.
Sinenyasan na ako ng lalaki na nasa pinakaunang seat malapit ng stage na magsimula na raw ako. Kaya, huminga muna ako ng malalim bago kumanta. Inisip ko na ako lang ang nandito gaya ng sabi sa'kin nina Ate Chika. Nagpatuloy lang ako sa pag-perform na walang inaalala. Hindi ko na nga namalayan na tapos na pala ang kinakanta ko at nagpalakpakan ang mga nanunuod.
"You're in," sabi nung lalaki. Sa tingin ko siya ang moderator at adviser ng glee club.
"Waaah! Talaga po?" Tanong ko. Hindi kasi ako makapaniwala na tanggap talaga ako.
"Yes, South. Tanggap ka," nakangiti niyang sagot.
"Thank you po, sir!"
Bumaba ako ng stage para pumunta kina North. "Woooh! South, di naman inakala na magaling kang kumanta. Bakit hindi mo kami sinabihan?" salubong ni Timothy sa'kin. Sinapak ko siya. "Pwede bang tumahinik ka muna? Kanina ka pa sigaw ng sigaw ah. Atsaka paano ko sasabihin? Hindi ka naman nagtanong."
"Congrats!" sabay nina Vam at Michael. Tumayo si Michael at tumabi kay Vam. "Salamat sa support lalo na sa isang 'to, napakaingay," pagapaparinig ko kay Timothy. Umupo ako sa inuupuan ni Michael kanina, sa gitna ni North at Timothy.
"Congrats! Nakakagulat ka," sabi ni North nang nakaupo na ako.
"Hehe! Thank you, Northy! Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko naman. Akala ko kasi magpapractice sila ngayon dahil malapit na ang battle, ilang araw nalang, ngayong Sabado na kasi yun.
"Sinamahan lang namin 'tong si North. Pinipilit kasi ni Hazel na mag-audition," medyo nag-roll pa yung mata ni Timothy ng banggitin niya ang pangalan ni Ate Hazel. Hala anong meron?
"Hoy narinig ko yun," sigaw ni Ate Hazel. Lumapit siya sa'min at humarap sa'kin, "Huwag mo yan paniwalaan, South. Bitter lang kasi yan. Ang panget kasi ng boses niyan."
"Anong panget ang boses ko? Baka nakakalimutan mong member din ako ng glee club," sagot ni Timothy. Ano bang meron? Tapos magkakakilala pala sila?
"Oo nalang," walang ganang sagot ni Ate Hazel. Nga pala tinatawag ko siyang Ate dahil sa tingin ko mas matanda siya sa'kin (?) Second year na kasi siya. Humarap naman siya kay North, "Ikaw na pala ang susunod, North, pagkatapos niyang nagpe-perform."
"Ahh okay." Tumayo na siya at pumuntang backstage. Lumipat ako sa inuupuan ni North kanina para medyo hindi marinig ni Timothy ang itatanong ko kina Michael at Vam.
"Anong meron sa dalawang yun? Kanina ko pa napapansin, para silang aso't pusa mag-usap," bulong ko sa kanila.
"Nagpapapansin lang yang si Timothy kay Hazel. Tapos yang si Hazel naman nagpapakipot lang. Kaya hayaan mo nalang sila," sabay nilang bulong sa'kin. Ahh I see. Si Ate Hazel pala gusto ni Timothy. May pang-inis na ako hahaha.
"Hoy! Anong pinagbubulungan niyong tatlo diyan?" Sigaw ni Timothy. Nagkatinginan kaming tatlo, eye to eye contact, bago ako bumaling kay Timothy, "Wala naman," at napa-grin ako.
Pagkatapos ng audition ay gumawa ng meeting ang moderator ng club. Saglit lang naman mga reminders at sched ang mga agenda. And as expected tanggap si North.
BINABASA MO ANG
More Than Words [Complete] (EDITING)
Romance[Highest Rank Achieved #14] Si North ay anak ng dalawang sikat na music artist. Gusto niyang masundan ang yapak ng kanyang mga magulang kaya pumasok siya sa isa sa pinakasikat na music school sa kanilang bansa. Magagawa kaya niyang sundan ang yapak...