Chapter 13
"Sir naman!" reklamo ko. Kumunot naman ang noo niya ng marinig niya ang pagreklamo ko. Strikto kasi 'tong matandang hukluban na 'to kaya ganyan na nga lang siya makareact sa inaakto ko. Nakakatakot yung tingin niya kaya napatahimik ako.
"Next week na ang susunod na Test. Saan ka magpaaaturo ng ganun kagaling na kaya kang turuan?!" Makapagsalita naman siya kala mo naman ako ang pinakabobong tao sa mundo...Hindi naman ako ganun kahirap turuan ah. Makapagsalita naman itong lalakeng walang lovelife kaya palaging nireregla! Fast learner kaya ako! Medyo... Ata? Ay ewan!
Ayoko kasi kay Clyde magpaturo. Mamaya pupukpukin niya ako kapag nagkamali ako o kaya naman sabihan ako ng stupid o kung anu-anong panglalait na pumasok sa isip niya. Tsaka alam kong walang pasensya siya. Paano naman ako magpapaturo sa taong katulad niya?! Knowing na si Clyde Francisco baka impyerno lang ang lagay ko.
Hindi ako makakaabot ng buhay niyan sa test ko kung siya ang magtuturo sa akin. Isang week lang naman diba? Kakayanin ko kaya? Mabubuhay pa kaya ako pagkatapos?
Isang week lang Cara... Isang week lang na nasa impyerno at makakaraos ka din pagkatapos mong maramdaman ang kadiliman. *breaths in~ *breaths out~
"Sige Sir. Tatanungin ko na lang siya." bumuntong hininga ako. Wala na, Kailangan ko talagang gawin 'to. Sa ayaw o sa gusto ko wala na akong magagawa.
*Tok *Tok *Tok !
"Oh ayan na pala siya." tumaas ang balahibo ko ng makarinig ako ng pagbukas ng pinto. Lumingon ako ng dahan-dahan sa likod ko at sumalubong sa akin ang plastik na ngiti ni Clyde. Ang ngiti na nalilinlang ang karamihan. How I hate that smile of his.
"Pinapabigay po ng Director." inabot niya sa adviser ko ang isang folder. Nagkatinginan kami ng makita niya akong nakatayo lang. Nang mapansin ni Matandang hukluban na nagkatinginan kami pinakilala niya ako.
"Mr. Francisco, this is Ms. Valiere."
Ngumiti siya. "I already know her."
"That's great Valiere! Kilala mo na pala si Mr. Francisco eh. Hindi ka na mahihirapan sa pagtanong sa kanya. So ikaw na ang bahala ha? " Lumabas na kami ni Clyde sa faculty ni Sir. Henry ng matapos namin siyang kausapin.
Kinakabahan akong tanungin siya. Saan ko ba sisimulan sa pagtanong? Yung tipong mapapa-oo ko na siya kagad. Yung sure na jackpot. Napansin ni Clyde na medyo nag-aalangan ako magsalita kaya siya na ang nagtanong. Tinignan niya muna ako na parang sinasabing hopeless ako.
"Anong tatanungin mo sa akin?" nagkamot muna ako sa batok bagi magtanong. Okay Cara. Smile! Kunwari mabait kang nilalang.
"Turuan mo ako mag-piano. Please?" Ginamit ko ang pinaka mabait kong mukha na mayroon ako pero mukhang hindi ito epektib sa kanya. Para siyang nanonood ng isang palabas na hindi siya interesado.
"No." agad-agad niyang sagot. Ni hindi niya man lang pinag-isipan para makasagot ng ganun kabilis. Napakasama talaga ng ugali ni'to! Puro atay lang ata siya at walang puso!
"Clyde naman. It's my only request! Tinulungan naman kita nuong sinamahan kita sa kasal!" nanahimik muna siya sandali ng bigla siyang nagsigh siya as a sign of defeat. Wala na siyang magagawa dahil binigyan ko na siya ng favour and it's his time to favour mine. Pagkatapos niya akong pasuotin ng makakating dress at napakataas na heels nun?! He can't runaway now.
"Okay. Mamayang uwian pumunta ka sa music room no.23."
"Ambilis naman! Bukas nalang. Atleast ready na ako nun at mas gaganahan pa ako." umalis na siya at hindi na pinakinggan ako. Tss. Wala na akong magagawa kung hindi sumunod na lang sa walang puso na taong yun. Wait tao ba siya?

BINABASA MO ANG
Forgetting HIM
AcakShe just woke up without a single pieces of her memory. They said she had an amnesia because of a car accident. She doesn't know what to believe. Everyone was a stranger to her. Ng makita ng dalawa niyang kaibigan sa isang kahon ang isang notebook n...