North's picture at the multimedia section. Enjoy reading!
★★★★★
North's POV
NITONG mga nakaraang araw, hindi ko muna masyadong pinapansin si South. Alam niyo na. May plano ako para sa kanya. And I find it amusing dahil napapansin ko siya na palaging nanunuod ng pratice namin kahit di niya naririnig. At pinagsasalamat ko yun sa glass window.
Alam kong nahalata na niya ang hindi ko pagpansin sa kanya. Pero hindi ko dapat ipahalata sa kanya ang totoo kung bakit ko yun ginagawa. Plano ko kasing mag-confess sa kanya pagkatapos naming i-perform ang last song namin sa battle of the bands.
Hindi ko alam kong kailan nagsimula itong nararamdaman ko sa kanya, na ang gaan-gaan at ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya. At hindi ko made-deny na nahuhulog na ako sa kanya. Kaya naisipan ko yung plano. Alam kong maraming may gusto kay South dito sa university kaya gagawin ko yun. Syempre. Ayokong maunahan at maagawan. Kung hindi ko yun gagawin at magpapakatorpe ako, walang mangyayari at siguradong pagsisisihan ko na hindi ko 'yon ginawa.
Iniwan ko muna ang tatlong ugok sa music room para mag-cr. Pabalik na ako nang may sumulpot bigla sa harap ko.
"North, alam kong magaling kang kumanta," aniya. Hinawakan niya ang isang kamay ko, "Sumali ka sa club namin, sa glee club. Please!"
"Eh... Paano ako sasali?" Napakamot ako sa batok ko.
"May audition ngayon ang glee club sa gym. Kakanta ka lang."
"Sorry. Hindi ako pwede ngayon. May practice pa kami ng banda ngayon."
"Pero hindi mo na gagawin yun dahil tanggap ka na," ngumiti siya.
"Akala ko ba kailangan pang mag-audition?"
"Well, you're an exception. Nakita ka na namin ni sir kung paano ka maperform at narinig na namin kung paano ka kagaling kumanta."
"Sir? Ikaw? Nakita at narinig na? When?" nalilitong tanong ko.
"Si Sir Holland, moderator at adviser ng glee club. And by the way, I am Hazel, glee club president. At ang sagot sa kung kailan ka namin nakita ay nung entrance talent test. Isa si sir Holland sa mga nag-judge at ako yung nakaupo sa likod mismo ni sir."
"O-kay. Pero hindi pa rin ako sigurado kung makakasali ako. Kasali kasi ako sa isang group band."
"Pwede bang makilala ang bandmates mo? Since sabi mo may practice kayo ngayon."
"Sure. Nasa music room sila ngayon, doon kami nagpa-practice." Naglakad na kami papuntang music room.
"Hoy, North, ba't ang tagal mo?"
"Sorry ah. Inivite kasi ako ni Hazel na sumali sa glee club," sabay pasok ng tuluyan.
"Hi, guys!" masiglang bati ni Hazel sa tatlo.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Haze," natatawang lumapit si Timothy kay Hazel, "Gagawa ka talaga ng paraan na sumali ng glee club ang mga magagaling kumanta," sabay akbay niya.
"Tigilan mo nga ako, Tim. Ginagawa ko 'to para sa club at sa school," tinanggal niya ang pagkakaakbay ni Timothy.
"Magkakilala kayo?" tanong ko sa dalawa na may pagtataka. "By the way, ito pala si Vam at Michael," pagpapakilala ko sa dalawa pa naming kasama sa room. Tumawa lang yung dalawa na pinagtaka ko. Wala namang nakakatawa sa pagpapakilala ko sa kanila.
"Oo," sabay nilang sagot sa tanong ko. "Sa totoo niyan, North, ganyan din ginawa niya sa'ming tatlo last year, namimilit na sumali kami sa club nila," pagapapatuloy ni Timothy.
BINABASA MO ANG
More Than Words [Complete] (EDITING)
Romance[Highest Rank Achieved #14] Si North ay anak ng dalawang sikat na music artist. Gusto niyang masundan ang yapak ng kanyang mga magulang kaya pumasok siya sa isa sa pinakasikat na music school sa kanilang bansa. Magagawa kaya niyang sundan ang yapak...