CHAPTER 35

203 9 1
                                    

AMNESIA

“Hay, ka samok mga bataa, sayo pa sa buntag” kakagising lang ng Lola nila Gi at kakalabas lang din nito sa kwarto, naabutan n'ya kaming nagtatawanan sa dining table kaya nakanunot agad ang noo n'ya.

(Hay, ang ingay ng mga batang ‘to, ang aga-aga pa)

“Kape La?” Zai offered, still laughing.

Kasi naman itong si Ava hindi maubusan ng nakakatawang experience.

Simula noong dito na ako nakatira, halos linggo linggo na rin kami ng v-vc kasama ang mga pinsan n'ya kahit nag v-vc naman din kami privately, lalo na noong second year ako, hingi nang hingi ng update kung ayos lang ba raw ako kasama ang pamilya n'ya.

“Tapos ang nakakatawa pa ay akala n'ya walang tao, lumabas sa banyo na nakahubad ang pang itaas na damit!” Pagpatuloy ni Ava sa kinikwento n'ya.

Yung pasyente n'ya raw kasi ay nakita n'yang half naked kaya natatawa s'ya, eh wala namang nakakatuwa doon?

“Sus, paatik kataw-katawa, pero ang tinuod giganahan pud diay kay daddyble ang laki?” Sabi ni Gi na ikinahagalpak ng tawa ni Ava.

(Sus, kunyari natatawa, pero ang totoo sarap na sarap yang mga mata mo dahil nakakita ka na naman ng papable?)

“Hindi nga! Ang nakakatawa kasi ay napakasungit at ang angas angas pa  ng pasyente ko, tapos yung nakita ko s'yang half naked, basta! Yung reaction n'ya nakakatawa!” Ava continued yapping, kami naman ay nakikinig habang nagtitimpla ng kape.

Pareho pa rin ang duty namin ni Gi kaya sabay parin kaming papasok ngayon.

“Umiyak ka ba? Ba't parang namamaga mata mo?” Biglang tanong ni Ava noong na harap ang camera sa akin.

“Puyat, madaling araw lagi ang uwi namin.” I answered, but the truth is, kahit naman inuumaga ang uwi namin ay hindi naman namamaga ang mga mata ko.

Ava just made a face, not convinced, but she didn't utter any words.

Si Ava lang ang may alam sa pamilya ko, s'ya lang din ang may alam na si Klyde yung lalaking gumamit sa akin, ang pamilya naman ni Ava ay hindi na ako tinanong sa nakaraan ko, ni minsan talaga ay hindi nila ako inusisa!

Well, sasabihin ko naman sa kanila talaga, pero hindi rin naman kasi sila nagtanong, kaya hindi na siguro iyon importante pang malaman, kasi para saan naman?

“Check mo GC megs, may memo” sabi ni Gi, wala ang cellphone ko kaya lumapit lang ako sa kanya para makitingin na lang din.

“Tingin,” I said, leaning in closer to her.

We have to be there by seven sharp in the morning to welcome the medical team that will conduct a medical mission here in Mati, the team came from, from..

Manila! Manila? Not just from Manila! They're from Ada hospital!

Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba at para bang hindi ako mapakali!

I immediately scrolled the message down and scanned the names of the medical team that will be there.

Ada hospital? Kasama kaya s'ya? Bakit naman dito sila mag me-medical mission? Wala na bang ibang lugar?

There are 3 Doctors, 10 nurses, 2 medtech, 2 midwives, and 14 volunteers.

But guess what? The surname Adamnelle wasn’t even there! Not a single Nathan Klyde Adamnelle to be found. Wala s'ya!

Mabuti naman, baka masuntok ko lang s'ya kung magpapakita pa s'ya sa'kin ulit

“Hindi na ako maliligo, ang ginaw” sabi ni Gi at agad nang nagpaalam pumasok sa kwarto n'ya para magbihis, sakto at mag a-alas syete na rin, hindi na lang din ako maliligo.

Rays Of LightWhere stories live. Discover now