*Kinabukasan sa School
✒️ Antok na antok pa din si Col katulad kahapon dahil wala pa rin namang pinagbago sa pagtulog ni Bella. Ang ending gising na naman sila ng madaling araw pero mabuti nalang at maaga din nagising si Manang Melds kaya sinabihan sya ni Jho na matulog muna at sila nalang ni Manang ang magaasikaso kay Bella dahil alam ni Jho na maaga pa nag pasok ng asawa.
Maaga ang practice ng Volleyball nang Papi Trio. Mabuti nalang at hindi nalate si Col kahit na ito ay napuyat. Kahit naman kasi sinabihan sya ni Jho na matulog ay hindi pa rin nya mapigilang gumising para icheck si Bella. Gising pa rin kasi sa madaling araw si Bella at tulog sa umaga. 😅
Ayaw naman ni Jho na magabsent si Col dahil maraming mamimiss si Col once magabsent ito. Sinasabi nalang ni Jho na pag nakarating na si Ate Ruby na kamaganak ni Manang Melds ay magiging madali na sa kanila esp. kay Col ang makatulog ng maayos dahil may makakatulong na sila sa pagbabantay kay Baby Bella.
---------
*Sa Gym
✒️ Nagkita kita naman ang tatlo sa Gym kasama ang mga team mates nila. Sinabihan na sila ni Coach na baka hindi matuloy ang practice nila today kaya iaassist nalang muna ng mga seniors ang mga baguhan.
🐺: kung alam ko lang na wala palang practice sana tinuloy ko nalang tulog ko. *antok na antok pa din ito*
🐨: namuyat na naman ba si Bella? 😂
🐺: oo pre. kahit naman kasi bumaba sina Jho sa Salas nila para dun patulugin si Bella ay di pa rin makapagpigil si Col na di puntahan si Bella.
🦊: awww. ang bait namang daddy mama na yan. 🥰😁
🐺: syempre ganun talaga. magegets nyo ko pag nagkababy na din kayo. 😁
✒️ Kahit naman wala pa talagang real game ang VB team ay marami pa ring mga tao na dumating nang magsimula nang magturo ang mga seniors (isa ang Papi Trio sa mga seniors kaya madaming nanonood). Namiss ng mga fans at ng ibang mga estudyante manood sa gym kaya cguro kahit wala namang game ay marami pa ring nanonood.
YOU ARE READING
Love & Hate with you
RomanceCan the two different people be together in one roof and agree to a marriage?