Chapter 15
Pangalawa
"Nasaan siya?!" marahas kong tanong at dumaan papunta sa gitna nila at nagbigay daan naman sila
"Doon!" sabi ni Sanch at tinuturo yung parte sa harapan ko
Kanina ay clear ang tubig doon sa side na pinagtambayan ko at sa pinangyarihan ng aksidente ko. Ngayon ay hindi na masyado siguro dahil sa agos kaya hindi ko siya makita.
Mabuti at hindi ko binitawan yung stick kanina. Ginawa ko yung ginawa ko kanina sa tubig para malaman kung hanggang saan ang lalim nito.
Lumuhod ako at dahan dahan ko itong ibinaba at habang binababa ay humihigpit ang hawak ko dahil malakas talaga ang agos ng tubig.
"Shit!" napamura ako nang lubog na ang kabuoan ng stick at nararamdaman ko na sa kamay ko ang malamig na tubig pero hindi ko maramdaman yung lupa sa kabilang dulo
Kumuha ako ng mga bato at pinagbabato ang mga iyon sa tubig.
"Pierre!" sigaw ko at nagpatuloy sa pagbato
Wala akong nakuhang sagot kaya hinarap ko ang mga kasama namin.
Tumayo ako, "Marunong ba lumangoy iyon?"
Pinasadahan ko sila ng tingin isa isa at nakita ko ang nagki kibit balikat na sila Ash, Melanie, at Tricia at ang umiiling na sila Heidie at Desteen.
Si Jonas ay nakapako ang mga titig sa tubig. Sila Adam at Sanch na lang ang natira kaya at sila ang pinaka close sa kay Pierre kaya tinignan ko sila at nang wala silang maisagot ay tinaasan ko sila ng kilay.
"Hindi ko alam." sagot ni Adam
Tinitigan ko si Sanch at alam kong halata na nila ang pagka irita ko, "H-hindi ko din alam." sagot niya
Mahina akong nagmura at binaling ko ang tingin ko sa tubig at naghintay ng kung anong milagro na baka may umahon na katsupoy dito na si Pierre at baka mapawi ang takot na nararamdaman ko. Baka hindi pa siya naaagos ng tubig pababa sa falls. Baka hindi pa siya nauubusan ng hiningang inipit niya. Baka marunong siya lumangoy. Baka nasa mababaw siya. Baka pinagtitripan niya lang ako. Baka...
May naririnig akong mga nagsasalita sa likod ko pero binalewala ko iyon.
"Jonas, ano ba?!" dinig kong sabi ni Heidie kaya napatingin ako sa kanila
Nakita ko si Jonas na tinatanggal ang kanyang shirt at mga sapatos at medyas na hindi pinapansin ang mga sinasabi ng mga kasama namin.
"Anong ginagawa mo?" pagtatanong ko nang nakitang papalapit siya sa tubig
Nilingon niya ako at nakita ko... Nakita ko ang walang ekspresyon niyang mga mata pero ang mga labi niya ay nakangising aso bago siya tumalon.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at lalong lumapit sa tubig. Naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa braso ko. Hinawi ko yun pero nanatili ang mga tingin ko sa tubig kung saan tumalon si Jonas.
Unti unti akong tumawa at naramdaman ko ang mga tingin nila sa akin at ang pagtahimik nila.
Lumingon ako sa kanila, "Ilan ba talaga ang tanga sa grupo na 'to?"
Ang mga tawa kong sarkastiko ay napawi at muli akong humarap sa ilog.
Nakaramdam ako ng pagkasiphayo at ginulo ang buhok ko saka pumikit nang mariin at nagsisisigaw. Maya maya ay may humawak sa balikat ko.
Inis akong lumingon doon at nakita ko si Pierre na akay akay ni Jonas. Lalo lang nag init ang ulo ko nang makita ko ang nakapikit niyang mga mata at naka ngising aso pa ang gago.
YOU ARE READING
Lie Or Die
Mystery / ThrillerMay alam akong laro na masaya; Truth or Dare. At may alam din akong laro na hindi masaya; Lie or Die. Wanna play?