Kare-kare

20 0 0
                                    

Chapter 14

Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa byahe. Medyo malayo din kasi ang condo niya mula sa school. Kaya hindi na ako nagtataka kung maaga ba siya nagigising. Tinapik niya na lang ang balikat ko nga makarating kami. Naghikab muna ako at nag-inat bago lumabas ng kotse.  Grabe napasarap ata tulog ko dahil nakita ko sa salamin na gulo gulo yung buhok ko. Sinuklay-suklay ko ang  buhok ko gamit yung kamay ko at nagmadaling sumunod sa nauna nang asungot na yun.

Asa parking lot kami ng mapansin ko na napakalaki ni'to. Paano pa kaya pag nakapasok na kami sa loob. Siguro napakamahal ng isang unit dito. "Saang floor ka?" tanong ko ng makarating na kami sa elevator. Nakita Kong nakasimangot pa rin siya.

Hindi na siya sumagot dahil nakita kong pinindot niya ang 2 kaya understood na 2nd floor ang unit niya dito. Tahimik pa rin siya ng lumabas kami. Badtrip ba talaga siya? Alam ko naman pinag-antay ko siya eh pero I hate that he's giving me this silent treatment. Mas mabuti na kung sigawan niya ako atleast malaman ko kung ano ikinakagalit niya. At mas okay sa akin yun kasi  natural na sa kanya ang pagiging halimaw.

Hanggang sa tumaas na kami at naglalakad papuntang condo niya eh walang kaimik-imik man lang.

Ng buksan niya ang pinto tumabad sa akin ang modern design ng sala niya. It was a black and white themed kagaya ng suot ko ngayon. Bumagay ata ako sa sala niya. Hahahaha. Sinignalan niya akong umupo gamit ang mata niya at in-on niya naman ang air condition. Hindi na ako makatiis sa katahimikan at tinanong na siya.

"Galit ka ba?" Nagpamewang siya habang hindi pa rin nakaharap sa akin at parang may hinahanap. Dumeretso siya sa piano niya at may kinuha sa gilid na clearbook. Nandoon ata nakalagay ang mga pyesa na gagamitin namin.

"Ikaw ba pag-antayin ng lagpas isang oras. Hindi ka ba maiirita?" Maiirita syempre. Tao din naman ako noh. Atleast sumagot na din siya. Para naman kasi siyang bata na nagtatampo sa nanay pagkatapos na hindi bilhin yung laruan na gusto niya.

"Sorry." lumapit ako sa pwesto niya at naupo sa upuan ng piano set.

"Hindi ko kailangan yung sorry mo. Kailangan na ma-memorize mo na 'to." Dumeretso siya sa kusina para kumuha ata ng maiinom namin. Habang wala pa siya tinignan ko ang mga pyesa niya. Natawa ako ng makita ko ang dulo ng mga papel. May pyesa siya ng Bah bah Black sheep? Seriously? Pambata!

Inayos ko ang mga pyesa at nilagay sa patungan ng piano ang mga ito. Nilagay ko sa harap ang napili kong pyesa. Huminga muna ako ng malalim.

Bah-bah-Black Sheep.

♪♬●♪•♪♩♬•♬♪●

♩♬♪♬♩●♪♬♩♬♪●

♩♬♪♬♪♬♩♪●

♩♬♬♩♬♪♬♪♬♩

♬♪♬♪♬♩●♪●

♩●♩♬♪♬♩♬♪♬●

♪♬♪♬♩♬

Napamulat ako ng mata ng makarinig ng palakpak mula sa likod. Nakita ko ang nakatayong Clyde na nakangiti. Hindi yung ngiting-ngiti. Hindi siya halata pero yan na ang pinakangiti na nakita ko kapag kaming dalawa lang. Napangiti naman ako dahil sa pagpalakpak niya.

"Marunong ka din naman pala mag-pause." nilatag niya sa gilid ang dalawang soda in can at umupo na din sa tabi ko. Hindi naman maliit ang upuan kaya kasya kami.

"Syempre natuto na ako sa kakapalo mo ng daliri ko no!" mahapdi pa rin nga ngayon eh.

"Atleast natuto ka diba?" Kahit na! Kawawa naman ang kutis perlas ng kamay ko kung papaluin niya lang. Binuksan ko ang soda in can na nilatag niya sa harap ko. Uhaw na uhaw na ako. Natuyo na ang lalamunan ko dahil sa byahe na din kanina siguro, nangalahate  yung laman nito sa isang lugik ko lang.

Forgetting HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon