Chapter 9
Game over
"Game!" Sabay na sabi ni Tricia at Trix
"Pero wala tayong bote." Napa busangot naman ang dalawa sa sinabing yun ni Adam
Napakurap kurap ako at naalala na may bote akong nalagay sa bag.
Inabot ko ang bag at binuksan yung pangalawang zipper nito. Nandun yung bote ng tubig na ginamit ko kanina sa bus at dala dala ko hanggang sa function hall.
"Ito oh!" Sabi ko at pinakita ang bote
Kinuha yun ni Sanch at nilagay sa gitna.
"Game?" Tanong niya habang umaabang iiikor yung bote
"Game!" Sabi naming lahat
Pinaikot niya yun at tumapat ito kay Trix.
"Okay!" Matawa tawang sabi ni Sanch
"Ugh. Truth!" Sabi ni Trix
"Hmm." Sabi ni Sanch habang nakalagay sa baba ang daliri na parang may iniisip.
"Sino pinakahate mo?" Tanong ni Sanch
Nagtaas ng kilay si Trix at ngumiti nang nakakaloko. "Si Tricia."
Nagulat kami sa sinabi niya at tinignan ko si Tricia na nakayuko at pinaglalaruan ang mga dahon sa harapan niya.
"Okay..." Nagaalinlangang sabi ni Sanch nang natahimik kami
Tumawa si Trix, "Ako naman!" Sabi niya at pinaikot ang bote
Tumama ito kay Adam.
"Dare!" Natawa kami sa pagtapang tapangan ni Adam
"Umakyat ka dyan sa puno tapos tumalon ka papunta sa kabila." Sabi ni Trix at kinantsawan naman namin si Adam
"Ano Adam? Dare ka pa ah!" Natatawang sabi ni Pierre
"Pwede iba na lang?" Kung kanina ay parang leon si Adam ngayon ay para na siyang maamong pusa na nagmamakaawa.
"Sige. Guluhin mo buhok ni Desteen." asar ko
Tumingin sa akin ng dalawa. Si Adam ay parang nagmamakaawa habang si Desteen ay parang di makapaniwala. "Ate Chelle naman!" sabay nilang sabi
"Go!" sabi ko
Alam ng lahat na ayaw na ayaw ni Desteen na ginugulo ang buhok niya palaging naka pusod. Isang beses ko lang yatang nakitang naka lugay ang buhok niya e. Nung naligo kami kanina.
"Paki hawakan yung dalawang kamay niyang babaeng yan." Sabi ni Adam sa mga katabi ni Desteen na si Heidie at Ash.
Matawa tawa nilang hinawakan ng mahigpit ang magkabilang palapulsuhan ni Desteen samantalang si Adam ay nag punta sa likod ni Desteen at mabilisang ginulo ang buhok nito.
Mabilis man pero sobrang nagulo naman ang buhok ni Desteen.
Di na nabitawan ni Ash at Heidie si Desteen kasi nagmamadali itong tumayo at akmang sasakmalin si Adam.
"Tangina mo, Adam wag na wag mo ko lalapitan kung ayaw mong makalbo!" banta nito na ikinatawa namin
Natawa na lang kami sa kanya habang pilit siyang pinapakalma ng dalawa.
Nang kumalma siya ay itinuloy na namin ang laro. Si Adam naman ang nagpaikot ng bote at tumama ito kay Heidie.
"Truth!" natatawang sambit ni Heidie
YOU ARE READING
Lie Or Die
Mystery / ThrillerMay alam akong laro na masaya; Truth or Dare. At may alam din akong laro na hindi masaya; Lie or Die. Wanna play?