North's POV
~I am unwritten, can't read my mind
I'm undefined oh oh oh
I'm just beginning - ~"North, dalian mo na diyan baka maiwan ka pa ng bus," dinig kong sigaw ni Ate sa baba. Naputol ko tuloy ang kinakanta ko.
"Nandiyan na po, bababa na," kinuha ko na ang backpack ko at nagmadaling lumabas ng kwarto.
Pupunta ako sa capital ng bansa para magta-talent test para makapasok sa pinakamalaking music school dito sa amin. Through online nga lang ako nagpa-register, ang mahal kasi ng pamasahe papunta ng capital.
Pagkababa ko ng hagdan sinalubong agad ako ni Ate. "Kumain ka muna mahaba-haba pa naman ang byahe," pumunta siya sa kusina at sinundan ko siya.
"Ate, ba't ang dami ng niluto mo?" sayang naman kasi ang pagkain aabot na 'to ng tatlong araw.
"Hayaan mo na ngayon lang naman yan. Advance celebration na rin natin 'yan pagpumasa ka."
"Eh Ate! Hindi na man po siguradong makakapasa ako ang dami kayang nagpa-register at pahirapan ang pagpasok sa university na yun."
"Sus ikaw pa, kaya mo 'yan ang swerte mo nga at namana mo ang magandang boses ni mama," biglang lumungkot ang mukha ni Ate.
Alam ko namang nahihirapan din siya sa pagkawala ng mga magulang namin. Tama kayo ng basa patay nga sina Mama at Papa.
Namatay sila sa isang car accident habang papunta sila sa concert ni mama. Bata palang ako noong namatay sila. Simula noon si Ate na ang nag-alaga at nagpalaki sa'kin.
"Oo na, gagalingan ko na lang para matanggap ako. Nga pala ate yung guitar ko pakikuha muna."
"Sige kukunin ko na," naglakad na si Ate papuntang kwarto ko. Nagsimula na rin akong kumain.
Saktong patapos na akong kumain ng makabalik si Ate dito sa kusina. Minadali kong kumain ayoko yatang maiwan ng bus.
"Alis na 'ko Ate," kinuha ko ang guitar at iba ko pang gamit na dadalhin. Naglakad na ko palabas ng bahay.
"Mag-ingat ka North ah," dinig kong sigaw ni Ate.
Naglakad na ako papunta sa bus stop habang nilalagay ko ang headphone sa tenga ko.
May nakita akong babae sa bench ng bus stop, mukhang naghihintay rin ng bus.
~It's her hair and her eyes today
That just simply take me away~Hindi ko na lang pinansin ang babae at umupo sa tabi niya at naghintay na sa bus.
Pagkaraan ng ilang minuto dumating na ang bus. Tumayo na ako at naglakad papasok nito.
Papasok na sana ako nang magkabunguan kami nung babae na naghihintay din. Hindi ko namalayan na nagkasabay pala kami sa paglakad.
Huminto ako para paunahin siya sa pagsakay.
"Sorry!"
"Wala lang yun hindi rin kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko."
♪♪♪
Ang daming tao naman dito sa loob ng entrance ng school. Ganito ba talaga kaganda ang school na 'to magturo?
May nakita akong nakapila na sa tingin ko mga auditionees para sa scholarship. Pumila ako sa mahabang pila. Nakatayo lang ako habang hinihintay ko na makarating sa dulo kung saan may table na nakalagay. Nilagay ko ang bestfriend kong malaking headset sa tenga ko na matatakpan talaga nito iyon dahil sa laki ng earphone nito. May design itong mga musical note katulad nang G-clef. Napakaimportante nito sa'kin. Ito kasi ang pinakahuling nabigay sa'kin ni mama kaya inaalagaan ko talaga ito nang maayos.
BINABASA MO ANG
More Than Words [Complete] (EDITING)
Romance[Highest Rank Achieved #14] Si North ay anak ng dalawang sikat na music artist. Gusto niyang masundan ang yapak ng kanyang mga magulang kaya pumasok siya sa isa sa pinakasikat na music school sa kanilang bansa. Magagawa kaya niyang sundan ang yapak...