Chapter 22
Dark
"Tama na yan. Kumain na tayo." pagsaway ni Sanch
"Tawagin ninyo yung dalawa doon, Desteen." sabi ni Ash
Walang ginawa si Desteen kundi titigan si Ash kaya tinitigan din siya nito. Nagtitigan silang dalawa hanggang sa sumuko si Desteen at umungol si Desteen bilang pagtutol at tamad na tumayo at naglakad papunta sa tatlo na nagaaway sa sala.
"INAY! ITAY! ATE!" Halos mapamura ako sa biglang pag sigaw ni Desteen
Pero sila Sanch ay napamura na talaga habang si Pierre ay umaambang ibabato kay Desteen ang nakuha niyang plato samantalang sila Ash at Melanie naman ay nakatitig kay Desteen na para bang isa itong multo na binalak silang multuhin pero naligaw lang pala ng target.
Nilingon kami ni Desteen bago siya tuluyan lumabas ng kusina at nag peace sign. Ginantihan naman namin ito ng matatalim na tingin. Inangat naman ulit ni Pierre yung plato kaya nagtatatakbo na si Desteen palabas.
Bumuntong hininga ako at ibinaling ang tingin sa mga kasama ko na ngayo'y pa upo na sa kanya kanya nilang mga silya.
Doon ako umupo sa kaliwa kung saan nakatalikod ako sa pader at kita ko ang kabuuan ng sala. Pinagigitnaan ako nila Ash at Melanie at sa kaliwa naman ni Ash ay ang kararating lang na si Heidie.
Katapat ko si Sanch at pinagigitnaan siya nila Desteen at Tricia at katabi ni Desteen ang isang bakanteng upuan at sa magkabilang dulo ng lamesa ay sila Pierre at Jonas.
Sa harapan namin ay ang inihandang pagkain ni Sanch.
Tinitigan namin iyon hanggang sa magsalita si Heidie, "Anong experiment 'to, Sanch?"
Siniko siya ni Ash kaya pinaikot niya ang mga mata niya, "I mean, ano 'to?"
"Tinola." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya
Narinig ko ang mga puna ng mga kasama namin. Paano ba naman kasi, hindi mukhang tinola ang niluto niya.
Walang manok. Walang sayote o papaya man lang. Puro dahon.
"Di naman siguro tayo tutubuan ng bunga nito, ano? Puro dahon ang kinakain natin." Biro ni Desteen
"E, dahon lang ang meron tayo. Mabuti kung may pakalat kalat na sayote dito." Sagot ni Sanch
"Oh, siya siya. Wag niyo na laitin ang luto ni Sanch. Malay ba natin kung masarap pala ito." Sabi ni Jonas na nagpapaka father figure sa amin
Mukhang di lang ako ang nakapansin na para siyang tatay sa amin dahil narinig ko ang maimpit na bulong ni Heidie, "Yes, daddy."
Mahinang tumawa si Ash na nakarinig din ng kumento ni Heidie samantalang ako ay nagpipigil ng tawa.
Nagsimula na kaming kumuha ng sabaw at ilagay ito sa mangkok. Maglalagay na sana ako ng sabaw sa mangkok nang iabot sa akin ni Pierre ang kanya.
Naiwan sa ere ang kamay ko na nakahawak sa mangkok at ang isang sumasandok ng sabaw. Tinignan ko si Pierre at tinaasan siya ng kilay.
"Ne." Sabi niya
Lalong tumaas ang kilay ko. Mahina siyang tumawa, "Sabi ko "oh". Sa'yo na 'to."
Di pa rin ako gumagalaw, "Malinis yan!"
Napanguso ako at nagpatuloy sa pagsandok ng sabaw. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong napaawang ang bibig ni Pierre.
Nang matapos ako ay nilagay ko sa harapan ni Pierre ang mangkok na pinaglagyan ko ng sabaw at kinuha ang hawak niya.
YOU ARE READING
Lie Or Die
Mystery / ThrillerMay alam akong laro na masaya; Truth or Dare. At may alam din akong laro na hindi masaya; Lie or Die. Wanna play?