Chapter 12
First move
In-explain nila sa akin yung mga nangyari bago ako magising. As in lahat.
Yung unang pagkagising ko dahil sa may humalik sa akin--sabi nila may nag CPR daw sa akin pero di nila sinabi kung sino baka mapatay ko na daw. Tapos yung pagkahimatay ko ulit.
Matapos nila iexplain yung nangyari sa akin ay ako naman ang nagtanong.
"Mel, ikaw anong nangyari bakit nawala ka?"
Nakita ko ang pagkagulat ni Mel sa sinabi ko at pagkatigil niya. Niyakap niya ang mga binti niya at sinuksok dito ang mukha niya.
May sinabi siya pero dahil nga nakasuksok ang mukha niya ay hindi namin ito maintindihan.
"Eh?" tanong ni Sanch
"Te, wala kaming maintindihan." sabi ni Heidie
"Chappy ka besh, chappy." patawa ni Desteen
Inangat ni Melanie ang ulo niya at tumingin sa amin. Kita ko dito ang halo halong emosyong pilit itinatago ng naka paskil na ngiti sa mga labi niya.
"Kinidnap ako."
Pagkasabing pagkasabi niya non ay kaliwa't kanan ang mga reaksyon ng mga kasama namin.
"HA?!" gulat na sabi ni Desteen
"Okay ka lang ba?!" OA na sabi ni Adam
"Oh talaga?" epal ni Tricia na matawa tawa nang sinabi ito na binatukan naman ng katabi nitong si Ash
Nang humupa ang paghi-hysterical ng mga bata (oo bata, nakakaloka na itong mga to) ay lahat kami ay tumingin kay Melanie na isa isa kaming tinignan at nang tumama ang tingin niya sa akin ay tinaasan ko siya ng kilay na agad naman niyang iniwasan.
Sabi ko na nga ba e.
"Joke lang." sabi ni Melanie na muntikan nang masugod ni Tricia at Desteen kung di lang sila inawat ng mga katabi nila na si Ash at Jonas at Sanch at Pierre.
Napakamot sa batok ang katabi kong si Heidie at kami naman ni Adam ay napahilamos sa aming mga palad.
"Ano ba talaga ang nangyari sa iyong bata ka at bakit nawala ka bigla?" sabi ko na halos nagmamakaawa na
"Umayos ka kung ayaw mong tuluyan ka ng dalawang to." banta ni Heidie na nababanas na
"Kasi nagsi-sleep walk ako tas pag gising ko nasa isang sasakyan na ko tas umaandar to. Di ko maalala kung sino yung driver pero ang alam ko ay kilala ko ito. Tapos ay tumigil ito at bumaba yung driver tas di na bumalik. Tapos lumabas na din ako ng sasakyan at nasa gitna kami ng highway. Tapos nilakad ko na papunta dito." explain niya
"Wow. Sipag maglakad." singit ni Pierre kaya binato ko sa kanya yung pinaglalaruan kong bato
"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo, Melanie?" napayuko siya sa tinanong ko at nakita ko ang unti unting pag tango niya
"Bakit? Nagdududa ka, Ate Chelle?" sabi ni Ash
Tinaasan ko siya ng kilay at napairap ako at bahagyang ngumiti ng parang naiinis. "Sige, I'll ride with what she's saying."
But I know that she's not telling the truth. Or maybe she's like the three boys, she said the truth but it's not complete. Like something is stopping her from saying everything she knows.
Tumingala ako at tinignan ang langit. Tanghaling tapat na. Masyado nang mainit.
Tumayo ako at nagpagpag. "Gumalaw na tayo. Dadalhin ko kayo doon sa may ilog pagkatapos ay maghahanap ako ng makakain natin."
YOU ARE READING
Lie Or Die
Mystery / ThrillerMay alam akong laro na masaya; Truth or Dare. At may alam din akong laro na hindi masaya; Lie or Die. Wanna play?