Too Sappy

33 0 0
                                    


Chapter 15

Nakakyamot! Mag-isa lang ako dito at mukhang walang friends. Iwanan ba naman kasi ako ng dalawang bruha dahil nga may club sila. Hindi ko maiwasan na ma-OP sa pagiging loner ko ngayon. Tch! Ang bagal ng oras kapag wala ka talagang ginagawa kundi tumunganga.

"Okay class, itaas ang kamay ng walang club." Syempre  nagsitaasan ang lahat at kasama ako duon.

Kahit magaling pa ako sa camera hindi daw ako sumali sa photography o journalism club. Yun ang sabi nila Trixie. Si Nikki kasi asa cosmetology club dahil magaling siya magkulay ng mukha niya habang si Trixie asa Book Club kasi maraming pogi daw dun kaya keri lang Kahit hindi naman siya mahilig sa libro at puro magazines lang ang alam. Nagkaroon ng meetings ang lahat ng club para sa nalalapit na school festival kung saan may iba't-ibang booths ang mga clubs.

Iilan na lang kaming magkakaklase nandito. Kami-kami yung mga walang clubs sa klase for short, mga Stupident at mga tamad. Hindi naman kasi talaga required na lahat ay sumali kaya okay lang na wala ang iba. Pero left out ka kapag mga ganitong okasyon kung saan nagpapasiglahan ang iba't-ibang clubs.

"Lahat kayo pumunta sa Art room. Dumeretso na kayo dun dahil may exhibit ngayon ang mga member duon. Kung may makikita akong naglalakwatsa sa inyo huwag na kayong pumasok sa subject ko! " Lumabas siya habang dinabog niya ang pinto. Sinunod naman namin si Sir. Henry dahil baka batuhin pa kami ng kung anong hawak niya kapag hindi kami sumunod. Wala kasing lovelife yan kaya pinagpapasensyanhan na lang namin kapag nagsusungit siya.

Nakakatamad naman!

Tara Canteen na lang tayo.

Gagi, sigurado kapag nakita natin yung matandang hukluban hindi na niya tayo papasukin!

Girl andun si Eyo Trinidad right?

Gosh! Tara na! Bilis!

Wait magpopolbo lang ako.

Tara na! Daliii!

Sino ba yung Eyo na yun? Parang narinig ko na yun? Aish. Nevermind. Not my buisness anyway. Kaasar naman kasi! Ako lang walang kasama kasi wala yung dalawang bruha kaya loner lang ako. Sila lang naman palagi kong kasama sa hirap at ginhawa, umulan man o bumagyo, kami-kami pa rin. Tinatamad akong pumunta kaya lang baka mahuli ako ni Sir Henry na paggala-gala. Lagot na.

Ng pagkapasok ko may nagbigay ng mga flyers na nagrerecruit daw sila sa club nila at kailangan pa nila ng members. Napansin ko na napakalaki ng Art room. First time ko lang pumunta dito kaya ngayon ko lang na-apreciate na napakaganda ng loob. Puro mga painting at mga malalaking statues din. Ang galing. Hindi mo inaasahan na puro mga estudyante lang ang gumawa ni'to.

Umikot-ikot ako at nagandahan sa iba samantalang keme lang ang iba. Inikot ko lang 'to pero sobrang laki para matapos ko lahat makita. Ang laki naman kasi ng school na ito kaya ganito na lang ang gastos nila sa space kahit art room lang. Ang yaman talaga ng lola nila Clyde at Seb.

Napahinto ako dahil may isa talaga akong napansin. Kapansin-pansin kasi siya sa ganda kaya lumapit ako dito. Siguro special ang nagpainting kasi andaming lightings at napakalaki ng space. Mas nagmukha tuloy siyang special painting dito sa exhibit. Para siyang pinagdikit dikit na litrato tungkol sa poverty at nakabuo siya ng earth. Ilang taon siguro itong ginawa at inayos bago matapos.

"Nice." sabi ko. May narinig akong footseps pero hindi na ako nag-abala tignan kung sino yun kasi baka mga estudyante lang naman yun at nakikitingin lang din.

"Bakit naman naging nice? Is it really that captivating to you?" hindi ko pinansing ang taong nasa likod ko kung sino yun at nanatili akong nakatingin sa maliliit na picture na pinagdikit dikit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forgetting HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon