Chapter 16

48 1 1
                                    

Chapter 16

Soldier

"Tama na yan, magsitulog na tayo." putol ni Jonas sa mga tanong nila

Tututol pa sana si Sanch kaya lang ay humikab na rin siya kaya sumang ayon na rin.

"Ako na ang first watch." sabi ng tumatayo na si Pierre

"Sanch at Adam, isama niyo si Pierre matulog. Pagitnaan ninyo para di makaalis." tutol ko

Tumango sila at nakita kong napaawang ang bibig ni Pierre sa sinabi ko kaya tinaasan ko siya ng kilay at umiling iling lang siya at sumunod sa umaalis na sila Sanch at Adam.

"Ako na lang first watch." sabi ni Heidie at sumang ayon kami

Kanya kanya na kami ng pwesto. Kasama ko si Desteen at Heidie sa malapit sa bonfire.

Nag indian sit si Heidie tapos humiga si Desteen at yung ulo niya ay nakapatong sa hita ni Heidie at nang inunat niya ang mga binti niya ay hinilig ko ang ulo ko sa hita niya saka pumikit at natulog na.

Nasa isang kwarto kami kung saan nasa gitna ang dalawang kaibigan ko na biglang nawala. Agad kaming pumasok at ako ang nanguna para tanggalin ang mga tali nila sa mga kamay at paa nila.

Iling sila nang iling pero di ko sila pinansin at nagpatuloy palapit sa kanila. Sa gitna ng pagtakbo ko ay nanlaki ang mga mata ko sa isang shuriken na lumipad mula sa kabilang dulo ng kwarto at papunta sa likod ko.

Naramdaman ko ang tumutulong dugo sa pisngi ko pero binalewala iyon at tumungo sa dalawang tao na nasa gitna ng kwarto.

Nang napalaya ko na sila ay bigla akong sinapak ng isa sa mga pinalaya ko at may sinabi pero hindi ko iyon naintindihan. Tinulak tulak naman ako nung isa pero nakapako ang mga paa ko sa kinaroroonan ko.

Lumingon ako sa pinto at hindi nakita ang kaninang mga kasama ko, bagkus ay nakita ko ang isang taong pinagkatiwalaan ko at ang isa pang tao na hindi ko kilala.

Ang isa ay may dalang baril at yung isa ay may dalang swiss knife na kanyang pinaglalaruan.

Kung kanina ay wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila, ngayon ay meron akong isang naintindihan.

"Hello, Ate."

"Chelle!" naramdaman ko ang mga hampas sa akin sa braso at dumilat ako

Ang bilis at ang lakas ng pintig ng puso ko. Nakita ko sila Desteen at Heidie na ginigising ako. Doon ko napansin na napaupo pala ako.

Tumingala ako at nakitang madilim pa. Luminga linga din ako at nakitang tulog pa ang iba naming kagrupo.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila

"Gigisingin sana kita kasi watch mo na. Hindi kita magising pero si Desteen nagising, may tumutulo daw na kung ano sa kamay niya." paliwanag ni Heidie

"Akala ko nga laway e." pagbibiro ni Desteen

"Tapos narinig ka naming humihikbi. Kaya ginising ka na namin." sabi ni Heidie

Panaginip. Isang masamang panaginip lang.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko at hindi sila natulog uli hanggang sa makasigurong kalmado na ako. Nang umayos na ang paghinga ko ay sinabihan ko na silang matulog na.

"Sige na, okay na ako. Matulog na kayo."

Nagaalinlangan pa sila pero natulog din. Sa akin naman humilig si Desteen ngayon at si Heidie kay Desteen.

Tumingin ako sa paligid kung saan natutulog ang iba naming mga kagrupo.

Sila Sanch, Adam at Pierre ay nasa malaking bato kung saan ako nakatambay kanina. Ang mga ulo nila Sanch at Adam ay nakasandal sa magkabilang balikat ni Pierre.  Kahit madilim ay kita ko ang kalmado niyang mukha habang natutulog.

Lie Or DieWhere stories live. Discover now