CHAPTER 24

187 9 0
                                    

FRIENDSHIP

Tahimik lang sa s'ya sa buong byahe na animo'y may malaking problemang hinaharap.

Hindi na rin ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa Summit Towers.

Siguro ay pagod nga talaga s'ya kasi matapos n'ya akong alalayan pababa, dumeretso na agad ang lakad n'ya papasok ng Unit.

Nagkuha lang ako ng towel at naligo na muna sa common bathroom. I just wrapped my towel in my lower abdomen and went out of the bathroom.

Paglabas ko, naka hilig na s'ya sa counter table at naka hawak ang mga kamay n'ya sa kaniyang mga braso.

“Hindi ka pa matutulog?” Tanong ko, papalapit sa kanya.

He slowly walked near at me and rested his hands on my shoulders.

I looked at his hands that are now slowly massaging me.

“Matutulog na.” He replied, and kissed my forehead.

Ginulo n'ya ang buhok ko at huminga s'ya nang malalim.

“Good night, baby.” He said, heading to his room.

Pumasok na rin agad ako sa kwarto ko at nagbihis.

I really felt bad for Klyde, ano kaya ang hinaharap na problema ng pamilya n'ya.

Wait…

Sabi n'ya dahil sa family conflict yung pasa sa mukha n'ya? Could it be….

Parang hindi naman magagawa ng Daddy ni Klyde iyon! Ang bait ng Daddy n'ya! Or baka mga kadugo n'ya ang gumawa noon? Pinsan kaya?

Hays.

Matutulog na lang ako kasi mag-uumaga na rin, it's already 11:41 in the evening.

Nagising ako sa bigat na nakadagan sa katawan ko.There, I found Klyde's body na nakapatong na sa katawan ko!

He wrapped me with his body that's why I felt like I'm carrying some things that weight a kilos!

Humarap ako sa kanya kaya nagising s'ya dahil sa galaw ko.

“Bakit ka nandito?” I asked.

Ngumiti lang s'ya at hinigpitan ang pagkayakap sa'kin. “Let's practice sleeping together, my future hubby.” He said and smell my hair!

“Baliw ka. Ayaw ko nang niyayakap!” I said, smiling.

“Really huh?” Sabi n'ya at kinikiliti ako!

‘Klyde! Hindi na ako makakabalik sa pagtulog n'yan!” I said, as if angry.

“I know some ways so you go back to sleep ASAP, you wanna know how?” He chuckled after uttering those words.

Tarantado…

“Banned ka na sa kwarto ko, Adamnelle! Alis!”

“I won't, my Adamnelle…” Rebat n'ya.

Ang cringe ampota, but I like it—no, I love it.

“Tama na ang advertisement mo bro, matutulog na ako.” Sabi ko at agad nang tumalikod sa kanya nang nakangiti.

“My kisses, baby?” He said using a baby voice! Ang oa!

Pasalamat ka at mahal kita!

I faced him again and kissed him swiftly! He then breathed with a smile that met his ears.

Hindi ko na namalayang napasarap na pala ang tulog ko sa mga yakap ni Klyde. Pakiramdam ko pinaligiran ako ng napakaraming unan.

He woke me up with morning kisses na pakeramdam ko'y kanina n'ya pa ito ginagawa, hindi lang ako nagising, ngayon pa lang.

Rays Of LightWhere stories live. Discover now