Nangangamoy Isda

19 1 0
                                    

Chapter 10

Dumating na ang break time. Papunta kami nila Nikki at Trixie sa canteen para bumili ng pagkain. Pumila na kami at pumili ng kakainin, as usual Burger, fries at juice lang kaming dalawa ni Trixie habang salad lang kay Nikki at juice. Bago kami umupo ay nahagip ng mata ko ang isang lalaki na naka-eyeglass na nakatitig sa akin habang nakaupo at may kasama. Well, like I care? tumuloy na lang ako sa ginagawa ko.

"Nakakasawa na yung pagkain sa canteen!" sabi ni Trixie dahil sa paulit-ulit niyang order.

"Makapagtayo nga dito ng Starbucks at JCO." Tawanan ang dalawa habang ako lumalamon pa rin at hindi sila pinapansin. Nakita ko si Clyde na kasama ang mga kaibigan niya nagkangitian lang kami at nilagpasan na kami. Ng matapos ko kainin ang burger na napakalaki ay nilamutak ko naman ang fries.

Mmhhm. Heaven! Di ko alam kung bakit nagsasawa 'tong Trixie na 'to eh! Ang sarap kaya!


Nakita kong papasok si Seb na may dala-dalang tray din. Ngumiti lang siya sa akin at nagulat ako ng tabihan niya ako. Mas nagulat naman ang dalawa ng pagtabi ng idol nila.


"Hi!" sabay nilang dalawa. Ngumiti naman si Seb at nagsimula na ulit kumain. Di ko namalayan na Nakatitig pa rin ako sa kanya dahil sa gulat ko na pagtabi niya. Akala ko lalampasan niya lang kasi ako.

"Bakit? Ganun ba ako ka-gwapo para titigan mo ako ng ganyan?" Napaka-hangin niyang sabi. Tss. Nagulat ako bruh hindi na mesmerize! Malaki ang pagkakaiba nun!

Ganito pala ang tunay na ugali ni Seb. Akala ko isang aroganteng spoiled brat na war freak. But I guess he has a sweet personality and mischevious. I guess that's his charms.


"Hangin din natin noh?" Kumain na ulit ako ng bigla din siya kumuha ng fries ko. Nilayo ko naman ang fries ko agad.



"Hoy Seb, mayaman ka naman kaya bumili ka dun." ngumiti siya.



"Tinatamad na ako tumayo eh." tumawa lang siya at mukhang nag-eenjoy siya sa pang-iinis sa akin. Hinayaan ko na lang kainan din ang fries ko. Napansin ko na may ibang nakatitig sa lamesa namin karamihan mga babae.

"Akin na phone mo." sabi niya habang may fries pa sa bunganga. Mukha siyang bata kumain.



"At bakit ko naman ibibigay?"





"Basta. Bigay mo na lang kasi." Inabot ko sa kanya ang phone ko. Napansin ko na medyo tinatakpan niya ang ginagawa niya. Hinayaan ko lang galawin niya ang phone ko dahil wala naman ako tinatago duon. Bukod sa mga selfies ko at mga messages na puro si Trixie,Nikki,Tris,Mama at Papa lang wala ng katago-tago duon.




"Smiiile!" Inakbayan niya ako at bigla siyang nag peace sign. Nakarinig ako ng sound ng camera. Nagulat ako kung kaya hindi ako nakapag-pose. Hala? Anong itsura ko dun?




"Hahaha. Ang ganda ng kuha natin!~" Tuwang tuwa niya sabi habang nilabas niya din ang phone niya.

"Sent!" bigla niyang sabi. Tumayo na siya mukhang malapit na ata ang susunod niyang subject.


"Call me! " he winked at me na dahilan na ikinakilig ng dalawang loka.


Wait. Call me? Wala naman akong number niya ah. Tinignan ko ang phone ko at nakaregister na ang pangalan niya.

'Prince Seb♥'. 09230986***





Nabigla ako ng may nagring, may nagtext sa phone ko.



From: Prince Seb♥
Huwag mo ibigay sa iba ang no. ng poging nagtetext sayo ngayon ah! ;)




Natawa na lang ako sa nabasa ko.


Forgetting HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon