CHAPTER 20

288 12 5
                                    

PLANS

It's already eight in the morning, tulog pa rin s'ya. Sabado ngayon at wala kaming pasok, sa weekdays naman attendance na lang ang papasokan namin, tapos year end break na.

I wanted to wake him up, but knowing that he didn't go out of his room stopped me from what I'm planning. Hindi nga lumabas, ibig sabihin ayaw lumabas.

Pumasok ulit ako sa kwarto ko at tinawagan ang mga friends ko.

“Cancel ang Japan” Sabi agad ni Ares.

“Aalis na pala si Nia ngayong January” Seryosong sabi n'ya. Approval na lang kasi ang inaantay ni Nia sa resignation letter n'ya, meaning to say na approved na s'ya.

“Tapos si Matt din, tapos na ang six months experience n'ya ngayong katapusan eh”

“Huh? Diba sabi mo dati magpapa Canada ka?” Kuryoso kong tanong kasi iyon yung plano n'ya eh.

“Oo, ngayong February. Sina Matt at Nia ngayong January.” Nag-iiba na ang tono ni Ares ngayon kaya alam kong hindi s'ya nagbibiro.

Maya-maya pa ay nag join na si Nia sa video call namin.

“Badtrip, cancel ang Japan. Pero para sainyo lang kasi tuloy ako” Nakangisi n'ya pang sabi.

Sa totoo lang, medjo affected talaga ako kung aalis silang tatlo, sabay sabay pa talaga. Si Poorsha nga noong umalis, parang niyanig ang aming mundo, ano pa kaya ngayon na tatlo silang mawawala ng sabay.

“Oh wag nang malungkot, papadala ako ng maraming chocolates at laruan. Ano ba gusto n'yo? Maliliit na sasakyan?” Nagawa n'ya pa talagang magbiro!

Nag join na rin si Matt sa call at kasunod n'ya naman ay si Jayson.

“Hello, good morning. How may I help you today? Praktis lang kasi simula ngayong January, english speaking na ako” Sabi ni Matt habang inaayos ang buhok n'ya.

“Guys busy na ako sa susunod na mga araw, catch-up tayo bukas?” Sabi ni Matt

“E to-tour ko na lang kayo sa Japan sa July, ano G kayo? Pero tourist guide lang ako ha, kayo bahala sa gasto.” Sabi pa ni Nia.

Our conversation went through. Medyo seryoso nga lang kami ngayon kasi nga masakit din para sa amin ang maiwan ng kaibigan, kapatid na kasi ang turing namin sa isn't isa talaga.

Si Matt ay nurse, sa US s'ya mag tra-trabaho, marami s'yang contact outside the country na pwedeng mag backer sa kanya kasi marami siyang relatives na sa ibang bansa na tumira.

Nia is a teacher. Maganda maging guro sa Japan kasi hindi ka na nga mamamatay sa mga estudyante mong pasaway, malaki pa sweldo mo at higit sa lahat, hindi mainit.

While Ares is a businessman, pareho sila ni Poorsha ng degree. May pinsan si Ares sa Canada na doon na nakatira at sinabing pag matapos si Ares ng pag-aaral ay pwede nang doon na magtrabaho kasi iba raw talaga ang pamumuhay doon.

We decided to celebrate our Christmas earlier than usual kasi they will be busy na raw for the following days.

Si Nia kinukulit ako kung sino yung nakita n'ya nung nag vc kami. Sinabi ko namang jowa ko, pero hindi pa rin sila kumbinsido.

Bukas ang aming year-end-celebration, sabi ko sa bahay na lang namin tutal ay wala na mang nakatira doon. Pero si Nia, gusto n'ya rito sa unit ko at alam ko ang rason kung bakit.

I checked the time and it's already ten in morning, si Klyde ay hindi pa rin lumalabas.

Sakto at biglang tumawag ang Mommy kaya sinagot ko na lang muna ito.

Rays Of LightWhere stories live. Discover now