*GCM Office
🦊: bro biglaan ata ang meeting? may problema ba?
🐺: sa work wala. pero sakin meron. 😓
🐨: omg. nakabuntis ka ba ng iba babae?
🐺: piskit ka. 🤦 Baliw. hindi.
🐨: e ano bayaw? bigla bigla kasi tawag mo. susubo palang ako ng kanin kanina. bigla ka naman nagpatawag ng meeting jan.
🐺: Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko. Ok naman kami ni Jho pero yung level ng Pagseselos ko parang hindi normal.
🐨: bayaw, what do you mean? may lalaki bang umaaligid kay Jho?
🐺: hmm, wala naman. Pero Ewan ko ba, pag nakikita kong kasama ni Jho ung ibang mga friends nya, tapos alam kong masaya sya with them, nagseselos ako. Ung level ng selos ko, tipong matangkad pa sakin. Normal lang ba yun?
🦊: teka, sino bang friends tinutukoy mo?
🐨: di naman to COF natin? wala ka namang pinagseselosan satin diba? haha. joke. ang seryoso mo kasi masyado bayaw. di ako sanay. ✌️😂
🐺: kahit ngayon lang magseryoso ka Gwen. Pls lang kung ayaw mong masipa kita jan.
🐨: ok. ok. chill. eto na. serious face na. 😅
🐺: Yung mga friends nya sa Tiyatro. Yung mga kasama nya dati nung College tayo sa Musical. Nakita nyo naman cguro sa post nya.
🐨: oo. yung mix ng girls and guys?
🐺: yah. Cguro kasi nasasaktan ako kasi alam ko na may nagpapasaya sa kanya and worst hindi ako yun dahil Busy ako sa work.
🦊: e mukhang harmless naman yung mga friends nya and besides alam naman nila na may asawa na si Jho and anak diba?
🐺: oo.... *mahabang pause* Cguro nasanay lang ako sa circle of friends natin na kilala ko kayong lahat. kaya cguro pag ibang COF kasama nya ganito nararamdaman ko.
🐨: Bayaw, wala ka bang tiwala kay Jho?
🐺: syempre meron. ewan ko ba, cguro kasi di naman nagkaroon ng time na pinakilala nya ako in person sa mga kaibigan nyang yun. Kaya cguro ganito nararamdaman ko. Esp. may mga lalaki din sa COF nya. At yun pa, iniisip ko din na nandun ung mokong na yun. Si Adi. 😞😒
🐨: or cguro naiisip mo lang yan kasi ganun gawain mo dati. haha. Joke. ✌️🤪 o, bayaw, pinapatawa lang kita ha. 😁 peace peace. ✌️
🐺: Peace peace ka jan. Piskit ka. 😡
🦊: i guess, you just need to talk to your wife about that.
🐨: kaya nga. kasi pag di nyo pa yan pinagusapan lalala pa yan. baka mamaya mas lalo pa kayong magclash.
🐺: feeling ko kasi gusto ulit ni Jho mag Tiyatro.
🦊: o, whats wrong with that?
🐺: *hindi na sinagot ang tanong ni Miks* haiisst, maginom kaya tayo tonight. Gusto ko na muna magisip.
YOU ARE READING
Love & Hate with you
RomanceArranged Marriage made by their parents. Can these two different people be together in one roof and agree to a marriage?
