Chapter 2

67 2 4
                                    

Chapter 2

Team 7

"Welcome, SCB Officers to our 5th Leadership Camp!" sabi ng Principal namin at nagpalakpakan kami

"As you know, kada limang taon ay may pagbabago sa events ng school. Mapa-Foundation Week, Christmas Party, Recollection, Field Trip, Retreat, o ano pa yan."

"Ngayong taon, isine-celebrate natin ang ika-90 Foundation Year ng ating unibersidad. At nagkataon na ika-limang taon na din ng Leadership Program natin. Kaya magkakaroon ng malaking twist ang event na ito." pagpapatuloy niya

"Kung ano ito?" she smirked,

"Malalaman niyo rin."sabi niya at kahit naguguluhan ay nagpalakpakan kami.

Binigay niya kay Sir Chavez, ang moderator ng SCB, ang mic.

"Officers, ngayong araw ay magkakaroon tayo ng iba't ibang activities para ma-train kayo into becoming great leaders. Bukas ay magkakaroon tayo ng outreach program sa isang orphanage malapit sa susunod na pupuntahan natin, sa Sierra Madre" sabi niya

Nagkaroon ng mga bulung-bulungan dahil sa pagbanggit ni Sir sa Sierra Madre.

Yumuko na lang ako. Di naman ako kasama e

"And everyone must be present until the end of the Leadership Program" pagdu-dugtong ni Sir na ikinagulat ko

Walang nagreact dahil lahat naman talaga ay sasama, bukod sakin.

"Now, for starters, pick a number in this bowl at hanapin niyo ang mga officers na may kapareha kayong number." sabi niya at binuksan ang malaking bowl na nasa baba ng stage.

Pinapila kami ng ibang staff at isa isang kumuha ng number sa bowl.

Nang nakakuha na ko ng number ay pumunta ako dun sa may gate ng covered court namin.

Number 7.

Ipinagkibit balikat ko ang number na nabunot ko. Lumapit ako sa drinking fountain at uminom doon. Nabitawan ko bigla ang number ko at bago ko pa makuha ito ay may kumuha na nitong isang lalaki.

"Seven ka? Seven din ako!" sabi niya

Namumukhaan ko siya. Siya si Jonas. Honestly, di ko talaga siya kilala. Pero dahil sikat siya, kailangan kilala ko siya.

Kung ako ay Discipline Officer ng Grade 12, siya naman ay Treasurer.

Nginitian ko siya. Binigay niya sakin yung number ko, "Thank you" ngiti ko ulit

"Tutal naman pareho tayo ng team, hanapin na natin yung iba pang Team 7." tumango ako at sumunod sa kanya

Bumalik kami sa covered court at di na nahirapang maghanap ng number 7 dahil may isang babae na sumisigaw sa gitna ng court.

"SINONG NUMBER SEVEN DIYAN?! NUMBER SEVEN AKOOOO!!" Sabi niya at tumigil nang nakita kaming papalapit sa kanya.

"Jonas! Number 7 ka?" walang pake 'raw' niyang sabi

Sa pagkakaalam ko, mag-ex sila ni Jonas. Siya si Heidie, isa sa mga Senators ng Grade 12.

Tinanguan siya ni Jonas. Tinignan ako ni Heidie at ngumiti ng malapad.

"Finally! Na-meet na rin kita, Chelle!" masiglang sabi niya.

Kumunot ang noo ko, "Diba ikaw si Fictitious Filia? Yung sumulat ng Fallen Wings, Closed Eyes, at Hidden Agenda?" sabi niya

Lie Or DieWhere stories live. Discover now