✒️ Nasa bar si Col ngayon kasama ang mga kaibigan na masasabi mong mga B.I. Sila ang naging rason kung bakit nagiba na ang ugali ni Col. Nakilala nya ang mga ito noong nagsshoot sila ng mga endorsements nila. 3 babae at 5 lalaki. Sila sila lagi ang mga magkakasama na sinasabi ni Jho na mga bagong kaibigan ni Col na hindi nya gusto. Sila din ang naging dahilan kung bakit sila nagkaroon ng malaking problema.
🐺: teka, wag mo naman pagsalitaan ng masaya yung mga yun. kaibigan ko pa rin sila.
Bad Friend 1: Wala naman akong pakialam sa kaibigan mo. Kung gusto kong sabihin na gago sila e sasabihin ko. Kasi gago talaga sila. hahahaha. *tumatawa ito nang nakakaloko*
🐺: e ikaw pala ang gago e. Alam mong kaibigan ko ung mga yun pero kung makapagsalita ka parang hindi mo ako kasama.
Bad Friend 2: e bakit ba pinagtatanggol mo pa yung mga yun ha? e diba sila ang pumipigil at sumisira sa mga plano natin?
🐺: na ano? na gumimik? na magpakalulong sa alak? na mambabae?
Bad Friend 1: oo. nakuha mo. kaya gag- *hindi na natapos ang sasabihin dahil sinapak na agad sya ni Col*
🐺: Ikaw ang gago alam mo ba yun? tama sila. Wala naman kayong kwenta talaga. Hindi ko alam kung bakit pa ako sumasama sa inyo. kayo naman talaga ang sumisira sa akin, sa mga totoong kaibigan ko at sa pamilya ko.
Bad Friend 1: aba, ang kapal ng mukha mong sapakin ako ah. *Kaya sinuntok din nito si Col sa mukha at agad namang nagdugo ang ilong nito at nagkasugat sa may labi. akmang sasapakin ulit si Col pero may mga dumating na na bouncer kaya napigilan ito*
🐺: ayoko nang makita mga pagmumukha nyo. Dahil nakakasuka kayo sa mga pinaggagawa nyong mga hayop kayo. *galit na galit na sabi nito.*
---------
✒️ Wala namang nagawa ang mga ito kundi umalis na lamang dahil hinarangan na din sila ng mga bouncer.
May mga nakakita kay Col na taga BU na isang member ng SC club na nasa Bar din kaya naman minessage nito si Aiah na President nila.
Agad naman na binalita ito ni Aiah sa tropa nila at pinuntahan nina Miks at Gwen si Col na nakaupo pa din sa may bar na nagsimula sa paginom ng alak.
----------
*Makalipas ang ilang oras
🐨: bayaw. Anong nangyare sa mukha mo?
🦊: bro. Napaaway ka ba? *nanghingi sa Bar tender ng tissue at ng ice para punasan ang mga dugo sa mukha nito*
🐺: *agad namang tumulo ang luha ni Col nang makita ang dalawa* Sorry bro. Ang laki laki ng kasalan ko sa inyo. sana mapatawad nyo ko. Mas kinampihan ko pa yung mga gagong yun kesa sa inyo. Sobrang pagsisisi ko sa mga nagawa kong desisyon. Pati kayong mga tunay kong kaibigan binalewala ko at pati pamilya ko nasira dahil sa kanila. Si Jho at si Bella nawala sakin dahil sa mga hayop na yun.
🐨: bayaw, kahit naman nagkaroon tayo nang mga hindi pagkakainitindihan hindi naman kami nawala e. Mahal ka namin bro. Pero Sana maayos mo pa yung sa pamilya mo. Yung sa inyo ni Jho kasama si Bella. Yun ang kaylangan mo ayusin ngayon habang hindi pa huli ang lahat.
🐺: hindi ko alam kung saan ako magsisimula. 😭Si Jho, alam ko punong puno nang galit at sakit ang puso nya ngayon. hindi ko alam kung mapapatawad pa ba nya ako. 😭
🦊: Nandito lang kami lagi bro. Hindi namin hahayaan na masira yung pamilya na binuo nyo. Pareho namin kayong kaibigan.
🐺: tulungan nyo ko. Gusto ko maayos tong lahat. Gusto ko na maayos ang gusot na ginawa ko. Gusto ko nang bumalik sa pamilya ko. *patuloy sa pagiyak*
YOU ARE READING
Love & Hate with you
Roman d'amourArranged Marriage made by their parents. Can these two different people be together in one roof and agree to a marriage?
