North's POV
HUMIGA ako sa kama ng kwarto ko sa bar. Kanina pa ako hindi mapalagay dahil sa sinabi ni South sa'kin na ako raw ang nagbigay sa kanya ng ring pendant at siya ang nagbigay sa'kin nitong necklace. Pati yung sinabi niya na bakit daw 'di ko matandaan ang nakaraan. Sa totoo lang, wala talaga akong alam kung ano ang nangyari. Ang tanging naaalala ko lang ay yung sinabi sa'kin ni Ate na naaksidente sina mama. May kinalaman kaya yun? May hindi sinabi kaya si Ate sa'kin? Kaya wala talaga akong matandaan? Pero kung totoo man yung sinabi ni South, siya yung batang babae sa mga imahe na nagpi-play bigla sa isip ko.
Isa lang ang makakasagot nito. Si Ate. Kailangan ko siyang makausap. Kahit late na ng gabi ay tatawagan ko siya.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko at dinial ang number ni Ate. Nakalimang ring muna ito bago niya sagutin.
"Napatawag ka, North?" Halata sa boses niya na nagising siya sa tawag ko.
"I need to talk to you about important matters."
"Tungkol saan?" Inaantok pa rin siya base sa boses niya.
"About the past. Ate, ano talagang nangyari?"
"Ha? Anong sinasabi mo?"
Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay tinanong ko siya. "Bakit wala akong maalala sa childhood ko? May hindi ka ba sinasabi sa'kin, Ate?"
"North," sumeryoso ang boses niya,"gusto mo ba talagang malaman?"
"Yes."
"Siguro nga dapat mo nang malaman. May karapatan ka rin namang malaman ito." Narinig ko na huminga siya ng malalim. "Alam kong may mangilan-ngilan ka nang naalala. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit gusto mong malaman."
"Si South."
"What about South?"
"Siya ang palagi mong kalaro nung mga bata palang kayo. Best friends pa nga ang turingan niyo dati kahit nagkikita lang kayo tuwing may practice ang parents natin at Dad ni South. And one time, papauwi na tayo nun galing sa concert nina Mama, ayaw mo pang umuwi dahil gusto mo pang makipaglaro kay South. Pero hindi ka pinayagan ni Mama at binuhat ka ni papa papasok ng kotse. Nasa likuran tayo ng kotse nakaupo habang si Mama ay sa passenger seat at si Papa sa driver's seat. Nagsisigaw ka at tinatadyak-tadyakan mo ang upuan ni Papa para pahintuin ang sasakyan. Inaalo ka na namin ni Mama para huminahon pero ayaw mong makinig sa'min. Pinagpatuloy mo lang ang pagmamaktol mo. Sinubukan mo pang buksan ang pinto. Buti nalang nakalock yon at nasa may driver's seat ang control nun kaya hindi mo nabuksan. Sinisigawan mo si Papa at sinisipa ang inuupuan nito para buksan ang pinto malapit sa'yo. Doon na nagalit si Papa at napalingon sa'yo. And the unexpected happened."
Alam kong umiiyak na si Ate pero pinipigilan niya lang ito. Kahit pinipigilan niya ito ay nahahalata naman ito sa boses niya.
"A-ate, anong nangyari?" Kahit na may clue na ako kung ano ang nangyari, ayaw ko lang itong paniwalan. Hindi ko kaya.
"We got hit by a car sa isang kanto. Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari pagkatapos tayong mabangga dahil nang magising ako ay nakahiga na ako sa hospital bed kasunod ng sa'yo." Naririnig ko ang iyak ni Ate.
Alam ko na masakit ang nangyari. At ako ang sanhi sa nangyari. It's all my fault.
"I-I ask the doctor kung nasaan sina Mama at Papa. Si-sinagot niya lang ako na they didn't made it dahil sa impact ng pagkakabangga."
"Ka-kasalanan ko ang lahat. Bu-buhay pa sana sila kung hindi ako umasal ng ganun."
"North, don't blame yourself. Aksidente ang nangyari. Walang gusto na mangyari iyon."
"Pe-pero dahil pa rin sa kagagawan ko."
"Let's just accept it, North. Wala na rin tayong magagawa dahil nangyari na. And I didn't blame you."
"Ate, pwede mo ba akong samahan bukas papuntang sementeryo?"
"Sige. Kung yan ang gusto mo. Ano oras ang out mo bukas?"
"3PM po."
"Ok. Sunduin nalang kita ng 3PM."
"Sa-salamat, Ate."
"Walang anuman basta para sa'yo, Northy. Ingat ka palagi. Sige good night na. Inaantok na ako."
"Good night din, Ate."
♪♪♪
Gaya nang napag-usapan namin ni Ate ay sinundo nga niya ako sa school. Pinakilala ko sa mga kaibigan ko si Ate pati kay South. Laking tuwa pa nga ni Ate na nagkita na ulit kami.
Nagpaalam na ako pagkatapos kong ipakilala si Ate. Gusto pa ngang sumama ni South pero sinabihan ko siya na magkita nalang kami bukas. Hindi na naman siya nagpumilit. Babawi nalang ako sa kanya bukas.
Nilagay ko ang dala naming bulaklak sa puntod nina Mama at Papa. Umupo ako sa harap mismo ng puntod at timabi si Ate sa'kin.
"Ma, Pa, sorry!" Hindi ko mapigilan na mapaiyak. Buhay pa sana sila kung hindi dahil sa'kin.
"Ilabas mo lang lahat ng 'yan, North." Niyakap ako ni Ate. "Magiging ok ka rin pagkatapos."
Tahimik lang kami sa buong oras na nandoon kami. Ang paggalaw ng mga dahon ng puno lang ang maririnig mong nag-iingay dulot nang malamig na simoy ng hangin.
Tiningnan ko ulit ang puntod nina Mama at Papa. "May ipapakilala po ako sa inyo pagbalik ko dito. Pangako ko po 'yan. Alis na po muna kami ni Ate," pagpapaalam ko.
"Bye, Ma. Bye, Pa!" paalam ni Ate. "Tara na, North. Maggagabi na."
"Saan mo gustong kumain, Northy?"
"Manlilibre ka?" masiglang tanong ko.
"Hindi. Kanya kanya tayo ng bayad."
"Ate, naman. Akala ko pa naman ililibre mo ko. Hatid mo nalang ako sa bar."
"Syempre joke lang 'yon. Ikaw pa ba ang hindi ko papakainin ng libre? Ikaw kaya ang best brother ko."
"Malamang dalawa lang tayong magkapatid," pambabara ko.
Tumawa si Ate sa sinabi ko. "Loko ka talaga."
Tinake advantage ko ang panlilibre ni Ate at marami akong inorder pagdating namin sa isang restaurant. Syempre! Lulubusin ko na. Once in a blue moon lang 'to magyayaya na siya ang sasagot sa lahat ng gagastuhin.
"Ang dami naman niyan, North. Ang takaw mo talaga," natatawang comment ni Ate.
"Ganyan talaga. Minsan lang kaya 'to," nginitian ko na siya at nagsimula na akong kumain.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid ako ni Ate sa bar. Okay lang naman sa kanya na sa isang bar ako nagpapart time as long as wala akong kalokohang ginagawa.
"Mauna na ako, North," paalam ni Ate nang makababa na ako ng sasakyan niya.
"Mag-ingat ka sa pagda-drive, Ate! Ingat sa daan! Bye!"
Nang medyo nakakalayo na si Ate ay naglakad na ako papasok ng bar. Pero bago ako makapasok ng bar nakita ko na naman 'yong babaeng nakasout ng jacket na may hood. Nakatayo siya sa streetlight na nasa kanto.
BINABASA MO ANG
More Than Words [Complete] (EDITING)
Dragoste[Highest Rank Achieved #14] Si North ay anak ng dalawang sikat na music artist. Gusto niyang masundan ang yapak ng kanyang mga magulang kaya pumasok siya sa isa sa pinakasikat na music school sa kanilang bansa. Magagawa kaya niyang sundan ang yapak...