CHRISTMAS“Huh? Hindi naman ako nakangiti ah?” Nakangiti kong sabi. He rolled his eyes that made me bark up my laughter!
He's so different from what he was. I really love to witness these sides of him!
“Nakakatuwa kasi si Adil, binawi n'ya yung kape na tinimpla n'ya para kay Mika” Ngayon ay tumawa na talaga ako.
“I didn't mention that you're smiling because of that Adil. I just said you're smiling. So because of that Adil, really?” Seryoso n'yang tanong
“Ang random mo talaga” I said while reaching for his shirt, he's refusing it!
“Don't be jealous, mas gusto naman kita kaysa kay Adil” I said as I leaned in closer towards him kasi the man who can't be move talaga s'ya nung sinubukan kong hilain ang t-shirt n'ya.
“I'm not. I’m in a tier of my own, far ahead of his reach." He boastfully uttered. Wow, ang yabang naman.
“Kahit na ma reach ka pa n'ya, hindi n'ya naman ako ma re-reach” Mayabang ko ring sabi kahit na parang tanga kami ritong nagyayabangan kung sino ang hindi ma reach ni Adil.
Boyfriend ko ‘yan. Nagselos sa isang character. I laughed with my own thoughts.
“Sleep early, engineering” Sabi n'ya at agad nang tumayo para pumasok sa kwarto n'ya. Hindi ko talaga mapigilang matawa dahil sa inasta n'ya! Fucking cute Doctor.
Pinatay ko na lang ang TV since ang boring naman kung manunuod akong mag-isa.
I checked if the door was lock, then I went inside my room kasi may pasok pa ako bukas.
Kung nagtatampo man s'ya, bukas ko na lang s'ya susuyuin. Inaantok na rin kasi ako ngayon.
And that was how our day went. Kasi ngayon umaga na at naliligo na naman ako, nag pre-prepare para sa school.
Suot ko lang ang usual wear ko, short shorts at sleeveless top. Ngayon ay magluluto muna ako ng breakfast namin.
Maya-maya ay lumabas na rin si Klyde, basa ang buhok n'ya so tapos na rin s'yang maligo.
“Good morning” He greeted.
“Morning” I answered. Busy s'yang nagtitipa sa cellphone n'ya, ayaw ko namang maging chismoso. Umupo s'ya sa harap ko habang ako ay dahan dahan nang kumakain, s'ya ay nagtitipa pa rin na ngayon ay nakakunot na ang noo. Baka sa trabaho n'ya?
Tapos na akong kumain at s'yay hindi man lang kumuha ng pagkain? Kanina pa s'ya cellphone nang cellphone, pero naiintidihan ko naman baka may problema sa trabaho n'ya.
“Uhm, mag co-commute na lang ako, early kasi ang pasok namin today since back to regular classes na” Paalam ko sa kanya.
“Okay” He replied. Mukhang busy nga talaga.
Papasok na ako sa kwarto para kuhanin sana ang gamit ko nang bigla s'yang nagsalita.
“Sorry baby, what is it again?” Tanong n'ya habang kinakamot ang mahaba at plakado n'yang ilong. Did I heard it right? Baby ba ‘yon or Rory?
“Mag co-commute na lang ako kasi maaga kami ngayon, baka busy ka rin kaya walang problema kung hindi mo ako ihahatid.” Sabi ko at pumunta na sa kwarto ko para kunin ang gamit ko, busy talaga siguro s'ya kasi hindi man lang s'ya sumagot.
“I'll send you to school, come on” Sabi n'ya pagkalabas ko sa kwarto ko. Eh nahihiya naman ako kasi baka may ginagawa pa s'ya?
“Sunduin mo na lang ako mamaya” Sabi ko para sana hindi n'ya maisip na magtatampo ako kasi hindi naman talaga, ayaw ko lang maka distorbo sa ginagawa n'ya.

YOU ARE READING
Rays Of Light
Short StorySydney Rory Alvarez is the renowned grandson of two wealthy and famous doctors who own one of the top hospitals in the Philippines. Both of his grandparents and his parents are doctors. Despite his prestigious lineage, Sydney has chosen to live a re...