Chapter 7
Hide
"Code 6: Hide." Basa ni Ash
"Ano meaning nun? Saka bakit 6 kagad?" Nafu-frustrate na utas ni Sanch
"Saka tignan niyo, guys. May symbol sa taas ng 8." Sabi ni Desteen
"Plus sign." Sabay na sabi ni Jonas at Heidie. Natawa ako nang magkatinginan sila at nagkaiwasan din.
Pero ano purpose ng plus sign?
"Wala naman sigurong sense yan. Baka nasulat lang." Sabi no Tricia na sinangayunan ng iba pa sa grupo. Pero hindi ako.
May purpose ang plus na yun. Pero ano?
Alas kwarto na ng hapon at nasa cabin kami galing sa function room. May pa-activity ang staff, scavenger hunt pero may twist.
Yung twist? Malalaman daw namin habang naglalaro.
Pero may ibang bagay na gumugulo sakin.
"Pasensya na sa pagbabago ng schedule. May mga nangyari kasi. Anyway, may activity tayo ngayon. Diyan sa likod nakita niyo naman na yung mahabang lamesa." Anunsyo ni Sir Chavez
"Halo halo ang mga gamit diyan. Gagamitin niyo yan para sa activity. May mga number na nakasulat sa bawat bagay, yun ang team number niyo. Matatalino kayo kaya alam niyo na ang susunod. Go." Pagtatapos niya at nagunahan na ang bawat grupo dahil may hint na kami sa kung ano ang laro.
Pagkatapos maghalungkat ay bumalik kami sa lamesa gaya ng ginawa ng mga naunang team. May mountain bag, malaking tumbler, tatlong flashlight, emergency kit, notebook, ballpen, isang mahabang rope, isang pack ng biscuit, labing isang pito, kaunting extra clothes na unisex at free size, at tuwalya.
Inayos namin ni Heidie ang mga gamit sa bag samantalang ang mga lalaki ay tila ini-inspeksyon ang mga ito.
"Lahat ng gamit na nakuha natin ay may number 7." Ani Sanch
"Thanks, Captain Obvious." Pangaasar ni Adam na kinutusan naman ni Sanch.
"Hoy tumigil na kayo at matatapos na sila, oh. Kayo pagbubuhatin ko ng backpack tignan niyo." Pagbabanta ni Jonas
Napagusapan kasi namin na tutal si Jonas ang pinaka malakas at pinaka matandang lalaki sa grupo ay siya na lang ang magdala ng mabigat na backpack sa scavenger hunt namin.
Nilagay na namin ang flashlight at huling gamit at saka ni-zipper ito. Bubuhatin ko na sana ang bag nang kunin ito ni Jonas at saka isinuot nang walang pasa-pasabi.
Nang nagstart na ang malaking orasan sa stage ay dali dali kaming naglakad palabas nang bigyan kami ng isang naka roll na papel ng isa sa staff ng event.
Nang makalabas ay binasa ni Ashtine ang nakasulat sa papel at yun ang dahilan ng pagkafrustrate namin.
Pero ano yung sinabi ni Sir Laruan na may mga pagbabago sa plano at schedule ng camp?
Patuloy kaming naglalakad habang hinuhulaan ang maaaring ibig sabihin ng mensahe.
"Hide. Di kaya kailangan natin magtago bago mag alas sais. Kasi diba, Code SIX?" Hula ni Trix
"Or maybe may kailangan tayong itago bago mag six?" Hula naman ni Tricia
Umiling si Desteen sa mga hula nila. "Kung ganon nga ay dapat may nilagay na lugar o bagay na pagtataguan o itatago."
Napanguso ang dalawa sa sinabi ni Desteen. Tama naman siya e. Kulang ang impormasyon na binigay samin kung ito nga ang mensahe.
"Kanina nung naglibot ako, nakaabot ako sa may mga kawayan. Bawat kawayan ay may nakaukit na numero. Puntahan kaya muna natin yun?" Suggestion ni Sanch
YOU ARE READING
Lie Or Die
Mystery / ThrillerMay alam akong laro na masaya; Truth or Dare. At may alam din akong laro na hindi masaya; Lie or Die. Wanna play?