Chapter 13

40 4 0
                                    

North's POV

KANINA ko pa napapansin ang isang babae na naka-hood malapit ng entrance door. Black ang jacket na may hood ang suot niya, naka-black skinny pants din siya na tinernuhan ng blue high-cut shoes. Yung kamay niya nakalagay sa loob ng bulsa ng jacket. Nakatitig lang ako sa kanya. Parang siya rin yung nakita ko nung unang gabi ko palang dito. Pero iba yung jacket na suot niya dati.

Lumingon siya sa kinaruroonan ko kaya napatitig pa ako ng husto sa kanya. Pero di ko makita ang mukha niya dahil natatabunan ito ng hood niya at nasa madilim siya banda. Nilihis niya ang kanyang ulo. Siguro napansin niya na nakatingin ako sa kanya.

Stiff siyang nakatayo roon na parang nakakita ng multo. Lumapit ako sa babaeng nakahood at hinawakan ang kaliwang balikat niya, nakatalikod siya sa'kin. "Hey! Are you okay?" Naramdaman kong mas nag-stiff siya sa pagkakatayo niya.

May mali rito.

Ihaharap ko na sana siya sa'kin para makita ko ang mukha niya at para mapakalma na rin. Bago ko pa magawa iyon ay tumakbo nalang siya bigla palayo ng bar.

Tiningnan ko ang direksiyon kung saan siya tumakbo. Nandoon siya. Nakatayo sa may kanto malapit sa isang light post. Nakatingin din siya sa'kin pero di ko pa rin makita ang mukha niya dulot ng ilaw na nanggagaling sa likuran niya. Ilaw na galing sa light post. Anong ginagawa niya rito kung ayaw niyang may makakita sa kanya? Atsaka palagi niyang tinatago ang mukha niya. May problema ba kung makita ang mukha niya?

At nung hinawakan ko siya, may naramdaman akong kakaiba. Parang matagal ko na siyang kilala. Napahawak ako bigla sa kwentas na suot ko.

"North, ingatan mo itong kwentas as a symbol of our friendship," sabi nang isang batang babae habang inaabot sa'kin ang isang silver necklace may guitar na pendant.

Tiningnan ko ang hawak hawak kong kwentas. Sino yung batang babae? Bakit hindi ko maalala kung sino ang nagbigay sa'kin nitong necklace?

♪♪♪

South's POV

Nasa may entrance lang ako ng bar ni Ate Anne. Miss ko na mag-perform dito. Ilang buwan na rin ang nakalipas ng umalis ako rito.

Tinitignan ko lang ang paligid at ang mga nagpe-perform. Pero nagulat nalang ako ng lumabas mula sa backstage si North. Nagtatrabaho pala siya rito? Bakit di ko alam yun? Atsaka bakit kailangan niya pang magtrabaho? Sa pagkakaalam ko, mayaman ang family nila.

Bukod kay North ay yung mga dati pa ring mga performer ng bar ang nandito. Ako lang siguro ang nawala sa grupo. Pero hindi pa rin dapat ako makilala ng ibang tao kahit na kilala ko ang karamihan ng crew dahil baka may mga kakilala si dad dito. Mahirap na.

Nandito lang ako sa labas ng mapansin kong may isang lalaki na umiinom sa isang bench dito sa labas. Nang una ko siyang tingnan ay di ko siya makilala pero nang tumagal ay napagtanto ko na si North iyon. Napansin ko ang kimikinang na bagay sa bandang dibdib niya. Sinusuot niya pa rin iyon. Pero may tanong pa rin ang isip ko, bakit hindi niya ako maalala?

Umiwas ako ng tingin. At mas tinakip ang hood sa mukha ko. Kung suot niya pa rin ang necklace na yun, it means mahalaga pa rin ako sa kanya. Pero yun nga di niya ako nakikilala. Ang alam niya lang ay ako si South.

Bumigat ang kaliwang balikat ko.

"Hey! Are you okay?"

Na-stiff ako sa tinatayuan ko. That voice. His voice. Kahit 'di ko siya nakikita, alam ko na siya yun.

What should I do? Hindi niya ako pwedeng makita. Baka may iba pang makakita sa'kin dito at makarating pa kay dad. Tumakas pa naman ako.

Without even thinking, tumakbo ako papuntang kanto malapit sa isang light post. Tiningnan kong muli si North. Kitang-kita ang pagtataka sa mukha niya.

"Sorry if I can't reveal myself to you here, in this place," bulong ko. And with that nagmadali akong sumakay sa bike ko at pinatakbo ito pabalik ng bahay.

But don't worry, North, malalaman mo rin na ako ang nakita mo ngayon sa pagdating ng tamang panahon. Sana malaman ko rin ang dahilan kung bakit hindi mo ako maalala bilang childhood friend.

♪♪♪

Maaga akong pumuntang univ kasi nagpatawag si Sir Holland ng urgent meeting sa glee club. Sakto naman na 10am pa ang first subject ko ngayon.

Konti palang ang nasa club room ng makarating ako. Kung sabagay wala pa kasing 8am. Ito kasi ang time na nai-set para sa meeting. Hindi naman nagtagal ay nagsidatingan na ang iba pang members. Konti lang ang namumukhaan ko, yung mga nag-audition kahapon at yung namimigay lang ng flyers. Hindi ko pa nakikita si Ate Hazel pati yung tatlong baliw at si North.

Di nga ako makapaniwala na member din pala ng glee club yung tatlong baliw na nagngangalang Michael, Timoty at Vam nang sabihan ako ni Ate Hazel tungkol dun.

"Kanina ka pa?" kilaka ko ang boses na yun kaya nilingon ko siya.

"Hindi naman masyado. Buti nga dumating ka, wala kasi akong kakilala rito," nginitian ko siya. Hindi halata sa kanya na nagtatrabaho siya as performer tuwing gabi. Walang niisang pimple at eyebags na makikita mo. Kung sabagay ganun talaga kabait si Ate Anne, hindi niya pinapahirapan ang mag employee as long as ginagawa ng tama ang dapat niyang gawin.

"Ahh ganun ba," nginitian niya ako. Umupo siya sa tabi ko. Nakatitig siya sa'kin tapos bumaba ang tingin niya. Medyo nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng pagkalito. Napansin ko na sa necklace na suot ko siya nakatingin.

Isang ring ang pendant ng suot kong necklace. Ngayon niya lang siguro ito napansin dahil minsan ko lang ito sinusuot kapag may occassion at special celebration. Pero sinuot ko ito ngayon dahil gusto kong malaman kung naaalala pa ba niya ito. This is special to me kasi siya mismo ang nagbigay sa'kin nito. Binigay niya itong ring nung binigay ko sa kanya yung kwintas na suot-suot niya. Naalala ko pa nga yung sinabi niya na nakakahiya naman daw kung ako lang daw ang may ibibigay sa kanya, kaya binigay niya 'to sa'kin.


★★★★★

A/N:

       Yeah! I know. Bitin. Pero alam niyo na kung sino ang babaeng nakahood na palaging nasa bar.

       Bakit hindi makilala ni North si South bilang childhood friend? Anong nangyari? Bakit ayaw ni South na may makakita at makarating sa dad niya na naroon siya sa bar?

       Stay tuned!

Poging writer,

       Franciz/MusicSavvy

11/18/14

More Than Words [Complete] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon