CHAPTER 36

243 14 10
                                    

GIRLFRIEND

I can't believe it, we're breathing the same air! Ang nakakainis lang hindi n'ya man lang ako maalala! Kasi kung naalala n'ya ako, edi sana man lang kahit gulat ay makikita mo sa mga mata n'ya, kaso wala!

“Ito naman po ang second floor, Doc.” Mahinhin, puno ng respetong sabi ng head doctor kaya napaayos agad ako ng upo sa monoblock chair na nasa nurse station.

Kasama n'ya si Klyde, mukhang nag to-tour ata sila sa hospital, obvious naman.

Ang kanyang masungit na mukha ay hindi man lang nagbago, bukod sa gumwapo lang s'ya lalo at lumaki ang katawan n'ya ng konti, iyon lang at suplado pa rin ang aura n'ya, intimidating kumbaga!

“Ito po ang on duty namin na nurses, Doc.” Itinuro kami ni Doc Aliwan kaya si Gi ay namamadaling tumayo at inalok ang kamay n'ya kay Klyde upang pormal na magpapakilala.

“Gianne Pauline S. Suazo po, Doc,” Gi offered her hand for a handshake, but Klyde didn't forget to bring his attitude kaya imbes na tanggapin ang kamay ni Gi, strikto n'ya lang itong tinignan!

“Nathan Klyde Adamnelle,” he replied with his cold and emotionless voice, still didn't take Gi's hand.

His eyes, which were locked on Gi, slowly shifted to me. There was something in his gaze, intense, piercing, and unreadable. My breath hitched as the weight of his stare fixed on me! making my heart race in ways I couldn't explain! Bakit ako kinakabahan?

“Sydney…uhmm, Sydney Rory Alvarez, Doc.” I introduced myself, bwesit ka! Pasalamat ka at nabagok ‘yang ulo mo, kung hindi baka kanina pa kita sinuntok, pampa-welcome lang!

I didn't offer my hand, si Gianne nga hindi n'ya tinanggap, ang kamay ko pa kaya?

“Klyde.” He firmly said, offering his hand!

Para hindi halatang may nakaraan kami, tinanggap ko na lang ang kamay n'ya at binitawan agad ito!

He smirked. That devilish smirk! Just like how he smirked on me when we first met!

Agad naman silang umalis kasabay si Doc Aliwan.

“Jusko po! Kung wala pa lang lagi toy uyab…hays…” nanghihinayang sabi ni Gi noong tuluyan na silang nawala sa paningin namin.

(Jusko po! Kung wala lang talagang jowa ‘yon…hays…)

Pinilit kong balewalain ang pangyayari kahit na hindi ito maalis sa isipan ko, pinilit ko pa ring mag trabaho ng normal hanggang sa break time na namin, sabay pa rin kami ni Gi.

May cafeteria ang hospital kaya doon na kami kumain, lagi naman ay nagbabaon kami, ngayon lang ay hindi kasi nagmamadali na kami.

I just ordered caeser salad, the same as Gi's order, we're on diet that's why. I also ordered fresh calamansi juice, tubig naman kay Gi.

Yung mga medic team na mag me-medical mission ay nandito rin sa cafeteria at, at si Klyde!

Kasama n'ya ang isang mid thirties na babae, maganda ang katawan, mahaba ang buhok dahil nakatalikod ito sa amin, hindi ito nurse kasi pareho sila ni Klyde na naka coat, edi doctor din!

They seemed like they were exchanging some jokes coz Klyde shook his head, laughing a bit, while the woman, on the other hand, laughed obviously.

Sakto naman at aksidenteng napatingin sa'min ang babae kaya naputol ang tawa neto. Hindi naman sa pag-a-assume ano, pero para kasi silang naglalandian? Siguro ay nahiya ang babae kaya ito tumigil sa kakatawa.

O baka naman close friend lang, Sid. Tigilan mo na yang pagiging toxic mo!

Kung sinuswerte nga naman oh, ang vacant table lang ay sa table na katabi nila! Bitbit na namin ang pagkain namin alangan namang tatayo lang kami? Ayos lang ‘yan Sid, isa pa hindi ka naman natatandaan n'yan.

Rays Of LightWhere stories live. Discover now