With the Two Princes

28 1 0
                                    

Chapter 11

"Duon tayo sa ride na yun oh! Yung roller coaster!" Sabi ni Seb na tumatalon-talon habang tinuturo ang pinaka pinagpipilahan ng tao dito na ride, ang roller coaster. Lumukot naman ang mukha ni Clyde dahil ayaw niya ng mahabang pila kaya tinuro niya ang Bumper Ride na hindi gaanong karamihan na tao ang nakapila.

"Hindi. Duon tayo sasakay."

"At bakit naman? Look at that ride! There's nothing exciting with that ride. Di katulad ang Super duper coolest ride ever na roller coaster!" Sabi ni Seb.

"But you're just an extra Seb. Hindi ka nga dapat dito, kaya ako masusunod."

"No Si Cara dapat. Siya ang ininvite. Siya lang ang pinunta ko dito." Clyde just crossed his arms and looked at Seb intensely amd looked at me.

"So Cara, Where do you want to ride?"

Tinitigan lang ako ng dalawa habang inaantay ang sagot ko. It's not like I planned what I am going to ride kanina. Malay ko ba na sa amusement park kami pupunta? Don't you know it's panicking me habang tinititigan ako ng dalawang gwapo. Sinabi ko na lang kung ano ang unang pumasok sa isip ko na ride.

"The teacups?" Lumaki ang mata ng dalawa at hindi ata gusto ang sinuggest ko. What? Ayoko din naman yung mga nakakatakot eh. I'm not in the mood for that.

"That thing?! Really?" Nagmamaktol na sabi ni Seb. Ginulo niya ang buhok niya at umupo sa isang bench.

"I thought you want Cara to decide, Seb?" Clyde smirked at Seb.

"Aish! Let's get food muna then let's ride after that. Nagugutom na ako eh" Sinunod na lang namin ni Clyde si Seb hanggang makarating na kami sa isang food stall.

"Burger and fries. Tatlo." Sabi ni Seb sa nagbebenta.

"No Pizza and pretzels. Tatlo." Sabi naman Clyde at naglabas na ng wallet pinigilan naman ni Seb ang kamay niya.

"No Burger and fries." Nilabas niya naman ang wallet niya. Ngayon si Clyde naman ang nagpigil kay Seb

"No. I'm going to pay for the bill so Pizza and Pretzels. Tatlo."

"No Clyde. Ako na ang magbabayad so Burger and Fries." Medyo na-aawkward na ang nagbebenta pero pinipilit niya pa ring ngumiti. It was his job to be patient pero kaya niya bang pagpasensyahan 'tong dalawa na 'to?! For Pete's sake! Just pick some food and eat ng matapos at makauwi na ako kaagad.

"I was the one who planned to go here so Pizza and pretzels."

"I was the one who planned to go eating. So Burger and fries." Ayoko na. Walang patutunguhan ang pag-aareglo nitong dalawa. Ako na ang mag-oorder.

"Pizza, sundae and Fries for three." Inabot ko ang bayad ko at kinuha ko na ang tray na pinaglagyan ng inorder ko. Wala na silang nagawa kung hindi sumunod na lang sa akin at umupo duon sa table sa harap ng stall.

"Tss. I don't eat fries." reklamo ni Clyde.

"Hmm. Everything is fine for me. Hindi naman ako mapili sa pagkain not like some other people there... " kinain na ni Seb ang inorder ko. Nagkatinginan ng masama ang dalawa at nagsimula na kaming kumain.

"Akin na nga lang fries mo." Kinuha ko ang fries ni Clyde na hindi niya naman ginagalaw. Napakaarte nitong lalake na 'to eh. Kala mo naman mamamatay pag kumain ng fries.

Tumawa bigla si Seb at sinamaan ito ng tingin ni Clyde at inagaw ang fries ulit sa akin. Pinilit niya kainin ang isang piraso pero mukha pa rin siyang hirap na hirap. I want to laugh out loud because it was the first time I saw a human who do not like fries. Like wth?! Fries are like the one of the greatest food in the world at may isang abno dito na ayaw.


Forgetting HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon