Chapter 18

6 1 0
                                    

Chapter 18

Away

Nilingon namin kung saan nanggagaling ang mga narinig namin.

Mula sa bukana ng gubat papunta sa kinaroroonan namin ay nakita namin sila Tricia at Desteen na parehas naka-kunot ang noo at mukhang nagtatalo.

Agad kaming napatayo ngunit mukhang hindi nila kami napansin. Patuloy sa kanyang paglalakad si Tricia papunta sa malaking bato samantalang si Desteen ay tumigil na sa tapat namin.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ko

Humalukipkip si Desteen na nakatingin pa rin sa likod ni Tricia at inirapan ito. "Yan kasi si Tricia, e!" sabi niya at itinuro si Tricia na hindi pa rin lumilingon sa amin

"Bakit?" tanong naman ni Ash

"E kasi, may nakita kaming pwede nating paglipasan ng gabi." Natuwa kami sa sinabi niyang iyon at narinig ko ang masasayang buntong hininga ng mga kasama namin na senyales ng kaginhawaan

Ngunit naputol iyon ng pagsasalita ni Tricia, "Anong nakita natin? Ako lang ang nakakita! Echosera to." pairap na sabi nito

"Oh, e, bakit kayo naga away? Hindi ba't mabuti iyon na may nakita kayong pwede nating tuluyan ngayong gabi?" singit ni Heidie

Napayuko si Desteen sa tinanong ni Heidie, "Ayaw niya nang bumalik dito."

"Ha?!" gulat at sabay na utas nila Ash at Melanie na nagkatinginan ngunit nag iwasan din kalaunan

"Ano? Ano? Teka nga, bakit ayaw mo bumalik dito, Tricia?" tanong ko sa nakatalikod ulit na si Tricia

Ngunit hindi siya sumagot o gumalaw man lang.

Wala rin namang nagsalita o tumutol kaya nagpatuloy ako sa pagtatanong, "Tricia, nasa isang gubat tayo at hindi natin alam kung paano makakabalik sa camp."

"Sa lahat ng tao, ikaw dapat ang nakakaalam kung ano ang sitwasyon natin ngayon! Ayaw ko'ng isumbat sa iyo dahil alam ko na sa lahat ay ikaw ang pinaka nasasaktan at nagdurusa, pero Tricia! Nandito pa naman kami. Grupo tayo dito." halos nagmamakaawa kong sabi

Naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa balikat ko bilang pagpipigil sa akin ngunit hindi ko lang iyon pinansin.

Hindi siya nagsalita. I sighed and laid my last card, "Akala ko ba walang iwanan?"

Ang kaninang mahihinang boses ng mga kasamahan namin na pumipigil sa akin ay nawala nang tuluyan at pati yung kamay na humawak sa balikat ko ay nahulog. Tinitigan ko lang ang nakatalikod na si Tricia at umiling bago humarap sa kanila.

Nakita ko ang nagaalala nilang mga mukha at ang malulungkot nilang mga mata. Huminga ako nang malalim at pinakawalan iyon bago ngumiti sa kanila at pinilit na maging masaya.

"Saan nga pala yung sinasabi mo, Desteen?" tanong ko sa kanya

For a split second, I saw shock, confusion, and pain in her eyes before she smirked and understood what I was trying to say.

"May isang bahay doon sa gubat, abandonado pero mukhang kailan lang nung inabandona ito dahil medyo malinis pa ito." Agad namang gumana ang plano ko na iligaw ang topic at mga emosyon namin dahil humarap sila kay Desteen na nagkukwento

"Naaalala ko pa ang daan kaya kung gusto niyo na doon tayo magpalipas ng gabi ay mag ayos na kaagad tayo dahil medyo malayo layo ito para bago lumubog ang araw at dumilim." pagpapatuloy ni Desteen

Pumayag kami sa sinabi niya at nagsimula nang mag ayos.

Napag desisyunan namin na manghuli ng iilang isda at doon na namin ito lulutuin sa bahay na tinutukoy ni Desteen at sila Jonas at Sanch ang naka-toka doon.

Lie Or DieWhere stories live. Discover now