Chapter 11
Water snake
"Mel?" basag ang boses ni Ash sa huling pagtawag niya sa pangalan ng babaeng nakahiga sa harapan namin
Unti unting bumukas ang mga mata niya at bumuka ang bibig niya para magsalita pero walang lumabas na kahit ano kaya pinigilan namin siya.
"Shh." pagpigil ni Ash
"Wag ka muna magsalita, Melanie." sabi ni Heidie
Niyakap ni Ash si Mel kaya umatras kami konti mula sa kanila.
Kaso parang sobrang higpit ng yakap nito kay Mel.
"Ash? Mahigpit naman yata yan?" sabi ko
"A-aray, Ash. Masyado mo naman akong namiss." sang ayon ni Melanie
Lumuwag ang kapit ni Ash kay Melanie at narinig ko ang mabibigat na hinga ni Mel.
Nang napagtanto ko ang ibig sabihin ng paghinga niya na iyon ay tumayo ako at di na nakapagpagpag pa.
"Lumayo muna kayo kay Mel. Inaatake siya ng hika." sabi ko
Nanlaki ang mga mata nila at saka tumugon sa sinabi ko at agad silang lumayo. Pati si Ash ay napalayo rin.
Tumakbo ako papunta sa pinaglapagan namin ng backpack at nagpasalamat dahil hindi ito nadamay sa pagsabog. Binuksan ko ito at kinuha ang tumbler.
Hinalukay ko pa ang bag at kahit parang imposible ay nagba baka sakali ako na may paper bag doon o kung ano.
Hindi ko alam kung paano pero may nakita akong paper bag sa isa sa mga bulsa ng bag. Wala na akong panahon para magtaka kung saan iyon nanggalin at itinakbo na lang iyo sa kanila Mel at Ash.
Binigay ko kay Heidie ang paper bag at naintindihan naman niya kaagad kung anong gusto ko gawin niya.
"Jonas, pakimonitor si Melanie. Boys, pwede ba kung bantayan niyo sila?" tugon ko kay Jonas at sa tatlong magkakaibigan na sila Sanch, Adam at Pierre.
"Sige." sagot ni Jonas at inalalayan si Ash patayo at palayo kay Melanie saka pumunta sa backpack namin para yata kumuha ng kung ano.
"Sige, Ate kami na po bahala dito." sabi ni Adam at tinanguan niya ang dalawa at parang automatic na pinalibutan nila ang grupo namin.
Nilapitan ko si Desteen, Tricia, at Ash at inalalayan ko sila papunta sa side ni Adam na medyo malapit sa isa pang puno at pinaupo sila doon.
"Dito muna kayo, guys. Kumalma lang, ha? Kukuha lang ako ng tubig." Tatayo na sana ako ng hawakan ako ni Tricia sa braso at hilahin kaya muntikan na ako ma out of balance.
Tinignan ko siya nang may pagtataka, "Saan ka kukuha ng tubig?" tanong niya
Ngayon ko lang din naisip ang bagay na iyon. Hindi ko kabisado ang gubat na ito. Hindi ko din alam kung anong meron dito.
"Ate, marunong ka po umakyat ng puno?" tanong ni Desteen
Tinitigan ko siya para makuha ang ibig sabihin niya at nang napagtanto ito ay medyo umaliwalas ang pakiramdam ko.
Tumango ako at pinahawak sa kanila yung tumbler, "Paki hawak muna."
Kinuha naman nila at naghanap ako ng mataas na puno.
Nang makakita ay lumapit ako doon at inakyat. Nang nasa tuktok na ay medyo nakita ko ang kalawakan ng gubat at hindi malayo sa kinaroroonan namin sa silangan ay isang ilog.
Hindi ko na matanaw kung hanggang saan ang ilog. Basta ang importante ay may mapagkukuhaan kami ng tubig.
Dahan dahan akong bumaba mula sa puno at nang malapit na ako maka apak sa lupa ay tinalon ko yun at dumiretso sa kinaroroonan nila Heidie, Mel, at pati na rin ni Jonas dahil doon ang daan papunta sa ilog.
YOU ARE READING
Lie Or Die
Mystery / ThrillerMay alam akong laro na masaya; Truth or Dare. At may alam din akong laro na hindi masaya; Lie or Die. Wanna play?