The Date!

30 1 0
                                    

Cahpter 7

Nakarating na kami sa isang amusement park. Napakaraming tao at napaka ingay! Na eexcite tuloy ako na sumakay na sa iba't ibang rides.Napatalon na ako sa excitement ,hindi ko napansin na may kasama pala ako.

"Ehem. You look excited. It's just an ordinary old amusement park. Nothing much to be excited for."

Napansin ko nga na hindi ito kalakihan at medyo luma na, pero napakaganda pa rin talaga.

"I could take you to the Enchanted Kindom or Star City but this was the nearest. And it looks like it's about to get dark. Kaya---" sabi niya sabay abot sa akin ng ticket.

"Ano ka ba! Basta Amusement Park, okay na sa akin."

"You're just like a kid."

"I know." I winked at him and grab his arms.

Sumakay ako sa mga rides. Mag-isa.

Uulitin ko sa inyo, MAG-ISA. M.A.G I.SA !!!

tss. Kaasar. Ayaw niya kasi, kesa pambata lang daw yun o kaya naman ayaw niya. Ang sabihin dapat niya KJ lang talaga siya. Basta ako enjoy lang ako.Pag tinatanong ko siya kung bakit ayaw niya sabi niya papanuorin na lang daw niya ako. Eh para naman akong baliw mag-isa na sumasakay sa ride samantalang karamihan magkakaibigan o kaya naman mga couples. Ano ako? Loner?!

"Are you hungry? Let's grab a snack." alok niya pagkatapos ko sumakay sa roller coaster. Napagod ata siya kakaantay. Ang haba din kasi ng pila eh. Yung roller coaster ata yung main attraction dito sa amusement park na 'to eh. Kung sumama sana siya, edi sana hindi nakakapagod ang pag-antay niya?

"Wait mamaya na! Sumakay ka muna ng isa lang na ride bago kumain. Kasi pagkatapos natin kumain, sure ako tatamarin ka na tapos uuwi na tayo... Ayun oh! Duon! Dun tayo sumakay." tinuro ko ang ride na di kalayuan sa amin. Para siyang Tea Cups tapos iikot lang siya ng mabilis. Mukhang marami din ang nakapila.

"If I ride that cup thing, uuwi na tayo?" taning niya. Um-oo na ako kasi mukhang maggagabi na.

Natapos na ang pila at umupo na kami sa isang bakante na cup. Sinuot namin ang seatbelt at nagsimula nang umandar ang ride. Napatawa ako habang tinitingnan si Clyde kasi hindi bagay sa kanya na umupo duon. Hahahah!
Yung ride kasi masyadong maliit sa kanya at masyadong girly. Pang kid size lang ata kasi 'to.

Tumigil na ang ride at mukhang kating kati na talaga si Clyde na umalis sa kinakaupuan niya. Nakangiti naman siya kahit papaano, kung ikokompara mo sa usual face niya, yan na ang ngiti ni Clyde. Napansin ko na puro couple ang mga sumakay sa tea cups.

"Masaya ba?"

"No."

"Pero ba't ka nakangiti?"

"Nakakatuwa ka kasing tingnan." he chuckled. Pumunta na siya sa isang food stall at umorder.

"Why don't we go here again, Valiere?" Nung narinig ko yun, parang music to my ears. Ibigsabihin may next time ulit ako na kasama siya dito. I felt that a door of chance for me was opened. That made me happy.... A little.

"Sure." sabi ko. Hindi ko ipinahalata na gustung gusto ko ang idea niya.

Maliwanag pa kahit magsi-6 na sa relo ko. Kumakain pa rin kami dahil sa sobrang gutom namin. Asa bench lang kami at lumalamon. Well mukhang ako lang ang lumalamon dahil ang hinhin ni Clyde kumain. Parang di lalake eh at parang ako ang lalake! Ako yung nahihiya sa ginawa niya eh.

Atsaka napansin ko na mas marami ang inorder ko kaysasa kanya. Antakaw ko... Nahiya tuloy ako sa harap niya.

Nakita ko yung nilalamon ko na pizza,footlong, ice cream, donuts at pretzel tapos may iced tea pa.Samantalang sa kanya ay pizza lang at ice tea. Kinain ko na lang yun ng mabagal para kahit papaano babae ang dating sa kanya.


Napansin siguro niya na tinitigan ko ang pakain niya at pagkain ko. Tapos binagalankokasi narealize ko nga. Nag smirk siya na nangangasar sa akin.
It felt nice na parang ang tagal ko nang kilala si Clyde.


Nagulat kami nang may nag flash kaming narinig. Napatigil kami sa pag kain at hinanap kung saan nanggaling.

"Shit! Di ko natanggal yung Sound." Nakita namin ang babae na hindi kalayuan. Dalawa sila. Nang mapansin nila na nakatingin kami ni Clyde sa pwesto nila bigla silang tumakbo.

Tumayo ako para habulin sila pero hinawakan ni Clyde ang kamay ko at pinaupo ulit. Haaaaa?!

"Picture lang yun." sabi niya na mukhang calm na alm pa rin.

"Eh paano pag schoolmate natin yun at gawan ng issue?"

"Schoolmate nga natin sila. At ano naman kung magawan tayo ng issue?"

Ano naman? Ano namaaaan?! Ha?! Hindi ako sigurado kung siya ang lalake sa diary ko at baka makita niya yun. At alam kong aasarin ako ni Trixie at Nikki na magpapakahirap pa akomag explain sa kanila. Tapos paano siya?! Diba may fans 'to?! Paano naman ako? Sana hindi naman katulad ng telenovela 'to na aawayin ako ng fans niya... Juskooo~!
Lord take me noooow!




The day end so fast. Gabi na pala at inuwi na ako sa bahay ni Clyde at sakto na kakauwi lang ni Mama at Papa sa date na kasama si Kuya Tris na naging issue nanaman kila Mama.

Napansin ko sa mukha ni Tris na para bang nanghihingi ng explenation sa pag uwi namin ng gabi at kasama ko ay isang lalake.

" Ma,Pa at Tris... Eto si Clyde schoolmate ko." Nakangiti si Mama at Papa na parang may inaantay pang susunod.

"Hi po." Nag smile siya sa kanila.

"Nako pasok ka muna maghahanda ako ng dinner mukhang hindi pa naman kayo nagdidinner." Mukhang bad idea ang narinig ko na sinabi ni Mama. Alam ko na iinterviewhin lang nila si Clyde.

"Ma uuwi na si Clyde. Diba Clyde?" hinawakan ko ang kamay niya at hinila na papunta sa kotse. Pero hinila niya iyon at Inakbayan ako at ngumiti sa harap nila. Na ikinagulat naman nilang tatlo.

"Tita I would love too." He smiled. Aba't sira ulo di 'to!


"Tita? Hohoho! Mama na! Tara pumasok ka na sa Palasyo! " Kilig na kilig si Mama at Papa papasok.


Naiwan si Tris at tinignan si Clyde. Nakangiti lang si Clyde na alam kong plastik. Plastik!

"Hmmm. Okay, pasado na siya ! Hahaha! Wag lang kayong uuwi sa gabi next time. Alam mo na" Tinaasan ng kilay ni Tris kay si Clyde at ngumiti. Is that a man convo I just witnessed?

Siniko ko si Clyde at binulungan. "Ano yung signal niyo na yan?!"

"It's a guy thing. Pasok na kayo." Sabi ni Tris na ikinaasar ko ang pag alis niya kagad.

Sumunod na siya kila mama at Papa papasok.

"Clyde bahala ka! Iinterviewhin ka lang nila. Hindi ordinaryo ang pamilya ko, magulo pamilya ko!"Sabi ko nang mag isa na lang kami sa harap ng bahay.


He smirked bago magsalita. "Gusto ko ng magulo." Then pumasok na siya.

"Tara na." he smiled then tuluyan na naglaho sa paningin ko. Ugh! Ako dapat ang magsabi sa kanya kasi bahay ko yan! Nang iinit angbulo ko sayo Clyde!






Clyde di talaga kita maintindihan.








*****

Hiii! Sorry po sa mga typo ngayon at sa dati, sa tablet lang po kasi ako nag ttype eh hindi naman ako sanay. Malaki na kayo! Hulaan niyo na lang. Hahaha !

Forgetting HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon