DECEMBER
Napako ang katawan ko sa sofa, hindi ko alam kung tatayo ba ako o hindi dahil sigurado akong makikita nila ako kung babangon ako ngayon. Magpapanggap na lang ba akong tulog dito hanggag makaalis sila?
"May binahay kana pala brad, kaya pala ayaw nang sumama tuwing may hang-out. Ganyan ka pala ah" Ginigisa na si Klyde ngayon ng dalawang lalaki na hula koy mga kaibigan n'ya kasi iba ang trato nila kay Klyde kung mag biro, parang mga kaibigan ko lang.
"Shut up. He's sleeping, pag 'yan nagising," Natatawa namang sabi ni Klyde. I really can sense his air right now, he's really different from the Klyde I knew. I mean look at him, just look at him blending with his friends, parang ibang tao.
Or is he really like that? Kasi nung sa cashier ng grocery store, mabait din naman s'ya. Pero sa'kin at sa mga pinsan n'ya, hindi!
"Nice taste, Nat. Big catch, the question is," Hindi tinapos nung lalaki ang sasabihin n'ya sana kasi sinapak na s'ya nung isa pa na tumatawa rin.
"Sino nga yung nagselos sa kaibigan n'yang bumili sa kanya ng prutas?" Ngayon ay parang kinikiliti na sila sa lakas nilang humagikhik.
"Check the label muna, dokie. Ay wala palang label, don tayo nalungkot" Hirit na naman ulit nung isa n'yang kaibigan.
"Anong tayo? Si Nat lang" Dagdag nung isa na agad naman nilang ikinatawa. Hindi ko alam kung saan napulot yan mga pinagsasabi nila, pero parang brino-brought up lang nila ang ang topic at agad pinagtatawan. Si klyde lagi nilang nabubunot.
Hindi ako halos makapaniwala na ganyan pala ang mga kaibigan n'ya. I mean ganyan din naman ang mga kaibigan ko, pero kasi akala mo talaga dahil seryoso s'yang tao, prim at proper din mga kaibigan n'ya. Pero wala namang masama doon.
Dahan dahan na akong bumangon at lilipat na sana sa kwarto ng bigla akong binati ng kaibigan n'ya na paglingon ay si Doc. Fuentes! S'ya yung na hospital ako, s'ya rin yung naka suot ng scrub nung intern pa ako! At s'ya rin itong bumati sa'kin ngayon.
"Hi, Sid" Bati n'ya na agad namang sinapawan ng isa pa nilang kasama "Nakiki Sid, close kayo?" Bara n'ya kay Doc Fuentes.
"Hindi naman kasi pwedeng 'Rory' may magagalit" Nagtawanan na naman sila ngunit natutup ang mga bibig nila nung pag lingon nila kay Klyde, para na itong walang buhay na nakataas ang kilay!
"Hello. Uh...Pasok lang ako sa kwarto." Nahihiya kong bati, pero sa aksyon kasi nila, parang may alam na sila. Hindi man lang sila nagulat na may kasama si Klyde sa unit n'ya!
Tumango tango lang yung isa pa nilang kasama, pero hindi na sila nagsalita dahil si Klyde parang handa na silang operahan!
Agaran na rin akong pumasok, hinayaan ko na sila doon sa kusina.
Nagugutom na ako dahil tanghali na pero nagdadalawang isip akong lumabas baka andon pa ang mga kaibigan ni Klyde. Hindi naman sa nahihiya ako, ayaw ko lang na makita nila ako.
Bahala na. Wala naman akong ginawang masama para matakot ako sa kanila. Nagugutom na talaga ako at wala na akong pakealaman kung makita man nila ako, tutal si Klyde nga parang hindi n'ya naman tinatago na may kasama s'ya sa unit n'ya.
Lumabas ako sa kwarto ko, ngayon ay nasa living area na sila. May trinabaho pala sila rito kasi may mga papel sa table na nakalapag, yung isang kasama nila na hindi ko pa kilala, may tinitignan s'yang parang results ng x-ray.
"Sorry. I'll just get some wa-water" Naiilang kong sabi kasi nung bumukas ang pintuan ko, sa'kin agad ang mga mata nila nakatingin!
"Are you hungry?" Si Klyde na ngayon ay tinignan ang relo n'ya at ipinatong muna sa lamesa ang mga papel na hawak n'ya.

YOU ARE READING
Rays Of Light
Cerita PendekSydney Rory Alvarez is the renowned grandson of two wealthy and famous doctors who own one of the top hospitals in the Philippines. Both of his grandparents and his parents are doctors. Despite his prestigious lineage, Sydney has chosen to live a re...