Chapter 17

5 1 0
                                    

Chapter 17

Out

Alas tres ng hapon nang makabalik sila Tricia at Desteen. Hinayaan muna namin ang dalawa sa isang tabi habang kami ay may sari-sariling ginagawa.

Matagal din kaming naghintay, natulala, at umiyak dahil sa pagkawala ni Adam. Alas sais nang makita namin siyang lumulutang sa tubig at isa siya sa pinaka naka-close ni Sanch dito kaya nahirapan kami sa pagpapatahan sa kanya.

Tumahan siya sa pag iyak bandang alas diyes ng umaga. Pero hindi pa rin siya nagfa-function noon, tumayo siya bigla at naglakad papunta sa malaking bato at naupo roon.

Hindi namin siya nakausap dahil hindi niya rin kami pinapansin kaya naghiwa hiwalay na muna kami ng pagkakaabalahan.

Sila Melanie at Ash ay nakaupo malapit kay Adam at mukhang nagiisip ng pwedeng gawin para maging okay na si Sanch. Si Desteen ay sinundan si Tricia at hindi pa bumabalik. Kaming apat naman nila Heidie, Jonas, at Pierre ay nakaupo malapit sa mga upos ng naiwang bonfire at tulala.

Wala kaming ibang marinig kundi ang mahihinang hikbi ni Sanch at ang agos ng tubig.

"Ano na ngayon?" sabi ni Heidie na nagpatigil sa nakakabinging katahimikan

"Kailangan nating umalis dito. Dalawa na sa atin ang namatay, at dalawa pa ang napahamak. Hindi na pwedeng may sumunod pa." sagot sa kanya ni Jonas

"Pero saan tayo pupunta? Hindi natin alam kung saan pabalik ng camp at isa pa, pakiramdam ko palayo na tayo nang palayo sa camp. Parte pa ba ito ng property ng resort?" sabi ni Heidie na walang nakasagot

May ideya ako kung paano kami makakabalik sa camp pero delikado ito. Baka may madisgrasya nanaman at mamatay sa amin.

"Pagkabalik nung dalawa at pag maayos na si Sanch, aalis agad tayo dito. Malay natin kung may makakita sa atin o di kaya ay may makita tayong makakatulong sa atin." sabi ni Pierre na tumayo saka naglakad patungo kay Sanch at siguro'y kinakausap siya

Nagkatinginan kaming tatlo at bumuntong hininga.

"Bakit ba nangyayari sa atin, 'to?" Nanginginig ang boses ni Heidie sa sinabi niyang ito

"Ewan ko, Heidie. Ewan ko." Sabi ni Jonas na lumapit kay Heidie at sinandal niya ang ulo nito sa dibdib niya at pinatahan.

Tinignan ko sila at napangiti. Kahit pala maraming masasamang bagay ang nangyari sa amin sa leadership camp na ito ay may magagandang bagay din pala itong maidudulot.

May mga pagkakaibigang nabubuo at tumitibay. May mga di pagkakaunawaang nalulutas.

Jonas glanced at me and he smiled slyly.

Kung hindi kaya ako sumama sa camp na ito ay mangyayari ba ang lahat ng ito? Kung hindi ko ba hinabol yung papel ko ng team number ay hindi ba ako mapapansin ni Jonas? Kung walang koneksyon si Heidie sa Pluma at hindi niya nalaman na writer ako doon ay hindi ba kami magiging matalik na magkaibigan?

Bumuhos ang mga tanong sa isipan ko. What if's and what should have been's. Bihira akong magtanong ng mga ganitong klaseng tanong pero pag nangyayari ito ay masama ang epekto sa akin.

No. Hindi. Not again.

Naramdaman ko ang pag ikot ng paligid ko. Hindi ko maramdaman ang mga paa at binti ko. Napayuko ako at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko para patigilin ang nararamdaman ko. Naririnig ko ang mga yapak ng mga kasama ko at ang mga tanong nila sa akin pero sabog ito sa tenga ko.

Hindi ko na na kontrol at tuluyan nang binalot ng dilim ang paligid ko.

Nasa isang apartment ako. Luminga linga ako at pinagmasdan ang paligid. Pamilyar ito sa akin.

Lie Or DieWhere stories live. Discover now