Chapter 8
Truth or dare
"Ano na gagawin natin?" nagaalalang sabi ni Desteen nang nakita ang araw na palubog na
"Wala ba talagang signal?" tanong ni Trix for the nth time
Umiling si Pierre na siyang may hawak nung cellphone at pinakita kay Desteen ang screen na ipinapakitang walang signal.
Kanina pa kasi kami paikot ikot sa gubat. Nung nakapasok na kami at nakita ang mga kawayan ay di na kami nakabalik pa. Si Sanch na unang nakakita sa kawayan at nagdala sa amin sa mga yun ay di na maalala ang daan.
Di rin niya maalala kung paano siya nakabalik in the first place.
So simula non ay naglakad lakad na lang kami at naghihintay ng milagro habang nagiisip ng pwedeng gawing move pagkatapos naming malaman na pinapahanap pala sa amin si Melanie.
Tinignan ko ang relo ko.
"Guys, camp muna tayo dito. Alas sais y medya na. Baka mapahamak pa tayo sa daan." sabi ko na sinangayunan naman din nila
Naghanap kami ng maayos na pwesto. Sa ilalim ng isang malaking puno namin inayos ang pwede naming pagpahingahan para sa gabi.
"Grabe. Feel at home na feel at home ako dun sa cabin natin tas dito din naman pala tayo mapapadpad." pagmamaktol ni Ash na naglalabas ng pwede naming magamit sa gabi mula sa backpack.
"Wag ka mag-alala, bakla! Pagkasikat na pagkasikat ng araw bukas magpaka unggoy ka diyan sa puno at akyatin mo tas tignan mo kung saan ang pwede nating daan pabalik sa resort." Asar ni Tricia
"Ako talaga?! Hmp, che!" sagot ni Ash na ikinatawa namin
Nang nalabas na nila Ash at Jonas ang mga gamit mula sa backpack ay tinitigan namin ito.
"Tuwalya, limang t-shirt, tatlong flashlight, biscuit, tumbler, labing isang pito, rope, notebook, ballpen, at health kit. Anong pwede nating gawin diyan?" Sabi ni Adam
"Yung tuwalya ilatag natin sa sahig saka maglatag na din tayo ng dalawang shirt para tulugan ng girls. Tayong boys sandal na lang sa puno o kaya ay mahiga pero sa lupa mismo hihiga." sabi ni Jonas na kinantsawan ng iba pang mga lalaki
"Ah! Gentleman si kuya!" tawa ni Sanch
"Unfair!" pagtutol naman ni Adam
"Pumayag ka na! Minsan lang tayo magpaka gentleman e." sagot ni Pierre sa hinaing ni Adam na walang nagawa kundi magkamot ng batok
"Paano naman ako?" kunwari pang naiiyak si Ash sa sinabi ni Jonas
"Kaya mo yan, te!" gatong ni Tricia at natawa kami
"Kukulangin tayo nito kung buong gabi nating bubuksan ang mga flashlight. Marunong ako gumawa ng apoy pero kailangan natin ng mga kahoy." Sabi ko habang binubuksan ang flashlight
"Sanch at Adam, maghanap kayo ng mga kahoy sa paligid. Dalhin niyo itong dalawang flashlight. Mag-ingat kayo at wag masyadong lalayo." Command ni Heidie
Nag-salute sign sila na sinagot ni Heidie na matawa tawa. Nilatag na namin nila Heidie at Desteen ang tuwalya. Ito yung medyo makapal na tuwalya at malaki, kasya siguro dito ang dalawang tao.
Sila Tricia at Trix naman sa dalawang shirt na inilalatag samantalang si Jonas ang naghahawak ng flashlight sa itaas at si Ash at Pierre naman ang may hawak ng iba pang mga gamit tulad ng tumbler, mga pack ng biscuit, rope, mga pito, at health kit.
Hindi ko na alam kung saan napunta ang notebook at ballpen pero baka nilagay na ito sa bag ulit.
Nilatag namin ang mga tela nang nakapalibot sa malalaking ugat ng puno. Halos buong puno ang nasakop namin at doon sa extra space nila nilagay ang backpack. Ipinasok na ni Ash ang rope, health kit at mga pito sa backpack at sa gilid nito ang tumbler at mga biscuit.
YOU ARE READING
Lie Or Die
Mystery / ThrillerMay alam akong laro na masaya; Truth or Dare. At may alam din akong laro na hindi masaya; Lie or Die. Wanna play?